Chapter 12: Hello, brother

177 4 0
                                    

Justin's POV

First day ngayon sa school ni Chaunce kaya kaming dalawa ng mommy niya ang naghatid sa kanya. Hindi naman kami nagihrapang iwan siya. Classmates naman kasi silang dalawa ni Frank at siya na rin nagsabi na kaya na niya kahit iwanan namin siya ni Aubrey.

Ewan ko ba. Napaka-matured mag-isip ni Chaunce para sa isang four year-old na batang katulad niya. Sabi ni Aubrey, sa'kin daw namana ni Chaunce 'yun. Pareho daw kasi kaming mag-isip at magsalita.

Pero hindi ako makakapag-stay ngayon sa tabi  nila Aubrey. Kailangan kong umalis ng bansa para sa business  projects. Sa ayaw at sa gusto ko, ako ang kailangan para maayos ang company namin. Dati, dalawa kami ni Louie na huma-handle du'n pero nag-resign siya dahil wala nga siyang hilig sa business. Sinabi rin niyang wala rin siyang kayang gawin sa kumpanya. Baka wala rin daw siyang maitulong dahil hindi naman niya hilig ang mga ganu'ng bagay.

Nasabi ko naman na kay Aubrey ang tungkol dito. Kailangan ko na lang magpaalam kila Marck at kay Louie. Hindi ko nga rin alam kung ano ang magiging reaksyon ni Marck kapag nalaman niyang maiiwanan sila Aubrey kasama ang kapatid ko. At hindi ko rin alam ang sasabihin ni Louie kapag nalaman niyang makakasama niya sila Aubrey nang wala ako.

Uuwi rin naman ako agad kapag naayos ko na ang lahat. Gustong sumama ni Aubrey pero hindi kaya ng schedule niya dahil inaasikaso pa niya ang AE-U. Malapit na kasing ilipat sa pangalan ni Marck 'yung AE-U para isa na lang ang nagha-handle. Gaya ng sinabi ko, wala na ring share du'n si Louie.

Hinihintay ko ngayon si Louie para magpaalam. Hindi ko pa kasi nababanggit sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko. Hindi rin kasi ako sigurado kung magiging okay lang sa kanya ang dalawang buwan kong pag-alis. Dapat isang buwan lang kung kasama ko siya pero dahil ayaw nga niya, naging dalawang buwan ang trabaho ko.

Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay ang kapatid ko. Hindi siya nagpasabi kung saan siya pupunta pero alam ko namang magpapahangin lang siya kaya siya umalis. Tiningnan ko ang kwarto niya kaya alam kong hindi siya naglayas. Hindi naman ako magdadalawang-isip na hanapin siya kung naglayas man siya.

"Louie," tawag ko agad sa kanya pagkapasok niya ng bahay.

"Hello, brother."

"Kailangan kitang makausap."

"Justin, kung tungkol kila Aubrey 'yan, please, spare me," iritado niyang sabi.

Nagpupunas pa siya ng pawis. Sa tingin ko hindi siya nagpahangin, nagpapawis siya. Kaya pala umaga palang, wala na siya. Bihira siyang magpapawis sa labas. Meron naman kasi kaming mini-gym kung gugustuhin niyang magpapawis.

"Nah. Why not take a seat first before you rant," sabi ko. Naupo naman siya agad sa sofa na nasa harapan ko.

"What is it?"

"I'm leavi-"

"What?!" Hindi pa ako tapos magsalita, nag-react na agad siya. "Aalis ka na naman? Siguraduhin mong kasama mo 'yung mag-ina mo."

"Louie, pwede ako muna?  Putak ka nang putak, daig mo pa babae," suway ko sa kanya. Totoo naman eh. Hindi na natigil 'yung reklamo niya kila Aubrey. Sabagay, ganu'n din naman sila Aubrey sa kanya. Hindi na ako magtataka.

"Fine."

"Hindi ko kasama sila Aub-"

"See? Tapos ano? Maiiwan sila sa-"

"Louie! Pwede ba? Ako nga muna ang magsasalita, 'di ba?" Hindi na siya nagsalita at hinayaan na ako.

"Aalis ako para sa trabaho. Hindi para bwisitin ka. Kung tinanggap mo 'yung trabaho, eh 'di tayong dalawa sana ang aalis ngayon. Kaya lang hindi eh, inayawan mo."

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon