12

72 9 0
                                    

* Y A N N A *

Nanginginig akong pumasok sa isang cubicle sa cr. Agad kong nilock yung pinto. Nakaramdam ako ng panlalamblot ng tuhod at pag-ikot ng tyan hanggang sa napagtanto ko na lang na nagsusuka na ko sa bowl.

Natatakot ako. S-sa lahat ng pinagawa nila sakin, dito ko natakot. Hindi ko na alam gagawin ko. Ayokong pati ang ampunan madamay dahil sa kagagawan ko. Ayokong pati mga tao na nag-aruga sakin nang hindi humihingi ng kapalit, masaktan. Ayoko. Ayoko!

Kinalabit ko ang flush. Hindi na bago sakin ang pagsusuka. Dahil tuwing natatakot ako, nagsusuka ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero ganun talaga ko tuwing nakakaramdam ng sobrang takot tulad ngayon.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Sumandal ako sa pader habang patuloy na tumutulo ang luha ko at nanginig ang katawan ko.

"Ano bang gagawin ko?" Binaon ko ang mukha ko sa tuhod ko. Hindi ko na alam pa gagawin ko. Nataakot ako. Mababaliw na ata ko.

Si Nathalie... Si Ivanna pati na rin si Tiana... h-hindi pa kami ganun magkakakilala pero naparamdam nila sakin na kaibigan nila ko. Na kahit alam kong malayo ako sakanila, kaibigan ang turing nila sakin. Si Nathalie na laging nandyan para ipaalalang hindi ako nag-iisa. Si Ivanna na handa akong bigyan ng napakagandang ngiti para lang mapasaya ako. Si Tiana na kahit madalas na hindi ako kinakausap ay lagi pa ring andyan para sakin tuwing nahihirapan ako. Naging mabuting tao sila sakin pero...

Lalo akong naiyak nang maalala ko ang kapalit ng hindi ko pagsunod kina Dorothy. "Sorry. Sorry. Sorry. Sana mapatawad niyo ko. Sorry."

* N A T H A L I E *

"Amazona!"

"Pervert!" Binato ko siya ng notebook kaso nakailag siya. Tsk! Sayang!

As usual, andito na naman siya para bwisitin ang araw ko! Ugh! Kelan ba niya maiisipang umabsent para ni isang araw hindi naman masira ang araw ko!?

"Alie! Nakita mo ba si Yan? Andito na yung bag niya pero wala siya eh." Nag-aalalang tanong ni Ivanna nang makalapit siya sakin.

"Eh?" Tumayo ako at pinuntahan ang table niya. Oo nga. Andito na yung bag niya pero wala pa siya. Asan kaya yun? Humarap ako kay Ian at ginising siya. "Hey. Did you see Yanna?"

Bumangon siya at tinignan ako. Sumilip siya sa gilid ko kasabay ng pagkunot ng noo niya. "No."

"Asan na yun? Bihira naman malate yun eh."

Bumalik ko sa upuan ko. "That image doesn't suits you. Mukha kang trying hard!"

I give him death glare. Pumunit ako ng papel saka ako lumapit sakaniya at sinalpak yun sa bibig niya. "What the hell, woman!?" Inis niyang sigaw nang madura niya yung papel.

"Gusto mo pa? Marami pa!"

"Baka gusto mo ikaw salpakan ko ng papel sa bibig!"

"Kaya mo!?"

"Oo naman!"

Kukuha na sana siya ng papel nang humarang sa gitna namin si Fu. "Mamaya na kayo maglovey dovey, okay? Nag first ring na."

"The hell, Hapon! Wanna die!?"

"Lovey dovey ka jan!? Tsk!" Kung hindi ko lang gusto 'to nasapak ko na 'to!

Inis akong bumalik sa upuan ko. Napatingin ako sa tabi ng bintana kung nasan nakaupo si Tiana. She's spaced out. Alam kong normal lang sa kaniya na walang reaksyon sa mukha at tahimik pero iba un aura niya ngayon.

She looks worried or something? Na. Baka imagination ko lang yun.

* I A N *

Tumayo ako at naglakad papalabas ng pinto. Palayo na sana ko nang may tumawag sakin which I guess I already know who. "Ian Fontanilla! Where do you think you're going!?"

I look at her--- Crisanta, I mean Ms. C. "Looking for someone."

"Who?"

"Francisco, Yanna."

"Where is she?"

"Am I going to find her if know where she is?" I bow my head and turn my back.

I heard her cuss. Tsk. Did she forget she's a teacher now? Psh.

Crisanta is close to the four of us. She's Irvin's second cousin and also the daughter of our music instructor when we're still learning.

Enough for Cris. She's not the one I'm looking for. Tsk.

Don't ask me, why I'm looking for her. It's not that I care for her or something. It's just... it's bothering me.

"Omg! Ian!"

"Kyaaaa! Ang gwapo mo, Ian!"

"Iaaaaan!"

"I love you, Ian!"

"Hey, all of you! Go back to your seat!"

Ugh. So annoying. Tsk.

Treating us like we're celebrities. Tss! It's so damn annoying. It irritates me to death!

I'm about to go down for another floor when a sudden place came to my mind.

And there... I found myself running up to the place where we first met.

I place my hands on the top of my knees while trying to catch my breath. Why did I even run!? Stupid.

I look all over the roof top but no signs of her. Tsk. Where the hell did she go!?

Hindi naman siya nabully, diba? Tsk.

* Y A N N A *

Afternoon class na nang mapagdesisyunan kong pumasok. Manghihiram na lang siguro ako ng notes.

Dumaan na muna ko ng cr para tignan ang itsura ko. Hindi na ganun kamaga ang sampal na natanggap ko kanina. Maayos na din ang mata ko. Kaya lang may pasa ako sa may braso na nakuha ko ata nang itinulak nila ko ko kanina.

Kinuha ko yung cellphone na ibinigay nila sakin kanina. Magawa ko kaya?

Nang maayos ko na ang sarili ko nagpunta na ko sa room. Wala pa sila. Siguro ay kumakain pa. Naglakad ako papunta sa table ko at umupo. Itinungo ko yung ulo ko.

Ngayon pa lang, nanghihina na ko. Hindi ko talaga alam kung magagawa ko ba ang iniuutos nila. Pero mas hindi ko ata kakayanin kung pati ang ampunan mapahamak.

"Where have you been?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong biglang may magsalita. Nilingon ko kung saan galing yung boses at nakita kong kakalabas lang ni Sungit galing sa restroom ng room.

"Ah. Masama kasi pakiramdam ko kaya nagpahinga muna ko sa clinic. Ano nga---"

"Stop lying." Natigilan ako sa sinabi niya. Halata ba? Tumayo ako at pabirong pinalo ang braso niya. "M-mukha ba kong nagsisinungaling--- aray!"

Hindi ko napigilang hindi mapasigaw nang hawakan niya ang braso ko kung saan may pasa. Agad naman siyang bumitaw sak at gulat na gulat na tinignan yun. "Where the hell did you get this!? Don't tell me you get bullied aga--!?"

"Ano bang paki mo?" Wala sa sarili kong sabi. Inalis ko an pagkakahawak niya sakin at bumalik sa upuan ko. "Wala ka na dun kung nabubully ako. Sanay na naman ako. Hindi ba miski ikaw binubully ako? Bumalik ka na lang sana sa pagiging Mr. I don't care mo. Yung walang paki. Hindi yung inaabala mo pa sarili mo sa ibang tao."

Wala sa loob ko lahat ng sinabi ko ang akin lang... ayokong pati siya madamay. Ayoko.

I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon