Chapter 6

6.4K 297 1
                                    

Nicole's POV

Uugghh! Ang sakit ng ulo ko! Nasan ba kami? Ay nadito pala kami sa Dark Mansion. Ang huling naalala ko ay nahimatay si Cobby tapos nawalan na rin ako ng malay. Nakita ko sila na unti- unti na ring bumabangon.

"Okay lang ba kayo guys?" tanong ni Adri sa amin.

'Kung okay lang naman na magkaroon na sobrang nakakatakot na bangungot na kala mo ay totoo. Okay lang kami okay na okay' sabi ko sa isip ko. Nagtinginan naman sila sa akin at tumawa. Nag-pout naman si Adri. Hehe nakalimutan ko mind reader pala ang mga kasama ko dito.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay. Wala na kaming nakasalubong na monster na siyang ipinagtaka ko. Pero isinawalang bahala ko nalang ito. Natigil kami sa paglalakad.

"Guys bakit kayo nag-stop?" tanong ko sa kanila. Tumingin ako sa unahan at nakita kong may dalawang daanan. Nagulat kami ng may biglang lumitaw na nilalang sa gitna ng dalawang daan.

"Sino ka?" tanong ni Mikka.

"Ako si Wiz. Ang bantay sa daanan na ito." sabi ni Wiz.

"Puwede ho ba kaming dumaan ginoong Wiz?" magalang na tanong ni Allia.

"Bago maka-daan sa mahiwagang daanan kailangan munang sagutin ang aking mga katanungan" sabi ni Wiz.

"Ano po ang inyong mga katanungan?" sabi ni Adri.

"May sampung inggiterang mangkukulam, nagpakamatay ang isa ilan na lang sila?" may hiwagang tanong ni Wiz.

"Siyam!" proud na sabi namin maliban kay Adri.

"Mali! May dalawang tsansa na lang kayo" sabi ni Wiz

"Huh? Bakit mali?" sabay na tanong ni Vladimir at Allia. Nagkatinginan sila at sabay na umiwas. I smell something fishy. Pero mamaya na yun.

"Wala" sagot ni Adri.

"Magaling binibini. Ngunit may isang tanong pa, sa isang kwartong walang gamit may lalaking nakabigti at may tubig sa baba nito, paano siya nagpakamatay?" tanong ni Wiz.

"Guys any suggestion?" tanong ni Adri habang nakangiti.

"Tumalon siya at nga-shoot siya sa tali at nag-bigti?" patanong na sagot ni Jake.

"Hahaha. Napatawa mo ako bata. May isang tsansa na lang kayo" naka- ngiting sabi ni Wiz.

"Hay nako!" napasapok sa noo si Adri.

"Ang sagot ay pumatong siya sa isang blokeng yelo at nagbigti." sabi ni Adri

"Magaling binibini. Napakagaling mo sa lohika. Ngayon ay makaka-daan na kayo."

Nag-isip kami dadaan kung sa daang puno ng ilaw o sa daang sobrang dilim.

"Guys sa may ilaw na lang tayo." sabi ni Richard

"Oo nga" segunda naming lahat maliban kay Adri.

"Hindi sa dilim tayo dadaan." sabi ni Adri at naglakad na.

Adri's POV

"Hindi sa dilim tayo dadaan." sabi ko at walang pakundangang naglakad patungo sa sinabi kong daan.

Kahit nag-aalinlangan ay sumunod sila sa akin. Pinili ko ang madilim na daan ay dahil trip ko lang. Hehe

Naglalakad na kami patungo sa isang kwarto. Wala kaming nakasalubong dahil dito ako galing kanina at pinatay lahat sila. Hehe sama ko diba?

Pumasok kami sa silid at tumambad sa amin ang napakaraming gamit tumakbo sila patungo sa mga kagamitan at ako ay nakatayo lamang sa bukana ng pinto. Hinihintay ko kong ano ang mangyayari hindi ko kasi ito pinasok kanina.

Bigla na lamang may lumabas na golden dragon at golden chifiara. Ang chifiara ay isang monster na pinaghalo-halo ang mga body parts. May tatlong ulo ito isang lion, serpent, at Scorpion. May leeg ito na serpent body. May katawan ito na lion. At may buntot na pang-scorpion.

Sumugod sa kanila ang dragon at akmang titirahin nila ito ng bigla itong naging dust, golden dust. Nagulat sila at nalanghap ang mga dust. Nakatulog ulit sila. Ano ba yan lagi na lang nila akong tinutulugan. Sumugod sa akin ang dragon. Nag-summon agad ako.

"I summon you Giant Golem Guardian, Dragon Guardian, and Dark Medusa"

Lumabas ang isang malaking golem na may mga gems na nagtataglay ng lahat ng elements. Kasi kapag guardian ka na sayo lahat ng elements maliban sa dark element. Lumabas ulit ang isang napakalaking dragon na may ibat-ibang kulay na sumisimbolo sa ibat-ibang elements. Lumabas naman ang isang hugis babaeng bato na kulay itim. Siya si Medusa ang babaeng impakta! Chos! Siya si Medusa kaya niyang gawing bato ang katawan mo at pasunurin sa sasabihin niya sayo.

Sumugod na ang Golden Chifiara at Golden Dragon. Naging dust ulit ang golden dragon pero hinihipan lang ito ng ng Dragon Guardian. Nagbalik sa dating form ang dragon. Naglalaban na ngayon ang Chifiara at Giant Golem, Golden Dragon at Dragon Guardian.

Nagbuga ng golden fire ang golden dragon. Dinodge lang ito ng mga monster ko at nag-counter attack. Nadaplisan ang Golden Dragon pero gumaling ito kaagad. Hahaha nahanap ko na rin ang hinahanap ko. Inutusan ko ang aking dark medusa na gawing bato ang mga monsters na kalaban namin. At ayung sa isang iglap ay naging bato ang mga monster na kalaban namin.

"Ibigay ninyo sa akin ang spirit ninyo." utos ko sa chifiara at dragon. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko na lang sila patayin at kunin ang gem? Well kailangan ko kasi ng ability nila kaya kapag yung spirit ang kinuha ko makukuha ko yung ability nila. Hindi sila sumunod sa akin kaya nagtransform ako into a soul eater. At kinuha ang kanilang mga spirit. Hindi ito alam nila mama ang alam lang nila ay kaya kong mag-summon ng monsters at mag-cast ng spell.

Pagkatapos kunin ang kanilang mga spirit ay may nalaglag na gem at orb. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na sa bawat gem ay may kalakip ito na orb sa akin hindi ko lang alam sa iba. Kinuha ko na rin ang mga kailangan namin. At naglibot sa kwarto at may nakita akong mga weapon sa tabi kaya isinilid ko ito sa aking bag. Pumunta naman ako sa jewelry at nakita akong mga special accessories kaya isinilid ko din ito sa bag last ay pumunta ako sa shelf at kinuha ang mga libro doon at nilagay sa bag. Natataka kyo kung bakit hindi napupuno ang bag ko? Isa kasi itong espesyal na bag at ginawa ko ito. Kahit gaano pa karami ang ilagay mo dito ay hindi mapupuno at hindi rin ito mabigat dahil napapaliit ng bag ang weight ng isang bagay. Pumunta na ako sa kanila at nag-teleport palabas sa dungeon at pumunta sa Light Forest.

She's A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon