I didn't know how the Headmistress agreed with Nanami to accompany me in the orphanage.
''Hoy ano bang ginawa mo at napapayag mo yung aswang?!'' Tanong ko rito, kinurot ko siya sa tagiliran.
He just gave me a meaningful smile and leave me behind. Napataas ang kilay ko roon, ano kayang ginawa ni Nanami at napapayag niya ang aswang. Magkakilala sila?
Siguro sugar mommy ni Nanami iyon? O ibenenta ni Nanami ang katawan niya para maging hapunan mamaya?
Mika stop thinking nonsense! Baka mamaya may maimagine ka pang mas malala kaysa sa mga nasambit ko kanina.
Sumunod ako kay Nanami, hindi parin mawala sa isip ko ang pagtataka kung paano niya napapayag ang matandang aswang.
Sumakay na kami sa isang SUV, ako 'yung nasa backseat habang si Nanami 'yung nagdra-drive. Nakacross arms ako habang nakatitig ng masama sa kanya. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang pagtitig ko sa kanya diba?
''My majesty stop glaring at me!" Ngising saad niya.
''Then tell me, paano mo napapayag si headmistress na samahan ako. Si Rin nga ayaw pasamahin bakit ikaw pinasama?'' Pagdadabog ko.
He let out a sighed and smiled at me,''Rin nanaman? Mika! alam mo bang kailangan ko pang i-date 'yung anak nung headmistress, patay na patay saakin 'yung anak niya," bulalas niya saakin.
My mouth bewildered, ''huh?!''
Wait? Anong pinagsasabi niya? Anak ni headmistress deads na deads sa kanya, bakit pogi ba siya?
I tried my best not to laugh but it's hard. He frowned at me like I did something weird.
''Hey are you done?'' Taray na tanong nito saakin. Tinitigan ko siya at muling tumawa, langya masyadong feeling ang isang ito.
''Hey! Ikaw type nung anak ni headmistress?It would be a miracle if she likes you,'' natatawang sambit ko sa kanya.
Nginisian niya lang ako, binilisan niya 'yung takbo ng SUV sabay preno kaya ang lakas ng impact na kulang tumilapon ako sa harap, good thing naka seatbelt ako.
''What the heck?!'' Sinabunutan ko siya habang nakahinto pa ang sasakyan.
''Ouch! hey cut it out!'' Tinatanggal niya 'yung kamay ko dahil sinasabunutan ko siya
''Kung gusto mong mamatay 'wag mo akong idamay!'' I groaned.
''Hey easy my majesty, hindi tayo agad mamatay dahil lang sa isang car accident.We're not human beings we are spirits!''
Natigilan ako saglit, tama siya pero masasaktan parin kami kung maaksidente nga.
Napahinto ako sa pagsabunot sa kanya ng businahan kami ng sasakyan sa likuran namin.
''Ayan kasi maharot eh!'' Inis na saad ni Nanami, pinaandar niya na ang sasakyan.
Umayos ako ng upo at tinarayan ko na lamang siya. Tumingin na lang ako sa labas,pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.
Nang mabore ako nilabas ko ang cellphone ko at naglaro ng COC, hindi pa ako nakakaatack sa war aawayin nanaman ako ng leader namin sa clan.
"Nakaasar naman!" Sigaw ko.
Ano pang problema nito? Hindi naman ganito ito eh! Kung sira ang app magcra-crash lang. Sira na siguro ito, minsan pumupunta sa camera ng walang dahilan tapos magca-capture ng picture o kaya magvi-video magisa.
Minsan nag vo-voice record pa, ano bang problema nito. Sa asar ko tinurn off ko na lang ito kaysa maibato ko sa muka ni Nanami ito.
"Bumili ka na lang ng bago," he suggested.
"Pambili? Teka malapit na ba tayo?" Tanong ko na halata sa tono ko na naiinip na ako.
"Oo, isang liko na lang nandun na tayo."
I crossed my arms, pagkaaraan ng ilang oras na biyahe nakarating rin kami sa destinasyon namin.
Bumaba agad si Nanami. Hindi manlang ako pinagbuksan ng pintuan. Padabog akong lumabas at malakas na isinara ang pinto.
"Aray!" Napalingon naman ako sa sumigaw.
Pinanliitan ko ng mata ang bata nanaipit, kasalanan niya yun.
Marahas kong binuksan ang pintuan ng kotse. "Tatanga kasi eh!" Sambit ko rito.
Lumukot ang muka nito and boom ngumawa ng napakalakas na sobrang nakakairita. This is the reason why I hate kids.
"You're such a bad girl," he sniffed as he said those words.
"Hindi lang ako bad girl, I am also the evil witch!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Tumakbo ito papunta sa isang Sister. I think she's around 20's tsk who cares about her age.
"Sister Serina, 'yung evil witch inipit 'yung daliri ko!" Pagsusumbong nito.
Kiniss naman ni Sister 'yung daliri niyang naipit. Duh? Masyadong maarte ang batang iyan, kalalaking bata iyakin!
Nilapitan naman ako ni Nanami, "that's her, bakit mo naman inaway 'yung bata?"
"Hindi ko siya inaway, ayan na pala ang spirit na hinahanap mo!" I replied
Nilapitan kami nito, "pagpasensyahan niyo na po yung bata," she apologized.
"Ah Sister, si Mika po dapat magsorry," sabat ni Nanami.
I gave him puzzled look. Tinuro ko ang sarili ko, "Ako?"
"Oo ikaw! Magsorry ka na," he mumbled.
"Sorry iho!" Sarcastic na sabi ko
Hindi ako kinibo nung bata instead nagpakarga kay Sister. Nagsorry na ko bahala siya kung ayaw niya, edi huwag!
"Sister Serina po, dumating na po 'yung mga pasalubong sa mga bata," mahinhin na sambit nito.
"Nice too meet you Sister, Ako naman si Nanami ito naman si Mikaela," pagpapakilala ni Nanami.
"Pasok na po kayo," she invited us to go inside.
"Bakit may sungay siya?" Rinig kong tanong nung isang bata.
"Hindi ito sungay ribbon ito!" I angrily hissed. Kailan ba naging sungay ang ribbon aber?
Hinila naman ako palayo ni Nanami sa mga bata. Sumunod kami kay Sister Serina.
"Ahm baby Romeo makipaglaro ka muna sa mga kaibigan mo," saad ni Sister.
Agad tumango ang bata at tumakbo papunta sa mga kalaro niya.
She smiled at us, "this way," itinuro niya ang isang kwarto, kung saan kami pumasok sa loob.
Office niya siguro, parang library eh! Daming books, mahilig magbasa ito.
Nagulat naman kami ng biglang sumara ang pintuan ng malakas. Nag-lock ito ng mag-isa.
Napalingon kami kay Sister, nakalutang siya sa ere habang may hawak-hawak na libro.
Ang mga mata niyang kulay abo ito ay naglo-glow. Napapalibutan rin ng liwanag ang buong katawan niya.
"So the both of you are also a spirit," mahinahong sambit niya.
"Oo, I am the spirit of fire," pagpapakilala ko.
"Alam ko, Nanami is the spirit of forge right?" she gave us a sweet smirk.
Paano niya naman nalaman iyon? Stalker ba siya?
"Alam ko rin na pupunta kayo rito," lumanding siya sa lupa at lumapit saamin.
"All this information is written on my book," ipinakita niya saamin ang libro, kung saan nakasulat dito ang bawat detalye sa pagpunta namin sa orphanage.
Nakasulat rin dito ang balak namin sa kanya.
"So you are the spirit of divination?" Tanong ni Nanami.
She nodded in response.
"Please explain everything to me."
BINABASA MO ANG
The Tale of a Spirit
FantasíaSpirits are the creature in human form possessed by an angel. They are in earth for unknown reason. No one knows what they want in our world. Do they bring war or peace? Are they a destruction or a salvation? Do they deserve to live or die?