Adriane's POV
Andito kami ngayon sa office ni HM.
"Bes paano ka nakapunta dito?" tanong sa akin ni Alet.
"Ewan nga eh. Pinalipat na lang ako bigla nila Mommy. Eh kayo bat kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
"Dito talaga kami nagaaral nagkaroon lang kami ng mission kaya nagpunta kami sa mortal world." sabi ni Nicole.
Tahimik lang kami sa loob nagpapakiramdaman. Idescribe ko na lang sila para malibang ako.
Si Allia ay medyo matangkad mga 5'4, may kulot na buhok, kulay gray na mata, maputi, makinis, pink lips and rosy cheeks.
Si Vladimir matangkad mga 6'1, blond hair, hazel eyes, red lips, masculine na body halatang nagg-gym at maputi.
Si Caira Maputi may wavy na buhok na kulay red, makinis na balat, dark black na eyes, medyo matangkad mga 5'5 at red lips.
Si Reynand matangkad mga 6'3, maputi, sexy lips, emerald green ang mata at slim ang katawan.
Si Mikka Black hair, white complexion, blue eyes, basta maganda.
"Goodmorning young ladies and young men" sabi ni HM.
"Goodmorning too, HM" bati din namin sa kanya.
"Bakit niyo ho ba kami pinatawag?" sabi ni Mikka na parang naiinip.
"I want you to know na kayo ang pumasa para sa S+ class" sabi ni HM lahat sila ay poker face lang ako lang ata ang nagulat.
"Yun lang ba?" bored na tanong ni Jake.
"No. You're going to a mission. Here is the information." HM handed us a folder.
"And your gems are in your dorm. Here are your stuff, these includes your dorm key, books, your monthly allowance, and the prize you won in the test etc. You may leave now except Ms. Lorrof." HM handed us again a box. Lumabas sila sa office at naiwan akonsa loob.
"Ms. Lorrof i want you to hide your true powers when you are in the academy or when you are with someone" diretsong sabi sa akin ni HM.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko kay HM.
"Hindi ba sayo nanggaling ang napaka-lakas na aura na iyon?" Takang tanong niya rin sa akin.
"Ano pong aura? Pasensya na po kayo pero hindi ko alam ang sinasabi ninyo." Sabi ko kay HM.
"Ganun ba? Maaari ka ng umalis, Ms. Lorrof." Sabi niya na parang hindi pa rin nakukumbinsi.
Lumabas na ako ng office at nakita ko sa labas ang dalawa kong bestfriend. Naglakad na kami patungo sa dorm habang nagkwe-kwentuhan. Bawat dorm ay may apat na students. And to my luck, kasama ko sa dorm ang dalawang bes ko.
Pagkapasok namin sa dorm nadatnan namin si Caira na umiinom ng kape.
"Hello ate scarlet, at nicole, and?" tanong niya sa akin.
"Adri na lang." sabi ko naman.
"Ako nga pala si Caira Rune. Ano nga pala ang totoo mong pangalan ate?" tanong niya ulit sa akin.
"Oo nga Adri sa tagal nating magkasama hindi pa namin alam ang totoong pangalan mo." segunda naman ni Alet.
"Ahhm... It's Adriane Loraine Kendra Andrea Keith Amethyst Mcgrove-Lorrof." sabi ko napanga nga naman sila.
"Magsabi ka nga ng totoo nung pinganak ka ba may contest ba na pahabaan ng pangalan?" tanong ni Alet kaya binigyan siya ng major major batok ni Nicole.
"Girls maligo na kayo kasi bibili pa tayo ng mga supplies para sa mission" sabi ni Caira.
Pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto at naligo na. Habang nagpapatuyo ng buhok binasa ko yung mission namin.
Mission:
Retrieve the following items:
Golden Mirror- it is a future teller it can also answer your question
Emerald Gemstone- this gemstone came from a powerful monster it can revives life
Location:
@ the center of the Dark Forest you will find a mansionPagkatapos kong basahin ay kinuha ko na yung mga gems at iisa kong kinunsume ang mga gems. Madali lang naman mag-consume ng gem. Kailangan mo lang iconsentrate yung energy mo sa gem at higupin ito pabalik. Ginagamit ito upang palakasin pa ang iyong kapangyarihan.
Lumabas na ako dala ang isang Backpack na hindi pangkaraniwan. Pagkalabas ko ay nasa labas na din sila. Naglakad kami patungo sa Center City.
Andito kami ngayon sa boutique na para sa armor bumili lang ako ng cloak na may hood sa kanila naman ay light armor. Sunod naman ay potion bumili ako ng health and energy potion sa kanila hindi ko alam. Sunod naman ay food bumili ako ng chocolate hehe tsaka mga instant food. Next is the Antique shop ewan ko nga sa kanila kung bakit dito eh. May librong nakapukaw ng pansin ko ang Ultimate Spell Book kinuha ko siya at nagulat ako ng biglang nagliwanag ito.
"Mukhang nakahanap na ng amo ang mahiwagang libro." sabi ng matandang babae na nagbabantay sa tindahan.
"Huh?" takang tanong ko.
"Halika iha at may ibibigay ako sayo." naglakad siya pagkatapos sabihin iyon. Huminto kami sa pinaka-dulong bahagi ng shop. Nagbigkas siya ng spell.
"Open Sesame"
Biglang nahati ang book shelf. Pumasok kami sa loob. May kinuha siya at pagkaharap niya may dala siyang kwintas at isang wand.
"Ingatan mo ito iha." sabi ng matanda.
"Bakit niyo ito ibinibigay sa akin?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil ikaw ang pinakamakapangyarihang sorceress. At pinili ka ng libro." sabi niya.
"Para saan naman po ito?" takang tanong ko pa din dito.
"Makakatulong iyan para sa misyon mo." sabi niya. Kahit nagtataka ay tumango lang ako. Lumabas na kami sa silid na iyon ng may biglang may nagsigawan.
"Aaaaaaahhhhhhhh!" sigaw ng isang babae. Napatakbo ako sa labas at nakita ang isang crystal dragon itim ang mata nito. Isa lang ang ibig sabihin na ito may kukontrol sa kanya. Sinugod ako ng Dragon umiwas lang ako ng makahanap ako ng tiyempo ay nagcast ako ng spell.
"Lectum Spectrum!" ang spell na binanggit ko ay isang fatal spell kung saan pagnatamaan ka nito ay mamatay ka agad. Kinuha ko na ang gem at inilagay sa bag.
Pagkatapos ng gulo ay umuwi na kami. Naligo muna ako bago nahiga sa kama ko. Haaayyyss sana maging maayos lang ang mission namin bukas.
