3

165 12 0
                                        

* N A T H A L I E *

Napatingin ako sa speaker nang biglang namention yung pangalan ko. Inilabas ko yung wrist watch ko at tinignan yung oras. Eh? May 40 minutes pa ah. Excited naman yung Adviser namin.

Kahit labag sa loob ko ay naglakad na ako papunta sa room assigned samin. As usual, masasama na naman ang tingin ng mga malalanding nilalang na 'to sakin. Buti nga at hindi ko sa ano sinipa yang Alonzo niyo eh. Tsk! Iba't-ibang bulungan tungkol sakin ang naririnig ko habang naglalakad ako. As if namang maapektuhan ako, mga baliw. Nagsasayang lang sila ng laway. Psh.

Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad na lang ako. Akala naman nila aagawin ko yung Alonzo nila. Tss. Ang pangit naman nun eh. Mas gwapo pa si Fuuto eh!

Nang makarating ako sa room ay isang babaeng hindi pamilyar ang nakita ko dun. She's a student too so obviously hindi siya yung adviser namin. Maybe siya yung Yanna Francisco. Kilala ko kasi si Ivanna and Tiana eh. Siya lang talaga hindi.

"Hi!" Tumingin siya sakin at parang nataranta naman siya kaya nahulog yung mga gamit niya. Agad naman akong lumapit sakaniya para tulungan siya.

"K-kaya ko na po-"

"It's alright. Nagulat ata kita eh." Ipinatong ko sa table niya yung mga gamit na nakuha ko. Napakunot yung noo ko nang makita ko yung ballpen niya. I grab it and scan it. "Panda? Woah. May ballpen palang ganito. Amazing!" Hindi ako mangmang. I'm just amazed. Never heard of this eh.

Tumingin ako sakaniya at nginitian siya saka iniabot yung pen niya. "Oh. Here you go. Sorry. Masyado ba kong pakialamera?"

Iniangat niya yung ulo niya at ayun na naman yung gulat na expression niya. Oh my gosh. She's so cute! "A-ano. O-okay lang p-po! N-nakakahiya lang k-kasi."

"Eh? Bat ka naman nahihiya? We're classmates now. Anyway, I'm Nathalie." I lend my hand. Imbes na kunin niya yun ay tinitigan lang niya. She's hesitating obviously kaya ako na mismo ang kumuha ng kamay niya. "We're friends now hmm Yanna?"

"F-friends?"

"Yeah. Ayaw mo ba?" Cute na cute niyang iniling yung ulo niya habang winawagayway yung kamay niya. Oh gosh. How can she be so cute!? Wait parang medyo may hawig siya sa isa sa mga kakilala ko?

"H-hindi po! N-nakakahiya lang po kasi."

"Ha? Bakit naman? Anong nakakahiya dun? I see nothing wrong with that."

"A-ano po kasi-"

"Drop the po. Magrelax ka nga. Hindi naman kita kakainin no! Haha."

"S-sorry."

"It's okay. Let's go back, why are you so shy?" Naalala ko dati ganito din ako kina Cassy and Aria. Haha. But look at me now, kasing baliw na nila ko. Haha.

"K-kasi ano... M-masyado ka kasing mataas para m-maging k-kaibigan ng tulad k-ko eh."

"Mataas? What do you mean?"

"Ibig kong sabihin, i-ikaw s-sobrang yaman mo. Ako naman sobrang hirap ko. K-kaya nakakahiya." So siya pala yung commoner na yun. Oh.

I gave her a smile saka ko pinat yung likod niya. "There's no rule in friendship that you can't befriend with someone who's life is opposite to yours. Saka hindi ko naman kailangan ng mayamang kaibigan dahil lang sa mayaman ako. All I need is one reliable friend. Can you be that one?"

I.N.F.I.N.I.T.Y. ∽Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon