Chapter LV: Choice

2.7K 93 9
                                    

Napatawa naman ako sa tanong niya, hindi ba halata ang gusto kong mangyari?

Bumuntong hininga ako habang nakapako ang tingin kay Nanami na may seryosong expresyon sa muka na akala mo kaya niya kong patayin kapag hindi niya gusto ang sagot ko.

"Anong sa tingin mo?" I questioned back.

He narrowed his eyes while giving me a deadly stares, "you want vengeance," agad akong napangiti sa sagot niya.

"Alam mo pala eh! Then why the fuck are you asking?!" Humigpit ang hawak ko sa broad dual light sword ko.

His lips curled up into sarcastic smirk, "wanna know why?" He crossed his arms as he started to tell the reason why.

"You have romantic feelings to Mika, am I right?" He arched a brow as he questioned.

I licked my bottom lip, I gulped and answered his question.

"No, I don't have," my tone was full of confidence.

"Nilamon ka ng galit, kahit mahal mo siya nabulag ka!" Madiin ang bawat salita na lumabas mula sa kaniya.

"Lalaki rin ako at alam ko ang intensyon ng kapwa ko lalaki sa isang babae," lumapit siya saakin at tinapik ang balikat ko.

"Alam mo rin siguro ang intensyon ko kay Mika," bulong niya sa tainga ko at humakbang palayo saakin.

I clenched my jaw and my fist, nanginginig ang katawan ko habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ko.

He smiled at me a genuine one, and it surprised me, "ganiyan ang pakiramdam ko sa tuwing magkasama kayo," halos pabulong niyang sabi.

"Killing her won't make any sense. Trust me hindi si Mika ang mawawalan, ikaw!" Tumalon siya pababa sa ground mula sa rooftop.

He saluted and ran towards where Mika is. I shut my eyes tightly as I remembered Nanami's voice.

Tila ba nag-flashback lahat ng nangyari saamin ni Mika, ang pagkikita namin sa hindi inaasahang pangyayari.

Naalala ko rin nang maaksidente kami, umiiyak siya nanc husto na akala mo hindi niya kaya na mawala ako sa kaniya.

That's the first time I saw her cry and I am the reason of her tears that time.

Lumipad ako muli gamit ang jetpack ko, at tumungo sa kinaroonan ni Mika. Bago pa ko mamatayan ng tauhan kailangan ko siyang pigilan. Kagaya nga ng sabi ni Nanami ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya.

Natatanaw ko na ang limang lalaking spirit doon, patuloy nilang ginigising ang tunay na katauhan ni Mika.

Lumapit ako sa likuran niya, huminga ako nang malalim bago buksan ang aking bibig. Mabilis ang tibok ng puso ko, ngayon lang ako hindi naging kalmado.

"Hunybunch!" Malambing kong saad, agad siyang napalingon saakin.

Sa una ang walang ekspresyon na muka ay biglang lumambot. Pumikit pikit siya at umiling.

Sinampal niya ng malakas ang sarili na ikinabigla ng lahat, namula ang pisnge niya habang ang dilim ng aura niya.

"Fuck this voice inside my head!" Bulalas niya. Pinalibutan namin siya, inisa-isa niya kaming tinitigan.

"Mikaela!"

"Ms. Atribida."

"Mika!"

"Hunybunch," tawag ko sa kaniya na malambot at galing sa puso, walang halong pang-aasar.

Ang pagtawag namin sa pangalan niya ang kinaiinisan niya. Naaburido siya sa pagtawag namin ng signature name niya.

"Shut the fuck up!" Sigaw niya, may lumabas na fire force mula sa katawan niya dahilan para lumayo kami sa kaniya.

The Tale of a SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon