Kabanata 1

15 0 0
                                    

Third Person's Point of view.

"Kuya! Kuya! Oo ikaw nga! Pumarini ka! Bilhin mo na tong paninda ko oh. 10 piso lang balot. Please?" Pagmamakaawa ni Dara (Alexandra) doon sa lalaking napadaan sa pwesto niya. "Sorry Miss, pero hindi ako pumunta dito para mamalengke." Sabi naman ng lalaki.

Pero dahil hindi pa nakakabenta si Dara ng kanyang paninda. Hindi niya ito tinigilan, dahil ilang oras nalang, dadating na ang mga pulis para paalisin sila sa pwesto nila sa palengke.

"Jusko! Kuya. Para 10 piso oh? Bilhin mo na naman kahit isang balot lang, pamasahe ko lang paguwi ko." Pilit parin ni Dara doon sa lalaki. Sa yamot naman ng lalaki, ay kumuha ito ng isang libo at inabot kay Dara. "Hala, kuya akoy walang panukli. Pano ba to? Wala ka bang barya?" Tanong ni Dara sa lalaki. Pero madiin lang itong sumagot. "Isang libo na nga binigay ko, ayaw mo pa? Iyo na yan. Kawawa ka naman. Joke!"

"Sure ka ba? Jusko naman kuya tatanggapin ko pa sana kung 100 lang binigay mo, pero isang libo? Nako! Iyo na. Baka pagbintangan pa akong magnanakaw dito. Sayo na." Inabot naman ni Dara doon sa lalaki ang isang libo, pero hindi niya ito kinuha. "Ganito nalang. Palabasin nalang natin, na utang yan. Then bayaran mo nalang ako."

"Nako! Lalong ayokong magkautang sa iba no. Sayo na, nagjojoke lang naman ako eh. May pamasahe ako dito."

"I don't care. Basta sayo na yan. Akong ng bahala sayo if ever may mangyari." Saka umalis ang lalaki habang si Dara ay nakatulala lamang doon.


Madaling madali namang lumitaw ang tiya ni Dara na sakay sakay ng isang Tricycle habang humihiyaw. "Jusko! Dara! Dara! Tara na't ayusin mo na yang paninda mo! Darating na ang mga pulis. Sayang iyan! Oy Kanor bilisan mo nga diyan tulungan mo kami!" Utos ng Tiya ni Dara sa asawa nito. Saka sila naghakot ng kanilang mga paninda.

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon