15.1: Peptin part wan

271 20 7
                                    

Nasa cafeteria pa rin kami at hinihintay na lang ang tunog ng bell para bumalik sa classroom.

Pero bigla nalang nag- ingayan nang may pumasok sa Cafeteria. "Kyaaah! Si Nat! Si Nat! Si Nat!"😍 hindi mapigilang sabi nung babae malapit sa table namin.

Nakita ko nga si Nat na bumibili ng gatorade sa harap. Tapos sumunod na ding nagpakita sila Miko at Enzo na bibili din ng sarili nilang inumin. Lalo tuloy umingay sa Cafeteria at kanya kanya silang labas ng cellphone nila para magpicture.

"OOEEEM! He's HERE!" Magkapag- damdaming sigaw din ni Melissa nang magpakita na rin si Ivan.

"Te-teka san kayo---" hawak ang mga cellphone nila, mabilis na tumakbo palapit sa counter sina Dachel, Dom at Melissa kung nasaan din sila Enzo. Minsan lang ba makita ang grupo nila dito sa school?

Napansin kung anim lang sila. Si Enzo, Ivan, Miko, Rem, Jeff at Nat. Wala si Shin. Hindi ba sya pumasok? Pero sya ang pinaka maagang umalis kanina ah.

Kakaway sana ako sa kanila at tatanungin kung nasaan si Shin at ano ang gusto nilang ulam mamaya pero nagkagulo ang mga babae sa likuran ko nung namimigay si Ivan ng candies sa counter na nakangiti. Yung ngiti nyang pang prince charming. Na-stampede tuloy ako nang mag- unahan sila makalapit kay Ivan. 😥 Kausapin ko nalang nga sila mamaya sa bahay.

Maya- maya umalis na din ang Devil hunks at bumalik na sa table namin sina Melissa na ang lalaki ng ngiti. Nakakuha din pala sya ng candy galing kay Ivan.

"I'm so lucky!!!!" sabi ni Melissa habang hinahalikan ang candy nya. Maxx na orange.

"Mukhang sikat talaga sila dito sa school no?" tanong ko.

"Of course! Sila lang naman ang Devil Hunks!" Naalala ko tuloy nung tanungin ko si Enzo kung bakit ganoon ang pangalan ng grupo nila pero sumimangot sya at sabing raratratin nya daw ng bala kung sino ang nagpauso ng tawag na yun sa kanila. I quote "Devil Hunks!? Pakshit! Ang bading diba!?"  and unquoted.

"Marami kayong alam tungkol sa kanila?" tanong ko uli kila Dom.

"Duh. member kaya kami ng kanilang fansclub!" pinakita pa ni Dachel ang badge at card member nila. Wow. Seryoso pala itong fansclub na ito, parang Philhealth.

"At dahil trops kana namin, you need to be a member too! Hihihi You're so lucky Lalaine kasi ako, si Melissa at Dom ay mga special members! Hindi katulad ng ibang fangirls, kami ay live action kung gumalaw! 💪😎✨" Kumikinang ang mga mata ni Melissa habang nagsasalita.

"Kasama namin, our lifegoals everyday ay susundan natin ang mga Devil Hunks para palagi nating masilayan silang mga pinagpala ng kagwapuhan at kung ano ba ang sekreto sa nakaka- akit nilang panlabas na anyo? Is it the water they drink? Or is it the soap they pressed in their hot bodies! Kyaaaah!" 😍😍😍


"Ahm... Ano..."

"Sssh! Don't interrupt. As i was saying..."

Pero kasi... Nakikita ko na araw- araw sila Enzo, tama na iyon, ayaw ko na silang sundan 😯. At alam ko na din ang ginagamit nilang sabon dahil ginagamit ko din yung Dove sa shower.

"Uhuh! Pero in order to be a member, you need to pass a test about them. You need a major Devil Hunks education right now!"

"Ah...sige?" parang desidido na talaga sila, hindi na mapipigilan. At siguro magandang pagkakataon na rin ito para makilala pa ng lubusan si kuya at ang mga kaibigan nya.

"Ang Devil Hunks ay ang pinaka sikat na grupo dito sa Olcon high pero minsan mo lang sila makita kasi cool sila. Like minsan lang sila magpasok, cutting, mga ganon! kasi nga astig sila! 💪😎" Nagsimula na si Dachel magsalaysay.

"Here's fact no. 1 : Mga rebelde ang Devil Hunks."

"HAH!? REBELDE!?" Kasapi sila ng NPA o MILF!? Hindi ko aakalain ito! Bakit kaaway nila Ivan ang gobyerno? Ano ang ipinaglalaban nila? All this time nakikitira pala ako sa mga abu sayaf!? 😱😱😱

*pak*

"Aray!" Binatukan ako ni Dom.

"Sira! Hindi ganon ang ibig kong sabihin. What I mean is, Nagrebelde sila sa kani- kanilang pamilya. Naglayas kumbaga kaya sa ngayon magkakasama sila sa iisang bahay. In the Midnight castle. Ang dating mini hotel but eventually na bankrupt. Seized by the bank. Then auctioned. Hindi ko pa alam kung sino ang nakakuha sa kanila kaya hindi ko rin knows kung sino ba ang nagmamay ari ng Midnight castle hotel" Ahh kaya pala. Masaya akong malaman na may mga pamilya pa sila. Akala ko mga ulilang lubos narin sila gaya ko.

"And our greatest mission ay ang makapasok sa Midnight castle!"

"You're right. Ang makita ang mga hunks in their natural habitat! Eeeeek! 😍😍😍"

"Yes. Ang kailangan nalang natin ay isang insider, yung malapit sa Devil Hunks. Yung nakapasok na sa loob ng Midnight castle. And cherry on the top is if relative sya ng isa sa member ng Devil Hunks. So sino nga ba?" Nagsimula na silang mag- isip na tatlo.

"Ahm... Ano..."

"Shhh. Not now Lalaine"

"Pero kasi---"

"Oooh! I know! Diba si Dachel ay relative ng friend na inaanak ng kapitbahay ng ophthalmologist ni Nat! O ha! We're like totally close to them! 😘✌"

Napakamot na lang ako ng ulo. Sige na nga tatahimik na lang ako.

"That's the spirit! Baka may chance na tayong makasilip hihihi 😘"

"Hindi ba pwedeng pumunta na lang sa Midnight castle tapos kumatok at tanungin kung pwedeng pumasok?" Kasi para sakin mas madali yun gawin.


Pero naglakihan ang mga mata nila at tumingin sakin na parang nababaliw na ako.

"Are you crazy? Hindi pa tayo nakakalapit sa kalye nila nasaksak na tayo ribs! 😭😭😭"

"Ha? Bakit naman?" 😯

"Here's fact no. 2: Devil Hunks live in a dangerous area."

"Ang fourth district na dating trend spot at kung saan nakatayo ang dating Midnight castle hotel ay pinamumugaran na ng mga hoodlums, thugs at soon to be criminals! Kaya kahit gaano kalaki ang pagmamahal naming fangirls sa Devil hunks, never kaming naging suicidal. You must never ever pasyal on that place unless with the protection of the Devil hunks."

"Tama, bakla!"

Binalikan ko ang mga panahong paalis at pabalik ako ng bahay. Wala man akong napansing mga hindi gagawa ng mabuti ah. Hmm?

Written incident of the borrowed heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon