Adri's POV
"Itakas mo siya Maxxine!" sabi ng lalaki sa isang babae na lumuluha.
"Hindi kita kayang iwan Francis." lumuluhang sabi ng babae na nagngangalang Maxxine.
"Mahal ko, kayanin mo para sa anak natin." sabi naman ng lalaki na nagngangalang Francis.
"Osige. Kung iyan ang iyong hiling." Pinahid ni Maxxine ang kanyang luha at unti-unting tumalikod ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay hinatak siya ni Francis at sinakop ang labi ng babae. Unti-unting humiwalay si Francis kay Maxxine at yinakap muna ito bago tuluyang bitawan.
"Mag-iingat ka, mahal ko" sabi ni Francis at tuluyang binitawan si Maxxine.
"Pangako iyan mahal ko. Sabay tayong mamatay" sabi ni Maxxine at tumalikod na habang karga ang anak. Isang napakagandang batang babae ang anak nila. Mahimbing na natutulog at wala pang alam sa mundong ginagalawan. Walang alam sa giyerang nangyayari. Walang alam sa lahat.
Pumunta sa gubat si Maxxine at nagbukas ng portal.
"Open de porta y mortal" sabi niya at biglang nagkaroon ng pabilog sa harapan nila. Pumasok si Maxxine at ang kaniyang anak at bumungad sa kanila ang magandang hardin. Inilagay ni Maxxine ang bata sa isang lugar sa hardin at gumawa ulit ng portal pabalik sa kastilyo.
Nadatnan niya ang kanyang asawa habang nakaluhod sa harap ng isang babae.
"Sabihin mo sa akin kung nasan ang bata!?!?!" galit na sigaw ng babae kay Francis.
"Wala akong alam sa sinasabi mo" nahihirapang sabi ni Francis.
