[MULTIMEDIA: Superman Kellan Donovan]
"Ready, Hero?"
"Ready!"
Napangiti si Kellan sa sobrang cute na boses ng panganay niyang anak. Marahan niyang tinapon ang volleyball patungo kay Hero na naka-basic stance position.
Sa edad na five years old, tinuruan na niyang maglaro ang tatlo ng volleyball. Plano niya na ring turuan ito ng basketball sa susunod kapag hindi na ito takot at nahihirapan sa matigas na bola ng basketball.
Madali naman natuto ang tatlo ng volleyball dahil malambot lang daw ito at magaan. Nasanay na rin ang mga anak niya sa pahampas ng bola sa mga pulsohan nito. Kahit papaano ay madali silang maka-adopt sa sports.
Syempre naman! Nagmana naman kasi sa tatay.
"Good!" Kellan encouraged his son when Hero bumped the ball back to him. Mahina lang rin ang pagrecieve ni Kellan ng bola para makuha ito ni Hero.
Napaupo pa ang may katamtamang katabaan na si Hero para maabot ang bola. Na-short kasi ang pagtira ni Kellan ng bola.
Napahagikhik na lamang si Kellan.
"Next is Evan!" tawag niya sa pangalawang anak para naman makapagpahinga si Hero.
Tumalon sa tuwa si Evan. "Yehey! It's my turn!"
Kanina pa sila nandito sa garden ng sariling bahay nila. Halos magdadalawang oras na rin niyang pinagpraktisan ang mga anak at hindi pa rin ito napapagod. Mas mukhang naadik ang mga ito at nasisiyahan sa paglaro. Ganadong-ganado!
Maya-maya pa ay narinig niyang tinawag siya ng kanyang asawa na si Viane na naghahanda ng mga pagkain sa mesa sa kanilang malawak na garden.
"Kids! Come here! Kumain muna tayo!"
Nakita niyang luminga ang tatlo sa direksyon ng kanilang ina at masayang tumakbo patungo rito. Napangiti siya sa pag-iwan ng mga anak sa kanya dahil sa salitang pagkain.
Saan pa ba nagmamana? 'Edi kay Viane!
Nakasuot lamang ito ng puting shorts at puting sando at may dala-dalang dalawang plato. Hindi niya napigilang titigan ng husto ang kanyang asawa at natigil sa paglaro. Nakamessy bun ang asawa at kahit magulo ang buhok nito, nagagandahan pa rin siya ng husto sa asawa. Dagdagan pa ang puting balat na tinatamaan ng sikat na araw na mas lalo nagpapaganda sa kanya dahil para siyang nakakita ng anghel sa harap niya.
Idagdag pa ang masayang ngiti nito nang hinalikan siya ni Hero, Evan, at Drake sa magkabilang pisngi. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya sa saya.
"Your hands are dirty. Wash your hands first bago tayo kumain."
"Okay po, mommy!" sabay na sabay na salita ng tatlo habang tumatakbo ito papasok sa bahay para maghugas ng kamay.
"Dahan-dahan lang. Baka madapa kayo."
Mapupungay ang mga matang tinitignan niya ang asawa habang inaayos ang mesa na puno ng pagkain.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit nandito na sa harap niya ang babaeng pinakamamahal niya, hindi pa rin siya makapaniwala. Sa dinami-dami ng mga taon na naging babaero siya, heto siya ngayon. May asawa na at may tatlong anak. Hopefully ay madagdagan pa ng isa.
Akala niya mag-isa na lang siya habambuhay at maglaroy-laroy sa daan para makipagsaya kasama ang iba't ibang mga babaeng hindi niya kilala.
Pero nang nakilala niya ang isang Viane Silva ay hindi niya naisip na magbabago ang buhay niya. Natandaan niya ang unang beses nilang pagkikita. Inaya pa niya ito para makipag-threesome. Mukhang nadisturbo pa ito sa pagtulog dahil sa malakas na kabog at ingay.
BINABASA MO ANG
A Taste Of Second Romance [COMPLETED]
Romance[A Taste of Heaven and Hell Sequel] Is love really sweeter and greater the second time around? Will they fight for the name of love now? Does forever and happy ever after really exists? I don't know. You don't know. They don't know. We don't know...