Chapter 5: And it goes like this

384 9 12
                                    

Sorry for the superduper late UPDATE! Sobrang busy sa school. Ang daming projects. T_T And it so hard to find time para magUD. Sana maintindihan niyo ako. At bago ang lahat, sino ang may twitter? Follow niyo ako ----> @yourassyle 

Palike ng page natin ---> https://www.facebook.com/bearwithmeplease

Thank you! Don't forget to vote and drop some comments! ♥ :">

Enjoy reading! :D

----

Justin’s POV

7pm na nang makauwi kami dito sa bahay. Nandito rin si Aubrey pero wala pa sila Louie.

“Manang, baka pwedeng ipag-prepare mo na kami ng dinner. Parating na rin kasi sila sir Louie mo” utos ko sa katulong namin.

Kung dati medyo bata ang kinukuha naming katulong, iba na ngayon. Hindi na rin kasi kami bata para maging choosy. Kay Louie lang naman big deal ang pagkakaroon ng medyo bata pang maid noon. Kilala niyo naman siya eh.

“Justin..” narinig kong pagtawag sa’kin ni Aubrey.

“Oh? Akala ko ba magpapahinga muna kayo ni Chaunce?” tanong ko habang pinapanood ko siyang bumaba ng hagdan.

“Ayaw naman niya matulog. And I somehow like to wait for them.” She’s talking about Louie and Paula.

“Hindi pa nga nagtetext si Louie. Baka may dinaanan pa ‘yun” sabi ko pa.

“May dinner na ba? Magluluto ako.” Papunta na sana siya ng kusina nang pigilan ko siya.

“Meron na. Magpahinga ka muna. Wala pa naman sila eh. Tatawagin na lang kita kapag nandito na sila. Okay?” sabi ko.

Tumango lang siya at nilapitan ako para yakapin. Ibinalik ko naman agad ang yakap niya.

“Thank you, Justin” mahinang sabi niya.

“For what?”

“Sa lahat. For everything you’ve done for me and for my child.” Hinawakan ko siya sa dalawang balikat at tsaka tumingin sa kanyang magagandang mata.

“You don’t have to thank me. I will do everything for you” I said then kissed her forehead.

“*Ehem*” Bigla naman kaming nagulat ni Aubrey nang may nagparamdam.

“Uhm. Ituloy niyo lang baka nakakaistorbo kami” pilyong sabi ni Louie.

“Loko ka. Pumasok na nga kayo. Kumain muna tayo at tsaka magkwentuhan” aya ko sa kanila.

“Dadalin ko muna si Pris An sa kwarto ni Louie” paalam ni Paula.

Nauna na kaming tatlo nila Louie sa dinning area. Magkatabi kami ni Aubrey at nasa kabilang side naman si Louie, hinihintay si Paula.

“Daddy..” Sabay-sabay kaming napatingin sa batang lalaki na papunta sa’kin.

“Come here, Chauncey” sabi ko at biglang palo naman sa braso ko si Aubrey.

“Wag mo ngang tawaging Chauncey ‘yan. It’s so girly” mataray na sabi niya.

“Sorry naman po. And to tell you, alam mo ba kung saan namin nadampot ang pangalang Chaunce?” nakangiti kong sabi.

“Saan nga ba?” tanong ni Louie.

“I told Aubrey to give me a CHAUNCE. ‘Yun lang. Haha” natutuwa ko pang sabi.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon