13

68 7 0
                                        

* N I C H O L A S *

Binuksan ko yung locker ko saka ko inilagay sa loob nun ang jersey ko. Kakatapos lang ng training namin. Anyway, I'm a basketball varsity player.

Ugh. I feel so stiff. Ilang linggo din kaming walang practice then out of the blue, magpapatawag ng practice. Tsk. Kahit kelan talaga yung coach namin!

Nagpaalam na ko sa iba saka ko kinuha yung bag ko at lumabas na ng locker. Lumapit ako kay coach at nagpaalam na rin kaniya.

I took my cellphone and contact my princess. Habang naglalakad at inaantay kong sagutin niya ang tawag ay may hindi ako inaasahang marinig na nakapapakulo ng dugo ko.

"Narinig mo na yung rumour about Ivanna?"

"Ivanna Sacdalan? Yung girlfriend ni Nicholas?"

"Yeah. Grabe. Didn't expect na ganun siya kalandi. Biruin mo, she seduced the Teacher in charge of cheerleading club para makapasok siya. Ew."

The hell!

Agad kong pinuntahan kung saan galing yung boses pero pagpunta ko dun wala na. "Shit!"

Ivanna worked hard para makapasok siya sa cheerleading club! I saw how she practiced para makapasok dun at hindi dahil sa may sineduce siyang teacher o ano! At higit sa lahat hindi malandi ang girlfriend ko!

I clench my fist. Malaman ko lang talaga kung sino nagpakalat ng rumour na yun, hindi ako magdadalawang isip saktan siy. Babae man siya o lalaki.

They dare to mess with my girl? They'll face me.

* Y A N N A *

"T-teka, Dorothy! Mali naman ata yung pinakalat niyo! Hindi inakit ni Ivanna yung Teacher in charge sa cheerlead--!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sana nang sampalin niya ko ng malakas.

"Ano ko tanga? Sa tingin mo basta ko ipapagkalat ang walang kwentang sinabing sikreto sayo ni Ivanna ng ganun ganun lang?"

"P-per---"

"Manahimik ka nga!" Halos mapasigaw ako nang hilain niya yun buhok ko. "Gawin mo na lang ang dapat mong gawin at wag ka nang magsalita pa! Ang dami mong satsat! Gusto mo ba talagang ipasara namin yung walang kwentang ampunan na yun!?"

Umiling ako habang patuloy na tumutulo yung luha ko. "Good dog! Ngayon, just do your work like what we've told you. Okay? Alam mo na siguro ang kapalit pagsumuway ka. Goodbye, Ampunan." Tumayo siya at sinipa yung binti ko.

"Bilis bilisan mo sa pagbibigay samin ng information. Nababagot kami."

"O-opo." Sagot ko. Nakita kong naglakad papalapit sakin si Micaela--- ang may gusto kay Niholas--- saka ako tinapunan ng limang libo. "Bonus mo. Para may pambili ka naman ng pantakip jan sa mga pasa mo. Nakakaasiwang tignan eh."

Isa-isa na silang lumabas. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinihimas yung parte ng binti kong sinipa niya kanina.

Oo, tama kayo. Ito ang pinapagawa nila sakin. Pinapakalap nila ko ng informations na pwedeng makasira sa tatlo. Ayokong gawin ito pero... ayoko rin namang pati yung ampunan madamay. Hindi ko makakaya kung pati sila madadamay.

* F U U T O *

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita kong galit na galit na pumasok si Nick. "Damn it!"

"What happened?"

"You need to fucking help me! Kailangan ko malaman kung sinong gumawa ng tsismis na yun about Ivanna!"

"Teka! Teka! Calm down, bro! Ano bang rumour yun ha?"

"They're saying that Ivanna seduced the teacher in charge of cheerleading club to get in. The hell them! Hindi ganung babae ang girlfriend ko!"

I held his shoulder at pinaupo siya. "Kumalma ka. Saan mo ba narinig yan?"

"Pag labas ko ng locker room kanina."

"Nakita mo ba yung nagsabi?"

"Yun nga eh!" Inis niya sinuntok yung kama ko. "Malaman ko lang talaga! Fuck! Hindi ko alam magagawa ko!"

"Kumalma ka nga! Bumabalik ka na naman sa dating ikaw eh." He used to be a delinquent remember? Ganyan na ganyan yan dati. Napakahot headed.

Bumalik ako sa comuter table ko. "Damn! Malamang Fu! Girlfriend ko usapan dito!"

"Calm down. Hahanapin natin kung sino source niyan."

Nanahimik na naman siya matapos nun. I type the official website of A*A. Mukhang wala pa naman dito. Lumipat ako ng ibang site which is the site for students only, kung saan naglalabas ng sama ng loob yung students etc. Actually, hindi alam 'to ng teachers.

I quickly log-in. Napakunot ako ng noo nang makita kong trend nga ang pangalan ni Ivanna. I click it at tulad ng sinabi ni Nick ayun ang nakalagay. "What the..." Different versions of it already came out.

Pero hindi lang yun ang nakakuha ng attention ko. Nathalie Drew Alcantara.

"What the fuck!?" Iyan lang ang masasabi ko habang binabasa ko ang article tungkol kay Alie.

Nathalie is worst. Leaving her sick mother so she won't need to take any obligations. She's currently living alone. Nagpapakasaya mag-isa habang yung nanay niya, naghihrap. She's worst!

Grabe. Mukha lang siyang mabait. Hindi ko akalaing ganun sya.

Leaving her sick mother for her own happiness? Wow, Alie. Wow.

Iyan ba ang pingmamalaking vice-president ng A*A? Walang utang na loob sa nanay niya!

Hindi manlang niya inisip yun nanay niya. She's worst!

Magkaibigan nga sila si Ivanna! Parehas pakitang tao!

I quickly took my phone and dial her number. After few rings she answered it. "Al---" napatigil ako nang marinig kong humihikbi siya sa kabilang linya. Shit.

"A-Alie..."

"T-they don't know what happened to me... h-hindi nila ko kilala pero bakit..."

"Hahanapin natin nagpakalat nito! Hahanapin natin, I promise!"

I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon