Chapter: XXIX: Waifu test

2.4K 114 1
                                    

"The game will be-," naputol ang sasabihin ni kambing namg ipako niya ang tingin niya sa isang lalaki. Lalaking pilit nagpapanggap na babae siya.

"Excuse me! Mr. Swabe you're out of this game!" Sigaw ni kambing habang umuusok ang ilong nito sa galit.

"How dare you to wear a maid uniform, it's disgusting!" Nandidiring saad nito.

"Cute girls have the permission to wear a maid uniform, and girls only who will play this game. You're out," pagpaalis niya sa isang kandidato ng grupong Mr. Swabe.

Walang magawa ang grupo kung hindi sumunod, sa bagay dagdag points din kaya ang game na ito.

"Okay, there's only four groups here, would you mind to introduce yourself," the goat hyperly said.

"Annie is my name, I am the spirit of annihilation."

Napako ang tingin ko roon sa spirit, what a small world, 'yung spirit na inatake ako noon sa Subic, narito siya.

"Yuki! I am the Spirit of Rain, nice to meet you!"

Yuki looks like a 11 year old girl, she's such a cutie and a sweet girl.

"Serina, I am the Spirit Divination, nice too meet you all."

Narito rin pala si Sister, now turn ko ng magpakilala. Since isa akong dakilang bida bida, nakisakay pa ang mga kagrupo ko na i-cheer ako, well.

"Mikaela! Mikaela! Mikaela!" Sigaw ng mga kagrupo ko.

I swayed my red hair, I placed my right hand on my waist. I spinned around and I walked like a model.

I gave them an evil grin, "Mikaela Javier, The spirit of fire," I smiled like I am the Ms. Universe.

Puno ng hiyawan ang battle field, nag flying kiss ako sa mga audience, ilang percent ang audience impact?

"What a lovely ladies," landing saad nung kambing, that goat was drooling because of me.

"Let's start our game! Each one of you is assigned to be a wife in a certain family, You will have a husband and two kids. 'Wag kang mag-alala 'yung magiging pamilya mo ay likhang isip lamang, ipapakita mo sa iyong pamilya kung paano maging mabuting asawa at ina. Kung pinoproblema mo kung gwapo o pangit 'yung asawa mo well abangan mo na lang."

Mabuting asawa at ina? Aba't bagsak na ko roon. Una sa lahat hindi ako marunong sa gawaing bahay, senyorita ako ng mama ko. Isa pa hindi ko alam kung ano ang pamilya. Dahil umpisa palang lumaki ako sa broken family. Mama ko laging nasa trabaho kaya palaging mag-isa lang ako sa bahay pero love na love ko parin 'yun.

'Yung papa ko? Ewan nawala na lang bigla, sabi ni mama balang araw malalaman ko kung bakit.

Kaya ito ako ngayon, I seek attention dahil saamin walang pumapansin saakin, alam na? kung bakit masyado akong pabida.

"Mapupunta kayo sa isang bahay kung saan magaganap ang pagiging asawa niyo, good luck ladies."

Within that napadpad kami sa kanya-kanyang bahay, nasa tapat ako ng pintuan.

Nabigla ako nang bumukas ito, bumungad saakin ang pagmumuka ng isang lalaki na may kasamang dalawang batang lalaki.

"We're home mama," lumapit saakin ang dalawang bata at niyakap ang beywang ko.

"Mama may star kami," ipinakita saakin ng dalawang bata ang star nila sa kamay.

Mama? Nagsisimula na ang laro. I looked at them, twins huh? kamukang kamuka nila ang asawa ko. Oo asawa ko, kamuka nila si Rin.

"Oh really, very good mga anak ko, pakiss nga si mama," I kissed both of them on their cheeks.

"Mama we're going upstairs," pagpaalam nila saakin. I nodded in response, tumakbo sila papunta sa hagdanan at umakyat sa kanilang kwarto.

The Tale of a SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon