Chapter 15: I promise, I will

75 2 10
                                    


Louie's POV

Mabuti na lang at napapayag ko si Aubrey na magpahinga muna. Pinasabay ko na siya kila Anika para makauwi na siya ng maaga. Ako na lang ang magbabantay kay Chaunce. Uuwi na lang ako bukas ng umaga kapag may papalit na sa akin.

Bumili muna ako ng kape bago ako bumalik sa kwarto ni Chaunce. Ayaw ko namang tulugan 'yung bata dahil baka hindi ako magising kapag may emergency. Mas okay nang mapuyat ako kakabantay. Manonood na lang ako ng TV.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na nangyari ito kay Chaunce, sa pamangkin ko. Oo't sasandali palang kaming nagkakasama, pero syempre, anak siya ng kapatid ko. Pamilya ko siya at mahal ko siya. Staying by his side is the least I can do.

Nag-iinit pa rin ang dugo ko knowing na wala dito ngayon ang kapatid ko. Talagang inuna pa niya ang trabaho kaysa sa anak niya. Ano'ng klaseng lalaki siya? Ang taas pa naman ng tingin ko sa kanya dahil mas matino siya kaysa sa akin. Ano na lang ang iisipin at sasabihin ng anak niya kapag nagising na ito? Ako na naman ang mapagkakamalang Daddy dahil kambal kami?

Sabi ng doctor, hindi pa niya masasabi kung kailan magigising si Chaunce, pero hindi naman na masama ang lagay niya. Siguro kailangan lang talaga niya ng pahinga. Sana lang kapag nagising siya ay okay na okay na siya. 'Yung parang wala lang nangyari? Ang hirap kasi dahil bata pa siya. Baka na-traumatized na siya sa nangyari. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanya ang nangyari dahil dadalhin niya iyon hanggang sa paglaki niya.

Malapit ko nang maubos ang palabas sa TV at medyo nakakaramdam na rin ako ng antok kaya naman pumikit muna ako. Baka mamaya pumangit pa ako kapag pinilit kong magpuyat. Sa tingin ko naman ay stable na talaga si Chaunce kaya hindi ko na kailangang magpaka-superhero sa kanya sa pagbabantay. Pumikit muna ako at saka gumawa ng tulog. Hindi ko hinayaang humimbing ang tulog ko dahil gusto ko pa ring makasigurado.

Aubrey's POV

Kahit pa sobrang pagod na pagod ako dahil sa nangyari, hindi ko magawang matulog o magpahinga man lang. Hindi ko makalimutan ang nangyari sa anak ko at mukhang hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya iyon.

Hating-gabi na nang biglang nag-ring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Justin sa screen ng phone ko at nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero wala naman kasi akong magagawa, kung hindi ang kausapin siya.

"Aubrey," panimula niya nang sagutin ko ang tawag. "How's Chaunce?" May pag-aalala sa tono ng pananalita niya.

"He's stable, pero mas magiging okay pa sana siya kung nandito ka," sagot ko.

"I'm really sorry. I can't be there yet. Marami pa akong dapat asikasuhin dito."

"Mas importante pa ba sayo ang business kaysa kay Chaunce?" I hate to say it, but I needed to.

"Aubrey, masakit din sa akin ang nangyari kay Chaunce. Pero, nand'yan naman si Louie para alagaan kayong dalawa. Babawi ako pagkauwi ko. Pangako 'yan."

"Salamat na lang talaga kay Louie at nandito siya dahil kung hindi, baka kung ano na talaga ang nangyari sa anak ko."


"Please, 'wag ka nang mag-isip pa ng kung anu-ano. Magpahinga ka na lang dahil kailangan mo ng lakas para sa kanya. Be strong, okay?" mahinahong sabi pa niya.

"Okay. I just hope that you'll be home soon."

"I promise, I will."

Nang matapos kami mag-usap, hindi pa rin ako nakaramdam ng antok kaya naman nag-ayos ako ng sarili para bumalik sa ospital. Ayaw kong malayo sa anak ko, lalo na sa mga oras na ganito. Gusto kong kasama niya ako hanggang sa magising na siya.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon