17

88 11 0
                                    

* Y A N N A *

"Hi, Yanna!"

"H-hello!"

"Hey Francisco!"

"H-hi!"

"Good morning, Ms. Y!"

"Good morning din po!" Waaaa. Hindi pa rin ako sanay. Hindi pa rin ako sanay na pinapansin at binabati ako ng mga estudyante dito sa Academy. Nasanay ako na isa lang akong hamak na hangin.

Oo, matapos yung bullying incident na nangyari sakin halos karamihan bumait na sakin. Siguro dahil tinakot nila Alie yung mga estudyante at hindi dahil gusto na nila ko. Haha. Pero syempre hindi pa rin nawawala ang ilan na may galit na ata sa buong pagkatao ko.

Sa totoo lang, masaya ko. Sooobrang saya ko. Siguro kung hindi nangyari sakin yun, hanggang ngayon nagtatago pa rin ako sa mga nambubully sakin. Kaya naman sobrang thankful ako kina Tiana. Sobra sobra.

Napatigil ako sa paglalakad nang may nahagip yung mata kong familiar na bata na nakapo sa may swing sa harap ng building ng mga elementary. "Irish!"

Lumingon siya sakin at ngumiti ng malaki. "Ate Yannaaaa!"

Nilapitan ko siya at niyakap siya. "Kamusta ka na?"

"Okay po! Ate Yanna! Namiss po kita!"

Hinagod ko yung buhok niya. "Namiss din kita. Naging good girl ka ba?"

"Opo! Ate Yanna, look! I have a star!" Cute niyang sabi saka pinakita sakin yung star sa kamay niya.

"Wow! Very good! Ang galing galing talaga ng Baby Irish ko!"

Si Irish ang dahilan kung bakit ako nandito. 2 years ago nawala si Irish, nakita ko siyang nakaupo sa may labas ng simbahan at umiiyak. Matalinong bata si Irish, kabisado niya ang pangalan at number ng magulang niya kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap. At bilang reward, pinag-aral ako ng Daddy niya dito kaya naman malaki ang pasasalamat ko kay Irish.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa. Madaldal siya tulad ng ibang bata. Ang pagkakaiba lang sakaniya, ayaw niya makihalubilo sa iba tulad ngayon. "Bakit naman ayaw mo makipagfriends sakanila?"

Iniling niya yung ulo niya saka tumungo. "Aawayin lang po nila ko."

"Bakit ka naman nila aawayin? Alam mo, Irish. Mas masaya pag may kaibigan!"

"May kaibigan po ba kayo, Ate?"

Nakangiti akong tumango. "Meron akong seven na kaibigan! Tignan mo ko, dahil may kaibigan ako, masaya ako. Kaya dapat hindi mo nilalayo yung sarili mo sa iba. Dapat nakikipagplay ka rin sakanila. Hindi ka naman nila aawayin kasi good girl ka."

"Really, Ate?"

"Opo! Araw-araw kitang pupuntahan dito, ha? Makikipagplay tayo sa iba mong classmates."

"Okay po, Ate! I love you po!"

"I love you, too. Una na si Ate, ha? May pasok pa kasi ako eh. Makipagfriends ka na! Dapat lagi kang nakasmile, okay? Bukas ulit! Bye!"

I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon