Chapter 11: Too Late

163 3 0
                                    

Justin’s POV

“Kausapin mo naman si Louie. Kung anu-ano ang sinasabi niya kay Chaunce. Ayaw kong malaman nu’ng bata ‘yung nangyari sa’tin dati,” sabi ni Aubrey.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Louie kay Chaunce pero ba’t naman mamasamain ni Aubrey ‘yun? Alam kong hinding-hindi magsasalita si Louie, lalo na kung tungkol sa nakaraan namin ‘yun.

“Stop being paranoid, Aubrey. Louie will never harm Chaunce. You know that.”

“Pero—“

“Please, Aubrey. Give me a break. Nu’ng una kuya mo, ngayon naman ikaw? Ganyan na ba talaga ang tingin niyo sa kapatid ko?” medyo inis kong sabi.

Hindi ko na kasi sila maintindihan kung bakit ang sama ng pakikitungo nila sa kapatid ko. Ganu’n ba kasama ‘yung kapatid ko para pag-isipan nila ng masama? Kilala ko si Louie. Marami siyang bad habits pero mabait siyang tao.

“I owe my life to Louie. Kung hindi dahil sa kanya hindi tayo magkasama ngayon. Nag-sacrifice siya para sa’kin. Hindi man naging maganda ‘yung nangyari sa inyo dati, ginawa niya ‘yun para sa’kin, Aubrey. Naka-move on na ako sa mga nangyari, kaya kung pwede mag-move on na rin kayo?”

Mas okay pa sana kung hindi na lang nila nakilala si Louie. Sana dati palang pinabayaan ko na si Aubrey sa gusto niya. Sana hinayaan ko na lang siya mapunta kay Kyle. Sana hindi na ako lumabas nu’n at nagpakalasing nang dahil sa kanya. Dahil sa pagmamahal ko kay Aubrey, naaksidente ako at na-comatose ng matagal na panahon. At nu’ng mga time na ‘yun, si Louie ang tumayong ako kahit na hindi naman niya kailangan gawin. Hindi man naging maganda ang intensyon ni Louie noon, alam kong ginawa niya ‘yun para sa’kin. Gusto niyang maghiganti kay Aubrey kasi nasaktan ako ng sobra.

Kung bumalik ako agad nu’ng nagising ako, baka nailayo ko pa si Louie sa kanila. Kung nagpakita lang agad ako, eh ‘di sana hindi na nila nakilala pa ang kapatid ko.

“I’m sorry,” sabi ni Aubrey.

“I’m sorry, too. Hindi ko gustong magsalita ng ganu’n. Ang gusto ko lang, matapos na ang issue kay Louie. Nakakapagod at nakakasawa na kasing pag-usapan.”

“I know. Hindi ko naman sinasadyang pag-isapan siya ng masama. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganu’n ‘yung mga sinasabi niya kay Chaunce,” paliwanag niya.

“Ano ba ang sinasabi ni Louie?” tanong ko.

“Sabi niya, mabuti daw akong mommy. Maswerte kayong dalawa ni Chaunce dahil nandito ako para sa inyo.”

“What’s wrong with that? He told Chaunce how good you are.”

Anika’s POV

“Marck naman. Ilang taon na ang lumipas. Mag-move on naman tayo. Malaki na ‘yung mga bata. Baka mamaya magulat na lang tayo, nagtatanong na sila kung ano ang nangyari dati,” sermon ko sa asawa ko.

Sobrang naiinis pa rin ako sa ginawa niya kay Louie. Alam kong galit pa rin siya dahil sa ginawa ni Louie kay Aubrey pero old issue na kasi ‘yun eh. Lahat kami, naka-move on na. Si Marck na lang yata ang hindi. Hindi ko rin malaman kung bakit ang laki-laki pa rin ng galit niya kay Louie. Gaano man siya kagalit sa tao, hindi pa rin siya dapat nagsalita ng ganu’n.

“So, kinakampihan mo siya?”

“Marck! Wala akong kinakampihan. Asawa kita pero hindi naman ako papayag na magsalita ka na lang ng ganu’n.” Napapapadyak na lang ako sa sahig sa sobrang inis ko sa kanya.

Buti na lang at nasa labas si Frank. Hindi niya naririnig ‘yung pagtatalo namin ng daddy niya. Hindi naman kasi kami madalas mag-away nitong si Marck eh. Ngayon lang talaga kami hindi nagkasundo.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon