14: portin

319 24 7
                                    

Martes. Ang araw pagkatapos ng lunes. Bow.

Ngayon ang first day ko sa klase hohoho! Naudlot kasi yung class hours kahapon dahil sa event kaya ngayon ko lang malalaman ang room at kung sino ang mga magiging classmates ko.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Pero ganito siguro talaga kapag mga bagong simula diba? Hindi mo maiiwasang mangamba sa mga mangyayari.

Nakarating naman ako sa Olcon High maaga pa lang dahil kailangan ko daw dumaan sa Principal at Guidance office. Konti palang ang tao na naabutan ko sa school, karamihan ay mga naglilinis at mga nagdideliver ng tubig at supply sa canteen.

Una ko munang pinuntahan yung Principal's office. Isang chubby at matandang lalaki na sa tingin ko ay eighty years old si principal Han. Kulay puti na lahat ng buhok nya, may itim na salamin, may hawak na baston at nakasuot ng hawaiian shirt. Para syang lolo ni san goku.

Kanina ko pa hinihintay ang sasabihin nya dahil naging tahimik na si principal Han pagkatapos nyang sabihing "maupo ka iha" yun pala tulog na sya 💤😧?

Sunod naman akong pumunta sa Guidance office para i-explain sakin ang DOs and DON'TS ng School at maraming paperworks na may kinalaman sa pag-transfer ko. Hindi parin nga pala ako mag-uuniform until the next day dahil tinatamad pa daw yung mananahi kung saan sila nagpapatahi madalas ng damit. Ako lang ba o sadyang kakaiba ang school na ito?

Habang naglalakad ako, parang napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Kakaiba ba talaga ang itsura ko at pananamit ko sa kanila? pero hindi naman talaga halamang dagat yung buhok ko eh, normal lang din sya bago kinain ng stand fan kagabi. At itong bestida ko, galing pa ito sa kumbento. Ang mga sinusuot ko simula nung bata pa ako kaya dito ako mas kumportable. Kaya masaya akong hindi pa mag-uniform hehehe.

------

This is it! Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng bag ko habang titig na titig sa magiging classroom ko.

III - A

Seryoso ba sila? Ako section A? Hindi ko akalaing darating ang araw na ito! Ako na si Prinsesa Lalaine Reyes ay makakapasok sa first section! *O*

Bigla akong kinabahan. Paano kung katulad ito ng sa dati kong school? Na mga multi-language speaking yung mga tao sa III- A tapos ipapa-recite yung talambuhay ko in Russian at Spanish!?

Hindi. Hindi yan. Hindi ko naman naririnig na mag- Russian sila Enzo at dati daw silang III- A. Kaya sa tingin ko, English. Sa English nila ako ipapa-recite.

Cr nga muna ako para makapag-practice-----Ack! O___O

Bumukas yung pinto.

"Hi there! You're the new student right? ba't hindi ka pa pumasok? (^__^) I am the adviser of this class. My name is Papaya Diaz. But you can call me Teacher Pey"

Papaya? Gaya ng prutas? 

"Don't be shy, come on in! (^___^)" wala na akong nagawa hinila nya na ako papasok.

Eh? Magulo ang classroom.  ang mga estudyante sa loob at parang may mga kanya- kanyang mundo. May mga nagme-make up sa likod,  may natutulog, may kumakain na sa lunch box nila kaya naamoy mo sa loob ang chicken adobo (na huhulaan ko ay may halong pineapple tidbits). Parang wala atang bakas ng pagiging Section A ito ah ( ?___?)7

Naku po! may nagaganap pa atang mini concert sa loob ng classroom. Mula sa taas ng desk, may lalaking nakatayo, tinali nya yung neck tie sa ulo at ginagawang mic yung nakaroll na isang pad ng intermediate paper. Hindi nya nakalimutang kumaway at mag-flying kiss sa mga fans na hinahanap ko kung saan pero wala talaga akong makita. "WOOOH! I LOVE YOU ARANETA!!!"

Written incident of the borrowed heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon