Chapter 12

6K 285 2
                                        


Adriane's POV

*yawn* *yawn*

Ito ako nakahiga sa aking kama at mulat na mulat ang mata hindi pa rin ako makatulog. It's already six kaya bumangon na ako at nag-ayos. Sinuot ko na ang uniform namin. Wng uniform namin ay isang blouse na white na may lining ng black and red at isang skirt na 1 inch above the knee, long sock, black shoe, at isang cloak na white. Magbabago lang ang kulay ng cloak namin pagkatapos ng monthly examination. Dinedetermine ng kulay ng cloak namin ang powers/charms chuchu namin. Kinuha ko na ang Glasses at bag ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko din sila na nag-aayos. After nilang mag-prepare ay lumabas na kami. Marami din kaming nakasabay. Pinagtitinginan kami at saka bubulong ng mga negative comments like 'bakit kasama ng mga princess ang isang nerd?' 'Ang ganda na sana nila tingnan kung wala lang isang pangit na nerd' at marami pang iba. Hinayaan ko na lang sila at hindi pinansin. Nagtungo kami sa dining hall at umupo sa may bakanteng lamesa.

Maraming tao ang naririto ngayon. Iba't ibang section at level. Sa eskwelahan na kasi na ito ay may apat na level. Ang First Degree/Beginners/Freshman kung saan kami napapabilang, Ang Second Degree/Sophomore kung saan napapabilang ang mga nag-level up na beginners, Ang Third Degree/Junior kung saan napapabilang ang mga charmer na kayang kontrolin ang mga charm, at ang Last Degree/Senior kung saan napapabilang ang mga malalakas na estudyante dito sa academy. Ang section naman ay nahahati sa tatlo. Ang Common Charm kung saan napapabilang ang mga common na charm like floating, Ang Support Charm kung saan napapabilang ang mga estudyanteng kayang manggamot at gumawa ng barrier, Ang High Class Charm kung saan napapabilang ang mga kayang kumontrol sa element at iba pang unique powers like Future teller, time travelind and also yung mga dangerous powers like Dark Charm. Biglang lumitaw ang isang lalaki na i think is mid 30's.

"Good Day Everyone!" panimulang bati niya na nakakuha ng atensyon ng lahat "Principal Dim, ako ang inatasan ni Headmaster na mag-assist sa inyo dahil may mahalaga siyang gagawin" sabi niya at may inilabas na papel.

"Naka-saad sa papel na ito ang mga rules and regulations at yung penalty. First Rule, Don't use magic when you are not permitted to do so. Second Rule, Always wear your uniform. Third Rule, Always follow the First and Second Rule. The penalty for first warning is one day magic sealed, second warning is one week magic sealed, third warning is one month magic sealed, and the fourth and the last warning one year or permanent magic sealed. Enjoy your meal!" sabi ni Principal Dim at umalis bigla.

Isinerve na yung pagkain at tahimik kaming kumain. Walanv umiimik ni isa sa aming lahat. Nakaka-awkward yung silent atmosphere. Nabasag ang katahimikan dahil sa malakas na pagbukas ng pinto.

*BBOOOOGGGSSSHHH*

Naglakad ang tatlong lalaki na parang hari at pumunta sa table namin. At umupo agad naman silang pinagsilbihan at nilagyan ng pagkain. Nakatunganga pa rin lahat ng tao habang nakatingin sa tatlong lalaki. Biglang nag-salita si Cobby.

"If you keep staring i'll burn you to death" sabi niya gamit ang malamig na boses. Agad nag-iwas ng tingin ang lahat at bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Nagsimula na ulit umusbong ang nakaka-binging katahimikan at nagsimula na ulit kaming kumain. Ng matapos ay pumunta na kami sa section namin. Kami ay High Class Section. Tahimik na na-upo. Katabi ko ngayon si Nicole at Alet. Nagsimula ng mag-open ng topic si Nicole.

"Balita ko sa Friday na daw yung ID Forging and ngayon daw ang fairy training" sabi ni Nicole

"Oo nga eh! Kinakabahan na ako kasi this week daw ay magt-training lang tayo, wala muna daw lesson" sabi ni Alet. Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

"Buti nga at pinag-training tayo eh." sabi ni Nicole

"Nic, about doon sa fairy training anong gagawin doon?" tanong ko kay nicole

"Isusummon natin ang fairy natin at sila ang tutulong sa atin sa training" sabi ni Nicole

"Hey guys, sabi ng isa nating classmate na si Ms. Menopause daw ang teacher natin" sabi ni alet na parang malungkot

"Talaga!?!!!" sabi ni Nicole at tumango lang si alet. Nagsimula na silang mag-fake iyak at fake sobs.

"Huhu! Impyerno nanaman ang taon ko!" emotional na sabi ni Alet.

"Guys? Ang OA niyo ah. Parang teacher lang kala niyo ililibing na kayo ng buhay." sabi ko sa kanila

"Ay nako Adri! Kala mo lang!" sabi ni Nicole at umayos na ng upo. Umayos na din ako ng upo. Naramdaman ko ang isang aura na nakakatakot at napakalakas. Kinabahan ako kasi papunta ito sa direksyon namin. Lumapit na lumapot ang aura na iyon at ang mga classmate ko naman ay parang umiiyak na. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang napaka-gandang babae. Bumulong ako kay Nicole.

"Yan na ba yung teacher natin?" bulong ko kay Nicole at tumango lang siya biglang nag-salita yung babae sa harap.

"Okay, Goodmorning class, I am Ms. Joannah. I am your adviser for the whole year and your P.E. and your Magic Teacher. So i expect that you'll behave in my class and one more thing i don't like Noisy student. Do you understand?" sabi ni Mam. Konti lamang kaming sumagot at yung iba ay nasa state of shock pa rin.

"Do you understand!?" medyo tumaas yung boses ni Ms. Joannah

"Yes Miss Joannah!" sagot naming lahat

"I want you to call me Master Joannah and introduce yourself from the front to the back" sabi ni Master Joannah at nagsimula na silang mag-pakilala. Hindi ako nakinig dahil kilala ko na silang lahat. Natapos na silang magpakilala lahat at ako na lang since ako ang nasa pinaka-likod. Naglakad ako papuntang harap.

"Ako si Adriane Lorrof. Hope we can be Friends." sabi ko at maglalakad na sana ng biglang may nagtaas ng kamay. Kasama daw ito sa introduction ang Question and Answer Portion chuchu.

"Yes Ms.?" tanong ni Master Joannah

"Crizzen. What is your charm?" tanong niya sa akin

"Dark and Light." walang pakundangang sabi ko na ikinabigla nila. I know hindi pwede magsama ang Light and Dark charm sa iisang charmer. Naglakad na ako pabalik sa aking upuan at umupo ng maayos. Makalipas ang ilang segundo ay nakabawi di si Master sa pagka-shock.

"Okay, class line up! We will proceed to the field for the fairy training." sabi ni Master at nagsimula na kaming mag-linya ako ang nasa dulo dahil wala lang. Nagsimula na kaming mag-lakad patungo sa field. Hay sana maging maayos ang training.

She's A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon