Adri's POV
"Aaaaaahhhhh" sigaw ko dahil nahuhulog ako mula sa langit. Isinummon ko ang dragon guardian ko at nasalo niya ako. Lumipad kami patungo sa itaas. May nakita akong kaharian na nakalutang. Ang Air Kingdom. Nagtungo ako duon at nakita ko agad sa sentro ang Aira Sakura. Pumunta ako doon ngunit nabigla ako ng gumalaw ang Cloud. Dito nakapatong ang Air Kingdom. Gumalaw ng gumalaw ang cloud at nagbuo ito ng isang pigura. Inilabas ko ang monsterdometer ko.
Info:
Name: Unknown
Other Info: Unknown
"Ako si Aria. Isang Air Dragon" sabi ng dragon.
"Ano pong kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa dragon
"Alam kong malakas ka kaya hindi na ako makikipag-laban sa iyo." biglang naglaho ang dragon at nadagdagan ang pendant ng necklace ko. Kumuha na lamang ako ng branch ng Aira Sakura. Nag-iba ulit ang setting.
Nandito ako ngayon sa Terra Forest. May nakita akong Sakura Tree. Kumuha ako ng branch na iyon at biglang may sumulpot na isang dragon.
"Ako si Terro. Ako ang Terra/Earth Dragon. Upang hindi na magtagal ay ibibigay ko na sa iyo ang iyong kailangan." Biglang nawala ang Dragon at nadagdagan ng pendant ang kwintas ko. Nag-iba ulit ang senaryo.
Ngayon ay masa gilid ako ng isang lawa. At kitang- kita dito ang puno ng Water Sakura Tree. Naka-locate ito sa gitna ng lawa at napapa-libutan ng Water Acid. Kapag natamaan ka ng water acid ay agad itong kakalat sa katawan mo at tutunawin ka.
Pinalabas ko ang pakpak ko na itim at puti. Lumipad ako ng mataas upang hindi mahagip ng water acid. Nakarating ako sa gitna at kumuha ng isang branch ng puno. Pagkatapos ko iyong gawin ay napalitan ng mahinahon na tubig ang water acid. At lumitaw dito ang isang dragon. Magpakilala siya at na2ala din bigla at nadagdagan ulit ang pendant ng kwintas ko.
Nag-iba ulit ang paligid at nandito ako sa Lava Forest. Tinawag daw itong lava forest dahil maiinit dito at minsan ay bumabaha ng lava. Kumuha ako ng branch ng Fire Sakura Tree ng biglang may lumabas na dragon at inatake ako. Lumaban ako at natalo ko siya. At nadagdagan ang pendant ng kwintas ko
Makalipas ang ilang oras at nandito na ako sa Fairy land. Ito ang lugar ng lahat ng fairy. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makita ko ang isang rainbow Sakura Tree. Ito na ang pinaka-huli sa lahat ng kailangan kong Tree Branch. Kumuha ako ng isang branch at isinilid sa bag ko. Biglang lumabas ang isang fairy with a gold wings.
"Ako si Queen Eliza. Ako ang namamahala sa Fairy Land." sabi ng babaeng fairy sa harapan ko.
"Ako naman po---" naputol ang sasabihin ko.
"Alam ko. Ikaw si Adriane Lorrof. Ang nagtataglay ng hindi kilalang kapangyarihan" sabi ni Queen Eliza
"Huh??" tanong ko hindi ko kasi narinig yung huli niyang sinabi.
"Wala iyon, bata. Ibinibigay ko sayo ang kahulihulihan sa lahi nila. Ang Goddess Fairy, walang nakakaalam kong ano ito, maliban sa mga pinagkakatiwalaang fairies, mga gods and goddesses, at ikaw. Ipinagkakatiwala ko ang Goddess Fairy sayo." Biglang lumabas ang isang Pink na Fairy. Kakaiba siya sa lahat ng fairy dahil mayroon siyang Malalaking pink wings at sa baba nito ay may pinaghalong white and dark wings. Ito yung parang pakpak ko kanina. Lumapit ito sa akin at tuluyan kong nasilayan ang kaniyang mukha. Namangha ako sa kaniyang bahagharing mata. Nakaka-aliw itong tignan.
Mas lumapit ito sa akin at napansin ko ang mga simbolo na naka-ukit sa kanyang pink na pakpak. Tumigil ito sa harapan ko. Kasing laki lang siya ng palad, maputi, may matangos na ilong, mapulang labi, baling-kinitang katawan, at makinis na balat.
"Ako nga pala si Akemi Zemasuki. Isang Goddess Fairy." sabi niya with her super dupah cute voice.
"Ako si Adriane" sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin kaya ginantihan ko din siya ng isang ngiti.
"Makakabalik ka na ngayon bata." sabi ni Queen Eliza. Nagkaroon ng liwanag kaya napa-pikit ako at ng mawala na ang liwanag ay binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang maraming punong naka-palibot sa akin. Ngayon ay nasa pusod ako ng gubat. Biglang lumiwanag. Napapikit ako at ng buksan ko ang aking mata ay may nakita akong maraming fairies ang nakapalibot sa akin. At nakita ko rin ang Goddess Fairy.
"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.
"Kami ang iyong mga fairies" sabi ng isang fairy na may blue na pakpak.
"Akala ko ba isa lang ang fairy ng isang charmer chuchu?" tanong ko sa kanila.
"Ganun din ang akala namin. Ngunit nagkamali kami. Dahil may isang bata din ang nagtaglay ng dalawang fairy. At ikaw naman ay nagtataglay ng lahat ng fairy at isang Goddess Fairy." sabi ng isang fairy na may white na pakpak.
"Kamangha-mangha ang isang katulad mo. Isa kang maka-pangyarihan. Ngunit hindi namin matukoy kung anong kapangyarihan iyon." sabi naman ng isang fairy na may black na pakpak
"Huh? Hindi ko po kayo maintindihan. Ano pong makapangyarihan ang sinasabi ninyo?" takang tanong ko sa kanila
"Wala kang dapat intindihin iha. Isang paalala lang hindi mo dapat sabihin na marami kang fairy na na-tamed. Si Dark at si Light lang ang ipapakilala mo as fairies. Okay?" tanong sa akin ng fairy na naka- gray at tumango lamang ako bilang sagot.
"Ngayon uulitin mo ang sasabihin ko upang maging isa kaming lahat ng fairy. Ilosutos Demistremos Kisadra Faira Isa" sabi ng isang fairy na naka-violet. Ibinigkas ko rin ang spell na sinabi niya. Biglang nagkaroon ng ibat-ibang liwanag. Ng mawala ang liwanag ay nakita ko ulit ang lahat ng fairy ngunit may bago silang kasama isang fairy nahalo-halo ang kulay ng pakpak at may iba't- ibang kulay ng bato sa damit nito. Napansin ko rin na nadagdagan ng pendant ang kwintas ko.
Nagpaalam na sa akin ang mga fairy at naiwan sila Dark at Light. Ginawako na ang aking wand ngunit gumawa din ako ng isang wand na gawa sa Oak Tree. Ang ginamit kong gemstone sa aking mga wand ay Ultimate Gemstone na galing kay Queen Eliza.
Bumalik na ako sa Bukana ng Gubat at nakita ko sila Nicole na masayang nakikipag-laro sa kanilang mga fairy. Pinuntahan ko sila at masayang binati.
"Hi Guys" bati ko sa kanila
"Uy ikaw pala Adri. Tara na umuwi na tayo may klase pa bukas." sabi ni Nicole at naglakaran na kami patungo sa dorm.
"Ang ganda niya no!" sabi ng Fairy ni Alet
"Oo nga! Ang puti pa!" gatong naman ng fairy ni Nicole
"Salamat sa papuri" sabi ko naman sa fairy nila Nicole at Alet
"Naiintindihan mo sila Adriane?" tanong sa akin ni Caira
"Oo, bakit may problema ba?" tanong ko naman sa kanila
"Wala" nagpatuloy kami sa paglalakad at pumasok na sa dorm namin at nahiga.
Sana maging maayos bukas........
