Adri's POV
Hingal na hingal na ako sa pag-iwas sa mga atake ng mga kalaban ko. Ano ba 'to pagod na pagod na ako. Ano ba ang gagawin ko?
Umatake na naman uli ang tatlo ng sabay-sabay. Ugh! Naiwasan ko ang una nilang atake pero nagulat ako dahil nasundan ito at sabay-sabay akong tinamaan ng kanilang mga atake. Ugh! Tumalsik ako matapos ang huling atake. Ang sakit na ng katawan ko, marami na rin akong natamong sugat magmula kanina.
"Do you want me to take place?" Sabi ng isang boses sa aking isipan. Siya rin ang may sala kung bakit nawalan ako ng kontrol kanina.
"Sino ka ba?!?" Tanong ko sa boses na kumakausap sa akin.
"Sa tamang panahon, Adriane, malalaman mo rin. Haha!" Sabi nito at sabay halakhak.
Bigla akong nawalan ng kontrol sa sarili ko. Bigla akong nagliwanag. Nakakasilaw na liwanag.
Nabalot ako ng iba't ibang kulay ng liwanag. Lumutang ako habang nagbabago ang aking kasuotan. Ang suot ko ay naging isang long gold gown na punong-puno ng glitters. My eyes turn into rainbow orbs. The color of hair my turn into rainbow colors.
Nawala lahat ng sakit ng katawan ko. Humilom lahat ng aking mga sugat. Bumalik muli ang aking lakas.
"I'll finish this" sabi ng boses ng babae. I felt shiver by the way she said those words.
3rd Person's POV
Gumawa ng illusion shield si Adri upang hindi makita ng ibang tao ang kanyang gagawin.
She summon her Bloody Katana and empower it with her dark power.
She make herself invisible and attack the enemies from their back and she instantly killed them.
'Finish' sabi ng boses at bumalik na sa dati si Adri. Biglang siyang nahimatay. Agad namang bumaba ang principal, Ms. Faith, at ang Libra Sibling. Binuhat ng magkapatid na Libra si Adri at dinala sa clinic.
Nagulat ang lahat ng makita nila si Adri na buhat-buhat ng Libra Sibling at walang malay.
Althea's POV
Oh Em! Si adri she's walang malay. Sasabihin ko na sana to kay nicole ng bigla siyang nag-salita.
"Don't bother to state the obvious, Althea. Let's go" sabi niya. Napa-pout na lang ako dahil sa sinabi niya. Meanie!
Naglakad na kami patungo sa clinic. Sana okay lang si Adri. Ng makarating kami sa clinic ay nakita namin si Adri na nakahiga at pinupunasan ni Nurse CJ.
"Kayo pala, Princess Althea and Princess Nicole" sabi ni Nurse CJ. Napa-simangot kaming dalawa ni Nicole dahil sa tinawag sa amin ni Nurse CJ.
"Ate CJ naman eh! Sabi namin sayo Althea tsaka Nicole na lang!" Naka-pout na sabi ko. Si ate CJ naman ay parang natatawa.
"O siya, siya! Kayo muna ang bahala dito sa kaibigan nyo. Pag nagising siya ibigay mo sa kanya tong candy medicine." Sabay abot sa amin ng limang candy medicine.
"Sige po, Nurse CJ. Kami na po bahala dito" sabi ni Nicole.
"Sige aalis muna ako at may kukunin lang ako sa stock room" sabi ni Nurse CJ at umalis na. Umupo kami sa upuan sa tabi ng bed ni Adri.
"Kailan kaya magigising si Adri?" Tanong ko kay nicole at ang bruha binatukan ako bigla.
"Aray! Friend nakaka-ilan ka na!" Naka-pout na sabi ko.
"Kung maka-tanong ka kasi parang na-comatose yung tao." Sabi niya at nag-roll eyes.
"Hmp! Dyan ka na nga!" Sabi ko sabay tayo.
