Paula’s POV
Paakyat na sana ako papunta sa kwarto nang marinig kong banggitin ni Louie ang pangalan ni Justin. Huminto ako sandali at tsaka nagtago para pakinggan kung ano man ang pwedeng marinig. I’m not being chismosa here. I’m a concern woman.
“It’s alright… It doesn’t matter… Okay… Ingat ka diyan, kayo, I mean…”‘Yan lang ang tanging narinig kokay Louie.
Sinilip ko siya. He sighed as if he’s facing a big problem. Naupo siya sa sofa at tsaka yumuko. Feeling ko may iniisip siya pero ayaw ko namang magtanong.
“Mommy..” narinig kong sabi ng isang bata at nakita ko na lang si Pris An na hinihila ang damit ko.
“Yes, baby?” Binuhat ko na siya pabalik sa kwarto niya dahil ayaw ko rin namang istorbohin si Louie.
“Daddy?” she asked.
“He still has something to do. Matulog na tayo ha?” sabi ko.
Inihiga ko na sa kama si Pris An. Hinintay ko lang siyang makatulog. Pagkatapos n’un, binalikan ko na sa baba si Louie para tignan kung nand’un pa siya.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko siyang nakatulog na sa sofa. Bumalik ako sa taas para ikuha siya ng blanket dahil alam kong giginawin siya.
Pagkabalik ko sa baba, gising na ulit si Louie. Para bang wala na naman siya sa sarili. Tulala lang siya.
“Louie, may problema ba?” At tsaka lang siya natauhan nang marinig niya akong magsalita.
“Oh? Bakit gising ka pa? May pasok ka bukas diba?” tanong niya sa’kin.
“Louie, tomorrow is Sunday.” Paalala ko. Mukhang may pinoproblema nga siya.
“Talaga? Nakalimutan ko na. So, may kailangan ka ba? Snacks?” The way na magtanong siya sa’kin parang kakaiba na talaga.
“Okay lang ako. Ikaw? Parang wala ka sa sarili” pag-aalala ko.
“Don’t mind me. Matulog ka na” sabi niya.
“Are you sure?” paninigurado ko pa.
“Ano kaba, Paula? Okay lang ako. Insomiac lang. Tara, hatid na kita sa kwarto.” Lumapit siya sa’kin at tsaka ako sinamahan paakyat sa kwarto.
Louie’s POV
Pagkahatid kokay Paula sa kwarto, agad din akong lumabas para bumalik sa baba. Ayaw talaga akong dalawin ng antok. Gustuhin ko mang magpahinga, di ko magawa dahil hindi pa nga ako inaantok. Tsk.
Napatingin ako sa orasan, 2am na pala. Insomia ba ‘to o sadyang may iniisip lang ako? Antok, dalawin mo naman ako oh! Hay, buhay!
Kinabukasan, pagkagising ko, wala na sila Paula. Ang tanging iniwan lang nila ay ‘yung note sa fridge na ang nakalagay, ‘We’re off to church. See you later’. Hindi man lang ako ginising. Hay.
Kakaikot ko sa sala, biglang tumama ang paningin ko sa orasan namin.
“4:30pm? I overslept, I guess. Makaligo muna nga” sabi ko sa sarili ko.
Umakyat na ako sa taas para maligo. Pero pagkahubad ko ng shirt ko narinig ko ang pagtunog ng doorbell namin.
“Tsk. Wrong timing” reklamo ko pa. Sumilip muna ako sa bintana para tignan kung sino o ano man ‘yon.
BINABASA MO ANG
HTS3: They're Back Together [on-hold]
No FicciónThis is the third book of the not-so-popular story, He's the Stranger. :) Huwag niyo po itong basahin kung hindi niyo pa rin po nababasa ang book 1 and 2. Maraming salamat! :))