* N I C H O L A S *
"This will be fun." Lahat kami napatingin kay Ms. C nang magsalita siya. She smirk and cross her arms habang sinusundan ng tingin si Nathalie na palayo na ngayon.
"Mr. Famous Playboy vs Ms. Hater? That's a sure thing!" Sabi ni Fuuto habang natatawa tawa.
"Irvin finally found his rival. Can we watch Ms. C?"
"Of course. Hindi dapat palagpasin 'to. Let's go." Kaniya-kaniya kaming tayo. I held my Girl's hand saka kami lumabas ng room. Pumunta kami sa may corridor para sumilip.
Pababa pa lang si Nathalie sa elevator pero hindi na namin mapigilang hindi matawa at maexcite. We all know how Nathalie hates Irvin dahil nga sa play boy daw ito. Not sure but yun ang naririnig ko.
"Hon, look!" Napatingin ako sa tinuro ng pinakamamahal ko. Oh. Nathalie is on her way to Irvin's spot. Halatang inis siya eh. Haha! "Ano kayang gagawin ni Alie? Haha!" Napabalik ako ng tingin sa kaniya as she spoke. Damn. Bakit ba ang ganda ganda niya!? Shit. She's really worth being called A*A's Goddess.
Pumunta ko sa likod niya at ipinatong yung baba ko balikat niya saka hinawakan yung dalawang kamay niya at ininterwine yung fingers namin.
Yeah. I'm clingy as hell. Bakit ba? Eh sa mahal ko eh.
Napalingon ako nang maramdaman kong may nakatitig sakin at hindi nga ko nagkamali. I smile at her at napatawa naman ako ng makita kong namula buong mukha niya saka iniiwas yung tingin niya sakin. Ano nga ba pangalan ulit niya? Yannie? Yanna? Ah basta may Yan yun!
Binalik ko na yung tingin ko dun sa dalawa. Nathalie is pulling Irvin out of the crowd. Ang lokong Irvin naman ngiting ngiti.
"Look at that smile, he's really a pervert." Napatawa naman kami lahat sa sinabi ni Ian. Ian doesn't talk too much pero pag nagsalita yan against kay Irvin talagang mapapatawa ka. Haha.
Halos lahat kami napasigaw nang halikan ni Irvin si Nathalie. "He's dead." Napatango ako sa sinabi ni Tiana. He really is. Patay ka, Alonzo. Sa labi pa talaga ha? Lakas mo. Let's see how Nathalie will react.
Irvin walks away without looking back at her pero lahat kami napasigaw at the same time napatawa sa susunod ma ginawa ni Nathalie. She punched Irvin! Yeah. Literally! At kitang kita dito ang pamumula nang pisngi niya hahaha!
"Grabe! Amazona pala si Nathalie!" Lahat kami napatingin kay Yan- sorry, I forgot her name- at pare-parehas kaming napatawa. Lumapit si Fuuto sakaniya at tinap yung balikat niya. "She really is. Hahaha. Specially to Irvin."
Nagtanguan kaming lahat. Pumasok na kami sa room namin at umupo sa sarili sariling upuan namin.
"Nathalie is no joke. Haha! Hindi ko akalaing gagawin niya yun! Hahahaha!" Ms. C said nang makapasok siya. Yeah, Ms. C's right. Nathalie is.
I smiled at that thought. Irvin, I think you found your rival.
* Y A N N A *
Wala sa sarili kong ibinagsak yung sarili ko sa sosyaling upuan na may nakalagay na pangalan ko. Ipinatong ko yung siko ko sa sosyalin ulit na lamesa na may nakalagay ulit na pangalan ko saka pinisil ng madiin yung pisngi ko.
Hindi naman ako nananaginip diba? Totoo talagang nasa ☆ Sec. ang pooritang tulad ko. Totoo talagang kaklase ko ang pitong pinakasikat na estudyante sa A*A. Totoo talagang nakausap ko sila. Totoo talagang kaibigan ko na si Nathalie na amazona na sinapak si Irvin Alonzo na anak ng chairman ng A*A. At higit sa lahat totoong... NGINITIAN NIYA KO KANINA!? AS IN!? ISANG NICHOLAS ALLYN SANDOVAL NGITIAN ANG ISANG YANNA NICOLE FRANCISCO. WAAAAAAA! Okay pasensya. Alam kong andito yung girlfriend niya pero kasi eeeeeh!!!
BINABASA MO ANG
I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽
Roman pour AdolescentsPaano kung si Ms. Hater ang pagbalingan ng pansin ni Mr. Playboy? Paano kung ang perfect couple ay magkalabuan? Paano kung ang mag long time best friends ay malaman na may feelings sila sa isa't-isa? Paano kung mapahulog ng isang commoner ang isang...