Adriane's POV
This is the day of our mission. Haayys!
Nandito kami sa bukana ng akademya. Wat Da Hek? Di me sanay sa deep na tagalog. Why so conyo? Hehehe serious na.
"Alalahanin ninyo mapanganib ang Dark Mansion. Maging alerto kayo." sabi ni HM.
"Opo HM. Salamat po!" sabi namin.
Nagsimula na kaming maglakbay.
Makatapos ang ilang oras.
"Hoy! Kabayong Bakla! Bumalik ka dito!" ayan nanaman po sila.
Nakaka-inis na talaga yang dalawang yan ang ingay ingay--- wait!
"Guys may naririnig ba kayo?" tanong ko sa kanila.
Huminto sila sa pagkukulitan at nakiramdam sa paligid. Nakikiramdam kaming lahat sa paligid. Biglang may lumitaw na Serpents, Dragons, Fairies, Giant Golems, and Pegasuses. Inilabas ko ang monsterdometer ko. Ang lima sa kanila ay guardian. Ang Serpent Guardian, Dragon Guardian, Fairy Guardian, Giant Golem Guardian, and Pegasus Guardian. Pumunta ang limang Guardian sa akin. Nag-summon na ako ng monster.
"I summon you ultimate fusion Dragon, Serpent, Gumiho, Giant, and Lion" pagkatapos ko sabihin yun lumabas ang mga mix colored na monsters. Bakit siya mix color? Dahil yun sa mga naconsume ko na gems, mas dumami yung kulay na pwedeng issummon ko. Tumulong din ako sa mga monster ko sa pamamagitan ng pag-cast ng spell. After ilang minutes natapos na ang laban at kinolekta namin ang mga gems. Kinunsume ko agad ang mga gems. And they are now my guardian.
Althea's POV
Tapos na ang laban namin at kinolekta na namin ang mga gems. Pinanuod na namin si Adri makipag-laban. Grabeh ang graceful niya gumalaw tapos yung mga monster niya ang gagaling. Natapos niya na ang laban at may napansin ako sa gems niya.
"Cobby diba yun yung gems ng mga guardian?" tanong ni Richard kay Cobby. So tama pala ang hinala ko. Tumango lang si Cobby.
Nagpatuloy ang aming paglalakbay. Nakarating na kami sa sentro ng Gubat. Pero nasan ang mansion?
"Guys sure ba kayo na dito yun?" tanong ko sa kanila. Tumango naman sila.
"Guys ayon sa aklat na nabasa ko hindi naman daw talaga mansion yung Dark Mansion isa itong Dungeon" sabi ni Adri.
"Saan naman ang lagusan papunta sa dungeon?" tanong ni Nicole
"Sa batong iyon." sabi ni Adri habang nakaturo ang daliri sa isang bato.
Pumunta kami sa tapat ng bato. Hinawakan ni Richard ang bato.
"Hindi ito ordinaryong bato. Isa itong batong may mahika" pahayag ni Richard. Hmmm pano naman iyan mabubuksan?
"Well, mabubuksan lang natin yan kung nandito ang Ultimate Spell Book. Kaso hindi na nga iyon nakita eh." sabi naman ni Caira.
"Guys ito ba yung hinahanap niyo?" hinalungkat ni Adri ang kanyang bag at ipinakita ang isang libro. Nagulat ako, wait, let me rephrase that nagulat kami.
"PANO NAPUNTA SAYO ANG ULTIMATE SPELL BOOK!?" sigaw na tanong naming lahat maliban kay Cobby.
Adriane's POV
"PANO NAPUNTA SAYO ANG ULTIMATE SPELL!?" sigaw nila sa akin. Huhuhu basag na ang eardrums ko.
"Kailangan talaga sumigaw?" tanong ko sakanila.
"Sarreh naman! O paano na nga?" tanong sa akin ni Alet.
"Binigay siya sa akin nung babae sa antique shop." sabi ko sa kanila.
"Aahh so anong spell ang gagamitin?" tanong ni Reynand
"Wait lang." sabi ko sa kanya. Hanap hanap hanap hanap wait ay hindi pala hanap hanap hanap ito!
"Guys nahanap ko na!" sabi ko wa kanila
"Gawin mo na." cold na sabi ni Cobby. 'Gawin mo na blahblah' Kala mo kung sino. Humarap ako sa bato.
"Open specum porta de dunjun" pagkasabi ng pagkasabi ko ng spell ay nahati ang bato at nakita namin ang isang mahabang hagdan.
"Ako na ang mauuna" walang kaekspresyong sabi ni Cobby at naglabas ng isang bolang apoy. Nauna na silang pumasok at nasa hulihan ako. Gumawa ako ng Light ball para maging ilaw ko. Nakiramdam kami sa paligid. Ng makababa ay nakaramdam ako ng presensya. Isang demon.
"Lumabas ka dyan." sabi ko ng walang partikular na patutunguhan.
"Adri ano bang sinasabi mo dyan? Wala na---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Vladimir ng biglang lumabas ang demon. Linabas ko ang aking monsterdometer. Ayon dito isa syang Shadow demon. Ibig sabihin malakas siya. Magiging maganda to!
"Guys magready kayo--" bago pa man maituloy ni Cobby ang kanyang sasabihin ay natumba na ito at nakatulog. Sunod- sunod silang natumba hanggang sa kaming dalawa na lang ng Demon. Ito ang tinatawag na 'Nightmare Technique' kung saan makakatulog ang biktima at makakaranas ng isang bangungot na kala mo ay totoo.
"Nakakamangha may nakaligtas sa aking technique" nakangisi niyang sabi. "Ngunit kahit hindi ka tinablahan niyon ay papatayin pa rin kita."
Ngumisi ako at sinabi ang mga katagang ito. "Kung kaya mo."
Nainis siya sa sinabi ko at nag-transform sa Ultimate form nito. Hindi man lang ako natinag. Naglabas siya ng dark ball at ibinato papunta direksiyon ko ngunit sinalo ko lang ito at ibinato papunta sa direksiyon niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya naka-iwas. Natamaan siya sa balikat at nasugatan ito.
"Paano mo iyon nagawa bata?! Ginagalit mo talaga ako!" gumawa siya ng maraming dark shurikens, balls, daggers, katana, at needles. Kala niya hindi ko napansin ang mga needles. Utot niya! Binato niya lahat sa akin ng sabay- sabay. Ang iba ay sinasalo ko at ibinabalik sa kanya at ang iba naman ay iniiwasan ko lang. Huminto na ang pagbato ng mga dark weapons. Tinignan ko siya, madaming galos, sugat, naliligo sa sariling dugo na kulay itim, at may tama sa ulo at puso ng daggers. Nawala siya at nahulog ang isang dark gem. Itinago ko muna ito sa bag. Since thirty-minutes pa bago sila magising at wala akong magagawa naglibot muna ako at nag-hunting ng monster. Makalipas ang ilang minuto ay marami na rin akong nakulektang dark gems. Ang mga nakalaban ko ay either Boss or Ultimate kaya ganun kapanganib ang Dark Mansion but not for me. Isinilid ko lahat ng gems sa bag at nagpunta na sa puwesto nila kanina. Saktong pagkadating ko ay nakita kong nagigising na sila.
