6

98 11 2
                                        

* Y A N N A *

Iniligpit ko yung gamit ko at inilagay yun sa bag. Tapos na yung klase ngayong araw, tatlong oras lang kasi talaga ang klase tuwing unang araw ng pasok. Parang introduction lang. Bukod sa sobrang bigat ng atmosphere kanina sa room simula nang dumating sina Nathalie at Irvin Alonzo, wala nang nangyari pang iba. Matapos kasing magsalita ni Ms. C ng kung ano-ano, umalis na siya at hindi na bumalik. Ewan ko kung saan pumunta yun. Sabi naman ni Fuuto Hayashi, ganun daw talaga yun at wag na ko magtaka.


"May practice ka ngayon?" Napatingin naman ako sa may gilid ko nang marinig ko yung boses ni Nicholas. Ay grabe. Kinikilig talaga ko kahit hindi ako yung kinakausap niyaaaa. Huuu. LALO NA KANINA KINAUSAP NIYA KO NANG ILANG BESES. JUSKOOOO- Okay. Tama na pagfafangirling.

Binalik ko yung atensyon ko sakanila. Nag-aayos si Ivanna ng gamit niya at tinutulungan siya ni Nicholas. Ang sweet nila talaga. Naiinggit ako pero okay lang. Soooobrang bagay kasi nila sa isa't-isa. "Nope. Wala daw ngayon. Kayo?"

Umupo si Nicholas sa upuang nasa harap ni Ivanna saka bumuntong hininga na para bang suko na siya at wala na siyang magagawa. "Meron. Alam mo naman si Irvin, pag badtrip pati kami obligado mag practice. Porket napatameme, nasuntok at nasipa siya sa tuhod ni Nathalie. Hahahaha! Sorry pala, hindi kita mahahatid ha? Papasundo na lang kita."

"HOY SANDOVAL! LIKA NA! TAMA NA YANG PAGLALANDIAN! WALA NAMAN FOREVER!" Narinig kong sigaw ni Irvin Alonzo na mukhang sobrang badtrip na habang nakasilip sa may pinto.

"Bitter mo! Tsk! Basta Hon, ingat ka ha? Mahal na mahal pa naman kita!"

"Hahaha. Opo opo! I love you too. Kahit wag mo na ko ipasundo. Sabay na lang ako kay Alie. Kakain muna kami."

"Okay. Basta ingat ka ha. Call me."

"Opo. Bye!" Kumaway si Nicholas sakaniya saka nito kinuha ang bag niya. Nagulat naman ako nang bigla siyang napatingin sakin at nginitian ako.

Teka lang yung puso ko ata malalaglag.

"Bye, Yanna!"

"A-ano... B-bye din!" Ngumiti ulit siya saka kumaway at tuluyan nang lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi talaga ko nananaginip diba? Totoo diba? Kinausap at nagbabye saka nginitian niya ko diba!? Diba!?

"Hmmmm?" Napabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may nakatayo sa gilid ko. Napaayos naman agad ako ng sarili nang makita kong si Ivanna yun. Halaaaa. Nakakahiya!!! "Ikaw ha. Gusto mo si Nicholas ko no?"

"H-ha!? A-ah a-ano k-kasi-"

"Hahahahaha! Magrelax ka nga."

"A-ano... Sorry." Aish. Nakakahiya. Jusko lupa. Bumuka ka na at ako na'y iyong kainin!

"It's okay! It's okay. Haha. Magrelax ka nga. Masyado kang tense. Okay lang hindi ako galit. I'm not jealous type, you know. Haha."

Napatitig ako sakaniya. Totoo nga. Hindi na talaga nakakapagtakang inlove sakaniya si Nicholas. Bukod sa sobrang bait niya, sobrang ganda pa niya. Lalo na yung mata niya, brown na brown. Hindi na talaga ko magtatakang mahal na mahal siya ni Nicholas. "Bakit?"

"H-ha? A-ah w-wala po." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ano Yanna? Tapos ka nang ipahiya ang sarili mo!? Haaaay!

Napatingin ako ulit sakaniya nang paluin niya yung braso ko. "Ang cute cute mo talaga! Hahaha! Anyway, busy ka ba? Let's eat first!"

I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon