Lalaine POV
"Welcome back Lalipop!"
"I miss you Lalliebaby!"
"Waaaaah!" Pagkapasok na pagkapasok ko palang sinugod na nila ako ng yakap tsaka
Lalipop? Lalliebaby?
( . ___. )?
"Ang sarap sarap ng niluto mo kanina lalo na yung Friedrice da best!"
"Ngayon lang ulit ako nakakain ng edible foods! 😋"
MAHABAGING DIYOS! Pati si Rem na isang monster nakahawak sa laylayan ng damit ko."I... I like the Omelet ( >////>)" Ga-ganun ba (.//////.) na-appreciate nila yung luto ko? wow. totoo pala talaga ang kasabihang the way to a man's heart is through his esophagus.
"Bakit kasi sya pa. Wala bang kapatid na maganda si Von?" Ako lang ang kapatid nya tsaka hindi naman ganoon kasama itsura ko ah! 😳
"Wag ka nga Miko me bruh~, atleast nakahanap tayo ng Walking Ricecooker! 😋"
"Tama! Makakakain narin tayo ng mga lutong bahay! "
"YEEEEEEHHHEEEEEY!!!!"
"Kailan man ay hindi na tayo magugutom!"
"AMEN BROTHER! AMEEEN~~~!!!!"
Hala ka jan ._____.
napagkamalan nila akong si Jang Geum!
***
Pagkatapos naming makapag grocery ay tinulak kaagad nila ako sa kusina para magluto.
"Ohhhhh~ Ahhhhh! *clap* *clap*"
\( *O*)/ \(*O*)/ \(*O*)/ \(*O*)/ \(*O*)/ \(*O* )/
Kanina ko pa gustong ngumiti at tumawa ng konti kaso pinipigilan ko lang. Ang cu-cute kasi ng mga mukhang batang aliw na aliw sa paglalagay ko ng sahog sa kawali at pagpagbaliktad ko ng spatula.
Kanina pa silang anim dito sa kusina habang naglalagay palang ako ng cooking oil ay nakatanghod na sila at parang ngayon lang nakapanood ang magbalat ng sibuyas. O baka ngayon lang nila nalaman?
"Woooh! *clap* *clap* *clap*" Pati labi ko nakagat ko na sa pagpigil nang sumigaw pa si Jeff tapos pumalakpak pa hahaha.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ako. Halos ang dami ko ring linutong iba't – ibang putahe sa loob lang ng maikling panahon. Pero kahit na ganoon at mag-isa lang ako, hindi naman ako masyadong nahirapan dahil noong nakatira pa ako sa kumbento, halos araw-araw tumutulong din ako sa kusina to cook for more than fifty persons on breakfast, lunch and dinner. O ha? Palag ka Jang geum!
Nilapag ko na isa-isa sa dinner table at nagsunuran na sila sa lamesa.
"Naghugas na kayo ng kamay?"
"OPO!" Nagulat ako. Hindi ko akalaing magiging ganito sila ka-masunurin. Sa harap ng pagkain nagiging bata talaga ang mga ito 😁
Nagulat nalang ako na parang sing bilis ng bagyo ang kanya kanya na silang kuhaan ng pagkain at nagsubuan na pero may mali dito kaya hinampas ko kaagad ang pinakamalapit na kamay saken.
"Ouch! What's your problem!?" Si Miko pala.
"Wag muna kayong kumain dahil hindi pa tayo nagpi-pray!"
"tch. Kelangan pa ba yon!?" Si Rem naman ang sumagot.
"Oo naman! Ang turo samin sa kumbento, dapat nating pasalamatan ang mga pagkaing nakahain sa ating harapan dahil ito ay mga biyayang pinagkaloob na mula sa taas. at hindi ba tama lang na if you receive something you should say thank you. simple lang pero yung taong nagbigay saten ay magiging masaya"
"Bless us, Oh Lord,
and these thy gifts which
we are about to receive from thy bounty,
through Christ, Our Lord.Amen."
"WOOOH! SA WAKAS KAINAN NA!!! 😁"-Jeff
"HOY PAPS! WAG MONG UBUSIN YONG KARNE!!"
"OO NGA, UIY KUMAIN NAMAN KAYO NG GULAY!" hindi narin ako nakain ng karne halos gulay nalang natira. Tsaka sayang naman paghiwa ko sa kanila, star-shaped kaya yung carrots.
"ANG TUNAY NA LALAKI HINDI KUMAKAIN NG GULAY!"-Rem
Ngayon hindi ko na talaga mapigilan ang ngumiti at tumawa habang pinapanood sila.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Pewee na syang palagi kong kasama kapag kumakain, yung tipong wala pang 5 seconds ang nakakalipas pero halos nangalahati na ang mga pagkain hahaha. Sana ganito kami palagi.
Papa Lord thank you po sa masaya at magandang gabi 😊✌
BINABASA MO ANG
Written incident of the borrowed heart
HumorThis is a story of a girl who borrowed a heart and the boy who will steal it.