Chapter 2: The Call

423 13 14
                                    

READ: Wooo! Ito na po ang chapter two! Pasensya na po kung sobrang tagal medyo nag-a-adjust pa po kasi ako sa bagong sched ko ngayong 2nd sem. Hindi na ako pwedeng magpuyat dahil puro 7am pasok ko. Hindi naman ako makapag-type after class dahil maraming homeworks. Sana maintindihan niyo po ako. And I am being demanding now, I want some votes and comments. Nawawalan kasi ako ng gana kapag wala masyadong naghihintay or walang feed back sa posts ko. Kaya kung pwede lang naman, mag-vote and comment po kayo. Maraming salamat. Paalala ko lang po, medyo mabagal na ang UD ko kaya wag niyo po sana akong madaliin ng bonggang-bongga. I-add niyo po pala ang account ko at ng ating mga characters.

www.facebook.com/bearwithmeplease.wattpad

www.facebook.com/jjustinklein

www.facebook.com/jlouieklein

www.facebook.com/aleinecortez

Thank you! Ingat! Godbless!

Si Lauren as Pris An ---->

----

Louie’s POV

Hinintay lang namin matapos ang meeting ni Paula at tsaka kami nagpunta sa isang malapit na restaurant para mag-dinner.

“So, anong balita kay Justin? Tumawag na ba siya ulit?” tanong ni Paula habang kumakain kami.

“Uhm. Huling tawag niya two months ago pa. Pero sabi naman niya okay naman siya d’un” walang alinlangan kong sagot.

“S-si Aubrey?” Parang nahihiyang pang magtanong si Paula ng tungkol kay Aubrey.

“Don’t have any idea about her. Baka okay lang naman siya. Paula, let’s not talk about them. May sarili na silang buhay, right?” Hinawakan ko sa kanang kamay si Paula.

“Kailan naman daw sila uuwi ng Pinas? I mean, may balak pa ba silang bumalik? It’s been three years, I guess” she asked again. Hindi ko alam kung bakit sila Justin ang maging topic namin ngayon.

“It depends. May business na kasi si Justin sa London. Hindi ko alam kung pwede niyang iwan iyon. Don’t worry; I’ll try to call him.” Ngumiti na lang ako.

Pagkatapos ng usapan naming iyon, hindi na ulit kami nagkibuan ni Paula. Naging awkward na rin kasi ang atmosphere. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pumasok sa isip niya at napasok sa usapan si Justin at si Aubrey.

Hinintay lang namin matapos kumain ‘yung mga bata at nagkaayaan na rin kaming umuwi.

“Get in the car, kids” utos ko sa mga bata.

“Louie” tawag sa’kin ni Paula. Agad naman akong huminto sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

“Don’t get me wrong. Hindi ako nagtanong sayo kung kamusta na sila para asarin ka. Gusto ko lang talaga malaman kung ano ang kalagayan nila doon” mahinang sabi niya.

“I know. You don’t have to explain yourself. And, wala naman na sa’kin iyon. Just forget about it, okay?” Nilapitan ko siya at tsaka niyakap.

“I’m sorry” bulong niya sa’kin.

“Don’t be, please. Hayaan mo, makikita din natin sila. Soon, maybe?” sabi ko at inaya ko na siya papunta sa kotse.

Sumakay na kami sa kotse at nagsimula na akong magmaneho. Noong una, medyo ang cold pa ng atmosphere dahil na rin siguro sa pag-uusap namin ni Paula kanina.

Totoo naman kasi. Wala na sa’kin iyon. Matagal na akong naka-move on. Tsaka, ang nakalipas hindi na maaaring balikan. Alam ko namang gusto lang talaga alamin ni Paula kung kamusta na sila Justin. Kung ako man siya, gan’on din ang gagawin ko.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon