"Mama?!" Tawag ng bata sa kanyang ina, kumatok ito sa pintuan ng kwarto ng ina.
Alas dose na ng gabi ngunit naririnig parin ang hagulgol ng kanyang ina.
"Mama okay ka lang ba?" Tanong niyang muli na ramdam mo sa kanyang boses ang pag-aalala.
Pinihit ng bata ang doorknob at dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto ng ina. Nakita niya itong hawak-hawak ang isang camera tila may tinititigan na imahe.
"Ma?!"
Agad nagpunas ng luha ang ina at bumangon sa kama. Nginitian niya ang kanyang anak, ipinapakita na siya'y ayos lang kahit hindi.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nang malumanay ng ina.
Lumapit ang bata sa kanya, tinabihan siya sa kama at niyakap siya nito.
Dalawang taon ng nakalipas nang mawala ang kanyang ama. Sa edad na walong taong gulang alam na ng bata na hindi na muling babalik ang kanyang ama.
Sa murang edad nakaranas na siya ng dalamhati. Matured na kung mag-isip ang batang ito.
Alam niya na isa siyang spirit. Tanggap niya na lahat ng masasakit na nangyari sa kanyang pamilya.
"Ma, 'wag ka ng umiyak malulungkot si papa."
Pinunasan ng bata ang luha ng kanyang ina at hinalikan ito sa pisnge. Dalawang taong nakalipas hindi parin mawala ang hapdi sa puso ng kanyang ina.
"Ma tinimplahan kita ng gatas!" Agad lumabas ng kwarto ang bata para kuhanin ang tinimplang gatas. Pagbalik niya sa kwarto masayang inabot ito sa kanyang ina.
"Makakatulog ka kaagad pag-ininom mo yan ma!" Malawak na ngiti ang namuo sa labi ng bata.
Walang salita ang lumabas sa bibig ng ina, ininom niya ang gatas at humiga sa kama. Inayos ng kanyang anak ang unan at kumot niya.
"Good night ma sweet dreams," hinalikan ng bata ang noo ng ina. Wala pang limang minuto nakatulog na ang ina.
Pinagmasdan ng bata ang natutulog na muka ng kanyang ina. Malalim at maitim ang mata, nangayayat rin ito at tumanda ang muka ng husto dahil sa pagkawala ng kanyang ama.
"Thank you spirit of dreams," binigyan kasi siya nito ng potion na pampatulog at kapag ito'y iyong ininom siguradong mahimbing ang iyong tulog.
Nasa labas ng bintana ang spirit, Mika saluted at him and gave him a sweet smile.
The spirit of dreams waved at her sign as a good bye.
Kinuha ng bata ang camera na nakapatong sa kama, tinignan niya isa-isa ang mga imahe. Kung ikaw ay isang ordinaryong tao hindi mo makikita ang imahe ni Kasai tanging itim na anino lang ang makikita mo.
Dahil si Mikaela ay isang spirit may kakayahan siyang makita ito. Hindi niya napansin na tumutulo na pala ang kanyang luha.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, ang akala niya hindi na siya masasaktan sa tuwing naalala ang nangyari noon...
Nagkakamali siya
Pinigil ang bawat hikbi na nagmumula sa kanyang bibig, nabitawan niya ang camera na hawak-hawak niya.
Ang mga litrato na nakita niya ay ang nakaraan ng kaniyang ama.
Ang litrato ng kanyang ama at ina na masayang-masaya, malalawak na ngiti ang makikita sa bawat litrato. Hindi ordinaryong litrato iyon.
Naroon ang mga ala-ala ng kanyang ama. Naroon ang unang date ng kanyang magulang, ang anniversary nila, ang kasal pati na rin ang araw na kung kailan sinilang si Mika.
BINABASA MO ANG
The Tale of a Spirit
FantasíaSpirits are the creature in human form possessed by an angel. They are in earth for unknown reason. No one knows what they want in our world. Do they bring war or peace? Are they a destruction or a salvation? Do they deserve to live or die?