12: twilb

339 16 7
                                    

Lalaine POV

Asan na kaya yung si Melissa na kaibigan nila Dom at Dachel? Mamaya pa naman siguro sya darating kaya C-cr muna ako saglit.

Medyo malayo ang nahanapan ko ng CR, yung don pa papuntang gym nila. Amoy zonrox sa loob tapos all white yung tiles, hindi ko tuloy maiwasang matakot lalo na't mag-isa lang ako. Pero Ok lang din, kasama ko naman ang mga butiki sa kisame.

Agad akong pumasok sa pinaka unang cubicle at ginawa ang tawag ni kalikasan (Umihi lang). Ayon success hehe.

Palabas nako nang biglang:

😮

"AAAAHHHHHH!!!!!!!"

SUSMARYOSEP! May pumasok na taong nakasuot ng varsity jacket tapos may maskarang parang si Tweety Bird. Tinulak nya ako pabalik ng cubicle at linock yun nang makapasok din sya.

Bigla nya kong sinunggaban, tinakpan ang bibig ko ng kanan nyang kamay at mahigpit na yinakap kaya napadikit ako sa dibdib nya! 😮

ABA GINOONG MARIA NAPUPUNO KA NG GRASYA ANO PONG NANGYAYARI!?

Eto na ba yung sinasabi nilang delikado dito sa maynila? Maraming nananamantala at laganap ang krimen? May gagawin kaya syang masama sakin? Dito na ba magtatapos ang buhay ko?  Nako po Diyos ko, hindi pwede. Magluluto pa ako mamaya ng hapunan!

Maya-maya pa may narinig akong ingay sa labas.

"Shin my swetty pie! Mapapasakin ka!!!!"

"kyahhhh! Shin mylabs! WHERE N U?????"

"HHHPPPPMMMMMMMM!!!!"

"Sssh! Pwede ba wag kang maingay!" Mawalang-galang na ho sa inyong kung sino man kayo, gustohin ko man mag-ingay para humingi ng saklolo pero tinatakpan ho ninyo ang bibig ko!

"Baka nandyan sya sa Cr nagtatago!!!!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sakin kaya dumikit na ang mukha ko sa kanyang dibdib! Hindi ko tuloy maiwasan malanghap ang mabango nyang katawan! SAN PEDRO! SAN PABLO! SAN SEBASTIAN! SAN HERMANIO! SAN CHAY! SAN GOKU! TULUNGAN PO NINYO AKO! 😱

At pagtingin ko sa itaas, dumeretso mata ko sa Adam's Apple nyang gumalaw dahil sa paglunok. *gulp* pati ako nahahawa na sa paglunok sa bawat sagap ko ng hanging may kalakip ng kanyang bango *gulp* SAN IGNACIO! SAN BARTOLOME! SAN BEDA! SAN TOL! SAN DOK! KYAAAH! 😱😱😱

"Bakit naman sya sa CR magtatago? Gaga ba kayo? For girls yan oh! Hindi pupunta dyan si Shin honeybunch ko!"

"Oo nga! Parang nakita ko ata syang tumakbo papunta duon oh!"

"OK girls, SUGOD!!!"

Maya-maya pa nawala na ang ingay sa labas at naramdaman ko naring lumuwag ang pagkakayakap sakin ng lalaking hindi ko kilala. Hay salamat whooo! 

"I will remove my hand but don't scream, got it?" Utos nya sa akin at tumango ako bilang pagtugon. Hinawakan nya ako sa baba at itinaas ang mukha ko kaya nagkatitigan kami.

( >.>)  (<.< )

"IKAW!?"

HARUJUSKO! 😱 yung kaninang nakawig!

"YOU!" Nanlisik ang mga mata nya at kinabig ako sa pader.

"Ah... ha-hi...?" napangiwi kong sabi na hindi maka-tingin ng deretso sa kanya. Patay na talaga ako. 😖

Lalong dumiin ang pagkakahawak nya sa balikat ko at lalong lumapit ang mukha nya sakin "It's your fault that I was forced to participate in that stupid game! I am chased and now i'm f*cking stuck in the toilet with an ugly freak like you!"

Written incident of the borrowed heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon