Habang pinupunasan nya ang pawisang mukha ni Shin, hindi maiwasang maalala ni Lalaine ang mga pambihirang moments nilang dalawa lalo na nong matagpuan sya ng lalaki na nasa taas ng puno at mahigpit na naka-kapit for her dear life.She was shocked. Never in her wildest dream na susunduin sya nito para sumama sa kanya pauwi. Akala ni Lalaine, hindi na niya makikita pang muli si Shin o kahit sino sa Devil Hunks matapos ang nangyaring pag- aaway nilang dalawa.
He was angry.
She was hurt.
Earlier that afternoon, dala- dala ang mga gamit nya, nagsimulang maglakad si Lalaine habang umiiyak palayo sa malaking bahay.
It already started raining, pero wala syang care, may payong naman kasing dala si Lalaine. At kahit nananakit ang paa nyang pilay, mas masakit pa din ang mga salitang binitawan ni Shin. Sapat na iyon para bigyan siya ng will power na magpatuloy umalis at isulong ang pagiging independent at girl empowerment.
Nakalampas na sya ng ilang kanto bago bumuhos ang napakalakas na ulan. She decided na tumigil muna sa isang waiting shed.
But then, everything became bad to worse. Hindi na huminto ang ulan. Lumakas ng lumakas ang hangin at tinangay na rin ang payong nya. Sayang. Matibay pa naman yon. Tatak Avon.Nagpa-panic na si Lalaine nang magsimula ng tumaas ang tubig. Sinakop na ang mga paa nya. Kailangan na nyang makapunta sa higher ground. Sinimulan nyang umakyat sa bubong ng shed pero walang kwenta dahil nasa kalagitnaan na si Lalaine nong linipad na ang bubong.
At that moment, she bitterly questioned the universe. Meron pa bang mas malas sa kanya?"AAAAAAAHHHHHHH!!!!!"
She screamed her heart out. Ang sigaw ni Cardo Dalisay para sa hustisya at katarungan.
Lalaine POV
"KASALANAN MO ITO SHIN EXEKIEL LEE!!! HUHUHU ߘᅨUNG HINDI MO AKO INAWAY, HINDI NAMAN AKO MAGLALAYAS EH! HINDI KO RIN SANA KAILANGANG KUMAPIT DITONG PARANG UNGGOY!" ߘﭰﭰᅧOkey sige. May kasalanan din pala ako pero...
"HINDI MO PA DIN DAPAT AKO INAWAY!"
Hays. Akala ko paglipat ko dito, hindi ko na po-problemahin ang baha dahil sa dami ng puno. Mapanlinlang na kapaligiran ang NCR.
"HETO AKOOO~ BASANG BASA SA ULAAAAAN~ WALANG MASISILUNGAN~ߎﵰᄁ
Hindi ko na naitawid ang second chorus dahil nasilaw na ako sa ilaw ng parating na motor. Huminto sa tapat at sakay ang isang lalaking pamilyar sa akin.
Kinabahan ako.Bakit sya nandito? Napa-daan lang ba sya? O sinadya nya akong puntahan?
"Shi- Shin...?"
Lalo na ng nasa harapan ko na siya. Basang – basa din gaya ko. Pero hindi pa din nawawala yung aura nyang pang TV. Haggard pero artistahin pa rin. Ganon.
Nong nakalapit na sya sa baba ng punong inakyatan ko, lumingon sya pataas at nagkatinginan kami. Pumitas ako ng isang dahon at hinarang ko sa mukha ko. Kunyari wala ako.
"Baba na dyan.” Sabi nya " Uwi na tayo."
Uwi? Uuwi na kami? Biglang nagkaroon ng mga butterflies sa tyan ko, Nagzu-zumba at nakiki-fiesta. Hinanap nya ako!? Gusto nya akong sumama sa kanya bumalik!
Pero nag-isip ako, ganoon na lang ba iyon? Susunod na lang ako sa kanya na parang walang nangyari? Hindi. Kakapit ako dito! Hindi ako aalis kahit mag-snow. Yolando, give me your worst!
"A-yo-ko!"
Siguro nakita nya ang paninindigan sa mga mata ko kaya huminga sya ng malalim at matiim na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Written incident of the borrowed heart
हास्य-विनोदThis is a story of a girl who borrowed a heart and the boy who will steal it.