Chapter 9: Family

210 7 2
                                    

Louie’s POV

I don’t think meeting Marck would be that great. I mean, wala naman akong kasalanan sa kanya pero to think na hinahanap niya ako? That’s not what I’m expecting.

Akala ko pa naman ma-e-enjoy ko ‘tong gabi na ito. Ewan ko ba kung bakit kailangan ang presence ko kapag sila ang magkakasama. Samantalang hindi naman kami ganu’n ka-close. Pamilyado na silang tao. Ba’t hindi na lang nila ako hayaang magliwaliw.

‘Wag lang sana akong umpisahan ni Marck. Feeling ko kasi may mangyayari mamaya sa bahay. Hindi ako sure pero malakas ang kutob ko na hindi magandang eksena ang magaganap. Si Marck and Anika? Tss. Sobrang laki yata ng galit sa’kin nang dalawang ‘yon.

Pagkadating namin sa bahay, tinitigan ko muna ‘yung bagong kotse. Hindi pala ganu’n kahirap makakuha ng magandang kotse. Oops, baka sabihin niyo ang yabang ko na naman. Kilala niyo naman ako eh.

“Tara na sa loob. Baka naiinip na ‘yung mga ‘yon kakahintay sayo,” sabi sa’kin ng gwapo kong kapatid.

“As if they really waiting for me,” mahina kong sabi at dumiretso na kami  papasok sa loob ng bahay.

Pagkatuntong ko palang sa pinto, agad na akong sinalubong ni Chaunce. At dahil maliit pa siya, sa legs ko lang siya napayakap. Nasa lahi talaga namin ang matatangkad.

“Hey kiddo, kailan pa tayo naging close?” Tiningnan lang niya ako at saka tumakbo kay Justin. Did I scare him? I don’t think so.

“Don’t scare him. Akala niya ikaw ang daddy niya,” sabi ni Aubrey at tumango na lang ako.

Pati bata naguguluhan sa’ming dalawa ni Justin. Kailangan ko na yatang lumipat ng bahay. Ba’t kasi ako lagi ang kailangang mag-adjust. Lagi na lang ako ang nagbibigay. It’s unfair. Napakabait ko namang tao kung ganu’n.

Paakyat na sana ako nang biglang nagpakita si Marck at Anika. Totoo ngang hinihintay nila ako. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa. Si Marck naman ay binigyan lang ako ng pang-asar na ngiting-aso. Suits him.

“So, I heard that you’re looking for me? Why is that?” Naglakad ako para maupo sa sofa. Bigla akong nakaramdam ng pagod.

“This is a family dinner. So, I supposed that you should be joining us,” sagot ni Anika.

“Oh? Family dinner. Sounds good to me. Pero bakit parang tapos na kayong mag-dinner?” inis kong sagot. Bakit ba lagi na lang nilang pinapamukha sa’kin ‘yung salitang ‘family’?

“Gusto mo bang magutom ‘yung mga bata sa kakahintay sayo?” inis ding tanong ni Marck pero tiningnan ko lang siya.

“Family logics.” Tumayo na ako para umakyat sa taas at du’n na lang magpahinga. Sabi na’t hindi magiging maganda ang pagkikita namin. Ewan ko ba kay Justin. Tss.

“I don’t think you understand what family really means. Hindi mo pa kasi nararanasan magkaroon ng isa at sa tingin ko na hindi mo deserve magkaroon,” galit na sabi ni Marck.

“Marck, stop it,” awat sa kanya ni Anika.

“Kuya, just let him go. Okay?” sabi naman ni Aubrey.

“Why? Sinasabi ko lang ang totoo. Sa tingin niyo ba magkakaroon ng isang matinong pamilya ‘yang si Louie? I guess not. Look at him. He’s—“

“Stop it, Marck or I’ll send you out of this house,” pagtatanggol sa’kin ni Justin pero hindi pa rin ako kumikibo.

“Hanggang kailan mo ba ipagtatanggol ‘yang kapatid mo? Hindi na siya nagbago.”

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon