Chapter 10: Loved.

169 5 0
                                    

Justin’s POV

Pagkagising ko, naligo lang ako sandali at saka lumabas para mag-jogging. Hindi na ako nagpaalam kay Aubrey dahil alam naman niyang araw-araw akong lumalabas para mag-jogging. Hindi na kasi ako nakakapag-workout kaya bumabawi na lang ako sa pagtakbo tuwing umaga.

“So, you’re not with your kid this time?” Napahinto ako sa pagtakbo nu’ng may narinig akong kumausap sa’kin.

“Megan?”

Ilang taon na ang nakalipas nu’ng huling beses ko siyang nakita. Masyadong malaki ang pinagbago niya. Sabagay, high school pa lang kami nu’ng huling beses kaming nagkita. Sobrang matured na ang itsura niya ngayon. At napansin kong nandito rin siya para mag-jogging.

“Glad to see you here, again,” nakangiting sabi niya. Hindi naman kami lumipat ng bahay nu’ng nag-break kami ni Megan kaya hindi na ako magtataka kung nandito rin siya.

“So, when did you come back?” tanong ko.

“Last week. And you? Kamusta kayo ni Aubrey? Artista pa ba siya? Sorry, hindi na kasi ako masyadong updated sa mga celebrities ngayon.”

“How did you know about us? I mean, wala naman na tayong balita sa isa’t isa nu’ng naghiwalay tayo,” sabi ko.

Imbis na tumakbo, naglakad na lang kaming dalawa habang nag-uusap. Hindi naman na ako galit kay Megan. Matagal nang issue ‘yung sa’min. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi kami nagkakilala ni Aubrey.

“I saw the both of you. Sa Michigan.”

Oh. That wasn’t me. That was Louie.

“We’re good. And Megan, there’s one thing you don’t know about me. I don’t know if I am suppose to tell you this, but I have a twin brother.”

“Really? A twin brother?” Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko pero hindi ko naman kailangan sabihin sa kanya kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol du’n. Wala na akong reason para mag-explain pa sa kanya.

“Yes. His name is John Louie.”

“Kaya pala akala ko nag-iba ka na. I guess, I’m wrong. You still have a pure heart, just like before,” nakangiti niyang sabi.

“What about you? And Nuri? Kamusta na kayo?” Hindi naman ako nagtanong dahil interesado ako. Nagtanong lang ako para maiba ang topic namin.

“Nuri and I? We broke up the moment we realized that we’re still into you and Aubrey. But it was too late when we realize that. Nagkamabutihan na kayo ni Aubrey nu’ng time na nag-break kami.”

‘Yung mga nangyari nu’ng high school kami parang kahapon lang nangyari. Fresh na fresh pa rin sa isip ko. Wala rin naman akong iba pang aalalahanin dahil siya lang naman ang naging girlfriend ko nu’n.

“Siguro napaka-thankful mo sa’kin kasi kung hindi dahil sa’kin baka hindi kayo magkasama ni Aubrey at baka wala kayong pamilya ngayon.” She laughs with the thought of family.

“I guess so.” Ngumiti na lang ako.

“i have to tell you something about your brother and Aubrey.”

Aubrey’s POV

Maaga akong gumising para i-enrol si Chaunce sa school na pinapasukan ni Frank. Hindi ko na siya in-enrol sa ibang school para hindi na siya mahirapang makipag-friends sa iba. Malapit nang mag-four si Chaunce pero hindi siya katulad ng ibang bata na sobrang kulit at mahilig maglaro. May pagkapilyo pero tahimik lang ang anak ko. Namana niya ‘yun kay Justin. Pareho sila ng ugali.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon