EIGHTEEN

8.7K 172 3
                                    



The best things in life aren't things.

I read the quote in my mind on the board infront of a cafe while we're on the road, making our way towards the ob-gyne.

Lihim akong napangiti sa aking nabasa. Tama nga iyon. Hindi bagay ang nakakapagpasaya sa'yo. Not dress, shoes, bags, or make-ups. For me, ang tanging nakakapagpasaya lang sa akin ay si Kellan at ang magiging anak namin. Bahala na kung wala akong trabaho basta't makasama ko lang sila. Ganyan naman ang love diba? You sacrifice all the things you have and loved to be with someone you love and you will love that will make you totally happy.

Sa limang taon na hindi ko nakita si Kellan, I was happy with my life. Work and home were only my everyday routine and I was satisfied with the results and opportunities that I could get. Pero nung dumating muli si Kellan sa buhay, I didn't know na kaya niya pala ako pasayahin ulit kahit pinaiyak niya na ako.

May kunting takot pa rin ako na baka mangyari na naman ulit ang nangyari noon. But I trust Kellan. All you have to do to be with that person was trust. Trust with all your heart. And God will do the rest.

"We're here." I glanced at my side. Narating na pala namin ang ob-gyne ng hindi ko napapansin.

He opened the door for me at inalalayan ako na ikinairita ko. "Kellan, I'm not disabled." masungit kong sabi rito.

"I know, dahan-dahan ka lang." napahawak ako sa balikat niya at dahan-dahan niya akong binaba mula sa kotse. He locked the door of his car bago niya ako inakbayan sa likod at naglakad papasok.

"Congratulations, soon-to-be Mrs. Donovan, you're a month pregnant!" the doctor exclaimed. Actually, filipino si doc at thankful kami na kabababayan namin ang nagpa-check sa baby namin.

I looked at Kellan, wide eyed. Kellan looked at me, wide eyed and smiling. Hindi ko mapigilang yakapin muli si Kellan at naiyak. Hindi ako makapaniwalang totoo nga ang sinasabi ng pregnancy tests. Tatlong beses kong ginamit iyon pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"You're crying," nakangiting sabi ni Kellan sa pisngi ko at hinalikan. "Aren't you happy? Didn't you believe it?"

I let out a laugh and wiped off my tears. "Hindi lang ako makapaniwala," tumawa muli ako at nahihiyang tumingin kay doctor. She just smiled sweetly at me then back at the monitor.

"Well, believe it now, Viane. You're gonna be a mom soon." hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Doc, can I have a favor?"

"Yes, what is it, Mr. Donovan?" Nagpapasalamat rin ako dahil matanda na't may asawa't anak ang doctor. Kita-kita ko kasi sa mga mata niya na todo ang tingin nito sa mga magagandang mata ng fiancee ko.

"Huwag mong sabihin sa amin kung ano ang nakikita mo sa tiyan ng magiging misis ko. Para mas maging excited kami sa anak namin." nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Gusto kong makita ang anak ko," reklamo ko.

"Viane, mas maganda 'yung hindi natin malalaman for us to get more excited of our baby." sagot niya at bumaling kay doc. "Doc, pwede bang kunan mo nalang ng photo ang baby namin every month until she gets pregnant. Kunin naman kapag manganganak na siya."

I rolled my eyes. "Ano na naman ba 'yang trip mo, Kellan?"

"Makisabay ka nalang kasi, babe."

Hay, pati ba naman ang magiging anak namin ni Kellan, pinagtitripan niya na. Hindi pa nga nakalabas eh. Gustong-gusto ko na makita ang baby ko. Kahit hindi pa siya masyadong malaki o visible, I still want to see him or her.

A Taste Of Second Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon