Chapter L: Loathe

2.1K 90 1
                                    

"Mika pansinin mo naman ako!" Naramdaman ko ang pagtabi saakin ni Nanami sa hapagkainan.

Sinubo ko ng buo ang hotdog sa bibig ko sabay lagok ng orange juice ko at ang paboritong gawin ng mga magaganda ay ang mag walk out.

"Anak hindi pa ba kayo nagkakaayos?" Tanong saakin ni mama.

Tinali ko ang buhok ko into messy bun, "hindi pa ma, nakakainis kasi siya," I hissed.

Alam na ni mama ang lahat sinabi na namin ni Nanami ang lahat. Ang kapal nga ng muka niya eh akala mo kung sino magliwaliw sa bahay ko!

"Sige alis na ko," kinuha ko ang backpack ko at papihit na ko ng doorknob nang...

"Mika bati na tayo!" He tugged my arms. Inalis ko ang kapit niya sa braso ko.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kaniya na pilit kinakalas ang pagkakahawak niya saakin.

Sino ba ang hindi magagalit sa kaniya pati narin kay sister at sa reyna. Balak nilang baguhin ang takbo ng buhay ko na hindi ko alam! Like duh! Hindi naman ako magagalit sa kanila kung sinabi nila saakin.

Tutulungan ko pa sila na mabago ang ending ng storya ko.

"Pwede ba! Kahit ngayon lang hayaan mo ko mag-isa!" Wika ko nang nakatingin sa kaniya nang matalim.

Naiinis ako sobra! Ang mahiwagang booklet ni Sister na naglalaman na maaring mangyari sa buhay ko ay naging blanko ang susunod na pages.

Nag stop ang information tungkol sa fate ko nung time na nagtuos kami ni Angelic after that ang susunod na page wala na!

Ang sabi nila, oo nila sina Nanami, Sister at ang reyna, naapektuhan daw ni Angelic ang fate ko dahil sa pagsingit niya. Lecheng demonic na ito mahadera masyado eh!

Kaya ito ang bunga hindi namin alam ang pwedeng mangyari kaya dapat mag-ingat ako. Bawat galaw ko nakabantay si Nanami peste na iyan!

Marahas kong inalis ang hawak niya sabay takbo palabas. Napahalukipkip naman ako dahil ang lamig ng simoy ng hangin.

Makikipagkita ako kila Reena at Erika hindi ko alam kung bakit?! Ay oo nga pala may group project kami kaso hindi ko alam kung ano iyun.

Hindi kasi ako nakikinig, isang buwan na ang nakalipas simula nung insidente kay Angelic. Tumupad naman siya sa usapan naming dalawa, nag-imbento siya ng kwento paano ko nalaman?!

Naroon ako baka mamaya kung anong sabihin nun, mahirap na magtiwala sa kaaway mo.

Pumasok naman ako sa isang cafe kung saan ang meeting place namin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang dalawa.

Walanghiya nasa tabi ko lang pala ang table nila na malapit sa bintana. Pumunta ako roon at naupo.

"Ang tagal mo!" Pagrereklamo ni Erika.

"Isang oras lang naman ako late," mataray na wika ko sa kaniya. Nasamid naman si Reena sa iniinom niyang latte.

"Isang oras lang?! Oh you are ridiculous!" Hindi makapaniwalang saad ni Erika.

She focused her attention to her laptop, hinarap niya ito saakin.

"Philippine Academy Christmas Party?" Binasa ko 'yung nakalagay sa laptop.

"Christmas party?! Magpapasko na ba?" Nagtatakang tanong ko dahilan para mapanga-nga ang dalawang kasama ko.

"Mika tatlong linggo na lang pasko na," Reena assured.

Huh?! Magpapasko na? Tumingin naman ako sa labas. May nakasabit na parol sa mga bahay at may Christmas tree narito sa loob ng cafe. Kaya pala malamig na ang panahon magpapasko na pala.

The Tale of a SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon