Adri's POV
Nang makapunta kami sa Light Forest ay nagtayo ako ng tent at pinasok sila sa loob. Isang tent na malaki ang ginawa ko na kasya ang 25 katao. After ko silang ipasok sa loob ay lumabas ako at nagpunta sa lawa na malapit lang sa tent. Nanghuli ako ng isda dahil nagugutom na ako. After that ay gumawa ako ng bonfire at niluto ko yung isda. Tatlong pong isda ang niluto ko dahil alam ko pagod sila kinain ko na yung sampo sa isda. PG lang? Hindi ah ako lang kaya yung lumaban kanina tinulugan lang nila ako. Lumabas na sila at takam na takam sa isda.
"Ikaw nagluto niyan Adri?" tanong ni Allia
"Hindi Allia ikaw ang nagluto niyan nakikain lang ako." sarkastikong sabi ko sa kanya napa-pout na lang siya.
"Wait, pano na yong misyon natin?" tanong ni Jake.
"HALA!! OO NGA!! FIRST MISSION NATIN TAPOS FAILED!!!!" histerikal na sigaw ni Alet.
"Aahh.. Guys---" pinutol ni Nicole ang sasabihin ko.
"Pano na yan???? Baka madisappoint sa atin si HM???" Histerikal din na sigaw ni Nicole.
"Kasi guys---" naputol ulit yung sasabihin ko.
"Ano na lang sasabihin natin kay dad???" Histerikal na tanong ni Caira. Nag-panic na silang lahat.
"Saglit lang kasi! May sasabihin ako!!" sigaw ko sa kanila at natigil naman sila sa pagiging aligaga.
"Alam niyo kasi---" naputol yung sasabihin ko.
"Hindi namin alam." mahinahong sabi ni Richard.
"Alam niyo kasi---" naputol ulit yung sasabihin ko.
"Hindi nga namin alam." sabi ni Nicole. Hindi ko siya pinansin.
"Alam niyo kasi nakuha ko na yung kailangan natin." sabi ko sa kanila. Nanlaki yung mata nila.
"Waaaahh!!!! Talaga??? Bakit hindi mo sa amin sinabi agad???" tanong ni Jake. Binatukan ko siya.
"Paano ko sasabihin sa inyo hindi niyo nga ako pinapapasali sa usapan niyo." sabi ko sa kanya.
"Nasan na yung mga gamit?" tanong sa akin ni Cobby.
"Nasa bag ko." sabi ko sa kaniya at tumango lamang siya. Nag-simula na silang kumain. Nang matapos sila ay nag-kwentuhan pa kami. Nang malalim na ang gabi ay pumasok na kami sa tent at natulog na.
KINABUKASAN
Hayy buhay parang pag-rotate ng earth di mo kayang pigilan. Hehe whogoat! Eto kami pabalik na sa Academy. Actually pwede naman kaming mag-teleport pero sabi nila maglakad na lang daw para exercise na rin. Kaya ito kami at pagod na pagod. Hayz! Hehe...
Andito kami ngayon sa YinYang Forest dito nakatira ang mga Dark at Light Monster. Naglalakad kami ng bigla kaming nakarinig ng kaluskos. Naging alerto kami. Biglang may lumabas na YinYang Cat. Kinuha ko ang monsterdometer ko at itinapat sa kanila. At nagulat ako sa information na nakalagay sa screen.
Info.:
Name: YINYANG CATS
Type: Super Ultimate Class
Description: They are the Demon and Angel Cats. The black one is the Demon Cat and the White one is the Angel Cat. Beware they are exetremely dangerous.
"Ang kyut!!" akmang lalapit si alet ng pigilan ko siya.
"Don't be decieved by their cuteness, they can kill you in a snap kung gugustuhin nila." sabi ko sa kanya at bigla siyang natigilan. I mean lahat sila. Nagulat ako ng magsalita ang Demon Cat.
"Meow meow meow meow" sabi ng pusa sa akin. Pano ko nalaman? Well naiitindihan ko sila.
(Ita-translate ko na lang po sa Human langguage)
"Hindi na kayo makakalabas ng buhay dito"
"Weh?? Di nga! Behlat mo!" sabi ko sa kanya through my mind.
"Wag kang mag-alala bata. Magiging madali lang to!" sabi naman ng Angel Cat. Diba dapat pag angel mabait?
"Naku! Hindi nila pwedeng makita yung powers ko!" sabi ko sa sarili ko. Nagliwanag ang mukha ko ng may maalala ako. Ibinuka ko ang palad ko at may lumabas na golden dust doon. Hinihipan ko ito papunta sa mga kasamahan ko at nakatulog sila. Hehe lagi nalang silang tulog.
Inibabas ko ang Dark Medusa ko. Nakita kong nagulat sila. Well hindi ko sila masisi tanging pinakamalakas lamang ang nakakakuha sa dark Medusa.
"Paano mo nakuha ang Dark Medusa?" tanong sa akin ng Dark cat.
"Eh kung ayaw kong sabihin? Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanila.
"Wala kaming choice kundi patayin ka." nakangising sabi ng Angel.
"Kung makaya niyo." sabi ko sa kanila habang nakangisi ng nakakatakot. Halatang natakot sila. Well, sino nga bang hindi matatakot sa ngisi ng pinakademonyo sa lahat ng demonyo?
Sumugod sila sa akin at umiwas lang ako at ang dark medusa. Nag-transform sila sa first form nila o ang pinaka original form nila. Nagkaroon ng itim na pakpak ang Angel cat at puti naman sa Demon cat. Umatake ang Angel cat gamit ang kanyang poisonous feather. Ngunit madali ko lamang itong naiwasan. Ngayon naman ay tumira ang Demon Cat gamit ang kanyang Super Sonic Sound kung saan naglalabas siya ng sobrang lakas na sound na halos mawalan ka ng tainga pag narinig ito. Ginamit ko ang Super Barrier ko nakuha ko to Ultimate Spell Book.
"Tapos na ba kayo? Ngayon ako naman!" nang-aasar na sabi ko sa kanila.
Ginawa ko silang bato. Akmang dudurugin na sila ng Dark Medusa ng pigilan ko siya.
"Stop." yun lang yung sinabi ko at naglakad patungo sa YingYang Cats. Hinigop ko ang kapangyarihan nila at bigla na lang naglaho ang katawan nila at naiwan ang dalawang Orbs. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ang orbs na ito ay nagsisilbing eggs na pwedeng lumaki at maging katulad din nila at pwede mo rin itong gawing pet. Kinuha ko na yung orb at ipinasok sa bag.
Naglakad ako pabalik sa kanila at nag-teleport papuntang academy. Idineretso ko sila sa clinic dahil sa minor na sugat na natamo nila nung naglaban lami ng yingyang cats. Ako naman ay dumiretso sa Office ni HM. Binigay ko na sa kanya ang mga gamit na pinakuha niya sa amin at hindi ipinaalam ang mga bagay na kinuha ko doon. Hehe.
Pagkatapos kay HM ay dumeretso na ako sa dorm at naligo at natulog. Bukas ko na lang ii-explain yung dorm namin.
