Louie’s POV
Lumabas na agad ako ng room kahit sasandali palang akong nakakapagpahinga. Kailangan kong tawagan si Justin dahil kailangan niyang umuwi agad.
Galit na Aubrey ang sumalubong sa ‘kin pagkalabas ko ng kwarto. “Problem?” tanong ko.
“What was that?” inis na tanong niya.
“What?”
“Nawala ka kanina tapos pagkabalik mo nag-donate ka na lang bigla ng dugo sa anak ko.” Nakataas ang kilay niya habang kinakausap ako kaya tinaasan ko na lang din siya ng kilay.
“You’re welcome, Aubrey.” Baka kasi ‘yun ang way niya ng pasasalamat sa pag-donate na ginawa ko.
“Am I suppose to thank you?”
“Wow. Ano naman ang problema mo sa ‘kin ngayon? Is it because nawala ako bigla o dahil pareho kami ng dugo ng anak mo?” Hindi ko alam pero bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Kailangan ko bang mag-explain?
“Nagpa-blood test ako kanina para malaman ko kung p’wede akong mag-donate ng dugo para kay Chaunce. Magkapatid at kambal kami ni Justin kaya hindi imposibleng parehong dugo ang dumadaloy sa katawan namin,” paliwanag ko pa.
“Huwag kang mag-alala, kahit pareho kami ng dugo ni Chaunce, hindi siya lalaking katulad ko. Mabait na bata si Chaunce. At hindi poisonous ang dugo ko para sa kanya.” Hindi agad siya nagsalita kaya sa tingin ko, wala na talaga siyang balak kausapin ako. Tinitigan ko lang siya sandali at saka ako naglakad. “Take some rest,” bulong ko.
Hindi pa ako nakakalayo ay biglang may humawak sa braso ko. “Sorry... and thank you,” sabi niya at tuluyan na akong umalis.
Bakit feeling ko kapag nasasaktan si Aubrey laging dahil sa ‘kin? Bakit gano’n? Kahit wala naman akong ginagawa, feeling ko ako pa rin ‘yung nagiging reason kung bakit hindi kami okay. Kung bakit hindi kami nagkakasundo. Ano ba ang mali sa ‘kin?
Naisipan kong lumabas muna ng ospital para makalanghap naman ng sariwang hangin pero sa paglalakad kong iyon, masamang hangin ang nakasalubong ko. Hindi ko na dapat siya papansinin pero huminto siya sa harap ko. Huminto rin ako pero hindi ako nagsalita.
“Louie,” mahinang sabi niya. “I need to talk to you.”
“Marck!” sigaw ni Anika. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pang-aaway mo kay Louie?!”
“An—“
“Marck! Stop being like this!”
“Anika.”
“Sawang-sawa na ako sa ginagawa mo kay Louie. Wala naman siyang ginagawang masama sayo,” inis na sabi pa ni Anika.
“Are you defending him now?” inis rin na sagot ni Marck. At talaga namang dito pa sila sa harap ko nag-away?
“No. What I’m saying is—“
“Anika, babe, wait. I’m not going to hurt him. Okay? I’m gonna thank him,” sabi naman ni Marck.
“Really?”
Napaka-OA talaga nitong babae na ‘to. Ang sakit pa sa tenga ng boses niya. Grabe. Butas na ang eardrums ko. Tsk. Kung may balak man si Marck na awayin ako, malalaman ko agad ‘yun at baka naunahan ko na siya. Ang tagal-tagal ko nang nagtitimpi sa lalaking ‘to eh. Kung ‘di lang siya kuya ni Aubrey. Psh.
“Okay. I’ll leave you two alone,” paalam ni Anika.
Pinanood lang namin ni Marck na makalayo ang asawa niya. Ano naman kaya ang nakain ni Marck at gusto niya akong pasalamatan? “What now?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
HTS3: They're Back Together [on-hold]
Non-FictionThis is the third book of the not-so-popular story, He's the Stranger. :) Huwag niyo po itong basahin kung hindi niyo pa rin po nababasa ang book 1 and 2. Maraming salamat! :))