Chapter VIII: Lesson I

3.8K 140 2
                                    

"Lesson no. 1 face your fears," ngiting sambit niya saakin, "Let go of your fears, 'wag mong isipin na malulunod ka just follow my lead," he looked at me from head to toe.

"Cup A," bulong niya pero narinig ko.

Binato ko siya ng hawak kong goggles, "Gagamitin mo ito huwag mong ihagis," inabot niya saakin 'yung goggles na binato ko sa kanya.

"Shall we start?" nauna siyang lumusong sa pool, habang ako nakatitig lang sa kanya.

Napalunok ako ng laway, kinakabahan ako.

"Lulusong ka o hihilahin pa kita?" I rolled my eyes at dahan dahan akong lumusong sa pool. Mababa pa naman dahil hanggang dibdib ko pa 'yung tubig kaso nasa gilid lang ako.

"Dito tayo sa medyo malalim," lumangoy siya papunta dun sa part ng pool na hanggang leeg niya na 'yung tubig, paano pag ako nandoon?

Lagpas ulo ko na kasi matangkad siya, I shook my head, "D-dito na lang," nanginginig 'yung boses ko sa takot.

Lumangoy siya papalapit saakin, "I told you let go of your fears, duwag ka pala eh!" ngising sambit niya, oo aminado ako ito lang naman ang kinakatakutan ko sa lahat eh!

"I'm here para lunurin ka," sinamaan ko siya ng tingin, "Joke lang," he laughed,.

"Wala akong tiwala sa'yong hayup ka!"

Sasapakin ko sana siya nang hilain niya bigla 'yung kamay ko at pumunta kami sa malalim.

Napayakap tuloy ako ng wala sa oras sa kanya.

"Papatayin kita pagnalunod ako!" Pagbabanga ko, he chuckled.

Inalis niya 'yung pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ako sa kamay.

"Try to kick your legs," tinignan ko siya ng may pagtataka sa muka ko.

"Don't ask me just do it," utos niya saakin, ginawa ko pero hindi naman kami umaandar nandun parin kami sa pwesto namin.

"Nonsense naman eh!"

"Talaga?" nakabitaw na pala siya saakin, nagpanic tuloy ako kaya muntikan na kong malunod but hinawakan niya ko.

"Huwag ka kasing magpanic, nakalutang ka na," ngiting sambit niya.

Pinaulit niya saakin 'yung ginawa ko kanina, marunong na kong lumutang ang saya! Hindi narin ako natatakot, paano ako magpapasalamat sa kanya?

"Rin, gusto ko naman matutunan 'yung makakalangoy ako papunta roon," pagre-request ko sa kanya

"Tuturuan kita, kailangan mo munang matutunan kung paano huminga sa ilalim ng tubig," isinuot niya saakin yung goggles at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Sabay tayong lulubog, inhale ka and then wag mong ie-exhale 'yan, sa ilalim ng tubig mo 'yan papakawalan and dapat sa ilong lalabas ang hangin at kapag wala ka ng hangin umahon ka na at humingang muli at kumuha ng hangin, isara mo lang 'yang bibig mo, understood?" I nodded.

"1,2,3," bilang ni Rin, huminga kaming dalawa at sabay na lumubog sa tubig, sinunod ko 'yung sinabi niya at nagbu-bubbles 'yung tubig, umahon ako agad dahil wala na kong hangin.

"Unti-untiin mo lang 'yung pagbuga ng hangin hindi ibubuga mo lahat at isa pa imulat mo 'yang mata mo, may goggles ka nga eh para saan pa 'yan?" sinesermonan niya ba ko?

Magisa kong nilubog ang sarili ko sa ilalim ng tubig at sinunod ko 'yung tinuro niya saakin, lumubog rin siya at nagthumbs up siya saakin.

Sabay kaming umahon, "Nice Mika!" he patted my head, itinabing ko 'yung kamay niya.

The Tale of a SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon