"Sa kanan tayo!" Kanina pa kami nagtatalo ng kasama ko kung sa kanan o sa kaliwa.
"Sa kaliwa sabi eh!" Paghatak niya sa posas, hinatak ko rin 'yung posas .
"Sa kanan!" Pagkontra ko sa kaniya.
Huminto siya saglit at tinitigan ako ng masama.
"Alam mo ba kung bakit nasa kaliwa ang tibok ng puso natin?" Ano nanaman trip nito.
"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kasi sinasabi, ang puso natin is not always right kaya sa kaliwa tayo!" Hinatak niyang muli 'yung posas.
"Lintek ka! Anong kinalaman ng puso sa maze!"
Nagkandahatakan kami ng posas. Kung kanina ok kami dahil nagkasundo kami sa pagtalo sa Sui android ngayon nagtatalo kami sa kanan at kaliwa!
"Hello," napatitig kami dun sa nagsalita.
"Chisikir?" ano naman ginagawa niyan dito?
"Hello Mika musta na?" ngiting sambit niya.
"Kilala mo 'yan?" Tanong saakin ni Erika, I rolled my eyes at her.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Chisikir.
Hindi ko na pinansin si Erika bahala siya dyaan.
"I'm here to help you, pinadala ako ni Commander Rin para makalabas ka na agad dito miss ka na raw niya," kilig na sabi niya.
"Hoy Mika! Paano mo nakilala si Rin pati si Chisikir? Hoy Chisi siya ba 'yung kinuwento ni Rin saatin?" Tanong niya kay Chisikir.
Hindi na ko magugulat kung magkakilala sila, anong gustong niyo line ko, what? Magkakilala sila, teka paano? so cliché.
Halata naman eh ano magtatanga-tangahan pa ko kagaya ng babaeng ito.
Tumango si Chisikir sa kanya, "Siya yun!" Sagot ni Chisikir kaya pinagmasdan ako ni Erika mula ulo hanggang paa.
"Walang taste si insan," napataas naman ang kilay ko roon nang todo, walang taste sino? Si Rin insan niya?
"Commander Rin and Mei are cousins," ngiting sambit ni Chisikir saakin.
Napatango na lang ako pake ko? Kung magpinsan sila.
"Ang Papa ni Commander Rin ay kapatid ng mama ni Mei kaya magkaiba ang surname nila," pagpapaliwanag ni Chisikir.
"Muka ba akong tanga? Alam ko naman ganun ang dahilan kung bakit magkaiba ang apelyido nila," I rolled my eyes.
"Gusto ko na makalabas dito!" Sambit ko ng may inis sa boses ko.
"Demanding masyado," bulong ni Erika na sadya. May lumabas na hologram picture ng maze sa lapag.
"It's a map of this maze, at nandito tayo ngayon," zinoom ni Chisikir ang isang place sa maze at mayroong red dot doon na dalawa.
"Bakit dalawa lang?" tanong ko sa kanya.
"I'm not a human being to recognize inside this maze," tipid na sagot niya, tumango na lang ako.
"Nandito kayo ngayon," tinuro niya 'yung dalawang red dot.
"Ang kailangan niyong gawing dalawa ay hanapin ang labasan ng maze na ito," sambit niya.
"Then gamitin natin ito para malaman ang labasan ng maze na ito," nagstart na akong hanapin ang end ng maze na ito.
Pagkaraan ng ilang minuto nilagyan ko ng mark ang bawat dead end at ang nakakainis ang bawat dead end ay nasa iisang lugar, ito lang ang dulo ng maze, kahit kumanan at kumaliwa ka doon parin ang hantungan mo.
BINABASA MO ANG
The Tale of a Spirit
FantasySpirits are the creature in human form possessed by an angel. They are in earth for unknown reason. No one knows what they want in our world. Do they bring war or peace? Are they a destruction or a salvation? Do they deserve to live or die?