Adri's POV
Andito kami ngayon naglalakad papuntang west wing kung nasaan ang Elf Wood. Ngayon kasi namin balak magkaroon ng fairy excited na kasi kami at ngayon namin balak gumawa ng wand since full moon naman. Kailangan kasi full moon kapag gumawa ka ng wand. Habang naglalakad ay nagkwe- kwentuhan kami. Nalaman ko rin na mga Royal Blood pala sila. Ang royal blood ay yung may mga dugong bughaw o mga anak ng hari at reyna . Nalaman ko din ang mga powers nila si Alet ay isang Water at may mga ability din siya like telepathy and mind reading X. Si Nicole naman ay Ice at may ability syang teleportation at Mind reading X din. Si Caira naman ay Shadow manipulator at may ability syang Telekenesis at Mind Reading X.
Nandito na kami sa tapat ng Elf Wood. Pumasok na kami at nagulat ako ng biglang nagbago ang scenario nasa YinYang Forest ako at pag lingon ko ay wala na ang mga kasama ko. Naglibot ako at may nakita akong Dark and Light Sakura Tree. Kumuha ako ng tag-isang branch sa dalawang puno na ito. Sabi kasi sa Ultimate Spell Book mas maganda daw kung pagsasamahin mo ang lahat ng type ng tree at ang pinakamagandang tree daw ay ng sakura tree. Isinilid ko na sa bag ang dalawang branch. May narinig akong kaluskos kaya naging alerto ako. Sinundan ko ang kaluskos at napunta ako sa isang Open Field. Pumunta ako sa sentro. Nakiramdam ako sa paligid. May biglang lumabas na dalawang monster. Isang white at isang dark type. Inilabas ko ang Monsterdometer.
Info:
Name: YinYang Dragon
Other Info.: Not discovered yet
Hala! Undiscovered pa siya kailangan kong mag-ingat. Inilabas ko ang limang Guardian ko at ang mga ultimate fusion ko na monster. 20 vs. 2 unfair ba? Nah okay lang yan.Naglaban na ang mga monster ko at ang dalawang monster.Tumulong lang ako sa pamamagitan ng pag-cast ng spell na natutunan ko sa book. Naglabas ng itim na usok ang kalaban kong monster ngunit hinigop lang iyon ng Dragon Guardian ko. Nag- cast ako ng spell.
"Lutos Sucros Dutis" Pagkasabi ko ng spell na yun ay may lumabas na maraming dark balls at pinalibot ko iyon sa dalawang kalaban ko. Sabay-sabay na itinira ko ito sa mga kalaban. Sumabog ang mga dark balls at nagkaroon ng usok. Ng mawala ang usok ay nakita ko ang dalawang dragons na parang hindi man lang naapektuhan sa huling tira ko. Lumipad sila ng napaka-taas kaya sumakay ako sa Dragon Guardian ko at lumipad din yung mga monster na may ability na lumipad. Ng makarating kami sa taas ay gumawa ang pegasus guardian ko ng isang hurricane at pinapunta ito sa kalaban ngunit madali lamang nila itong naiwasan. Ngayon ay gumagawa sila ng dark and light energy ball. Himdi dapat nila iyon matapos dahil kaya niton pasabugin ang buong lugar lalo na kung sa itaas to sasabog. Gumawa ng elemental fusion ball ang dragon guardian ko at itinira ito sa kalaban. Natamaan ng elemental fusion ball ang light dragon kaya natigil ang pagawa nila ng dark energy ball.
"AAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGGGGGGHHHHHHH!!!! GGGGGGGGGGGRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!" malakas na sigaw ng light dragon at unti- unti itong bumabagsak dahil sa pakpak ito natamaan. Lumipad pababa ang dark dragon at tinulungan ang light dragon. Bumababa na din kami ng mga monster ko at naghanda para sa sususunod na atake ng kalaban. Naglabas ng poisonous smoke ang dark dragon kaya gumawa ako ng barrier ng mga monster ko kaya lang di umabot kaya nadisperse yung mga monster ko. Ako na lang ang natitira at yung mga kalaban.
"Sumuko ka na bata. Hindi mo kami kaya." sabi ng dark dragon. Bigla niya akong tinira ng dark ball ng sunod-sunod. Naiwasan ko ang ilan ngunit natamaan pa rin ako ng iba.
"Ahhh! Shit! Ang sakit!! Huhuhuhu!!!" sabi ko. Ang sakit ng katawan ko. Huhu. Tumayo ako ngunit hindi ko magawa. Hineal ko ang sarili ko gamit ang isang spell. Kahit papaano ay gumaling ako. Yung mga minor injuries ay gumaling tapos yung mga major injuries ay gumaling ng kaunti. Kaya tumayo na ako kahit ng hihina na.
"Ano ba yan bata ang hina mo naman. Nagpapa-init pa lang ako." sabi ng dark dragon. Na-inis ako sa sinabi niya kaya nawala ako sa kontrol. Gumawa ako ng napakaraming dark balls, dark shuriken, at dark daggers. Sabay- sabay ko iyong itinira sa dalawang dragon. Ang dark dragon lang ang nakaiwas at tinamaan ang light dragon. Bigpa na lamang itong nag- disperse at biglang lumiwanag ang leeg ko at biglang nagkaroon ako ng necklace at may pendant ito ng white na parang tear-like ang shape at may symbol ito na light kingdom na ang ibig sabihin ay light monster siya. Biglang sumigaw ng napakalakas ang dark dragon at tinira ako ng isang dark energy ball. Hinri ako prepared sa atake niya kaya tinamaan ako sa tiyan at tumalsik ako at tumama sa mga puno. Nasira ang mga punong natatamaan ko at tumama ako sa malaking bato. Bumagsak ako sa lupa habang naliligo sa sarili kong dugo. Biglang may tumawag sa akin.
"Adriane" tawag sa akin ng dalawang babae
"S-s-sino k-kayo?" tanong ko sa kanila
"Kami ang Goddess of Light and Goddess of Dark" sabi ng isang babaeng naka-puting bistida.
"A-nong k-kaila-ngan n-nyo s-sa a-kin?" sabi ko sa kanila
"Narito kami upang ibigay sa iyo ang kapangyarihan namin." sabi ng isang babaeng nakabistida na itim.
"Huh?" takang tanong ko sa kanila.
"Ikaw ang itinakda. Ikaw ng magliligtas sa lahat ng tao. Ikaw ang hinirang. Ikaw na may dugo ng demonyo at ng anghel. Tinatanggap mo ba ang kapangyarihan at responsibilidad?" sabay nilang sabi. Hindi ko alam pero napatango na lang ako. Nawala ang dalawang babae at nakaramdam ako ng dalawang malakas na enerhiya na pumapasok sa aking katawan. Biglang nagbago ang aking anyo ang itim kong buhok ay nagkaroon ng puti at nagkaroon ako ng pakpak. Isa itong kakaibang pakpak dahil ang sa kanan ay kulay itim samantalang ang sa kaliwa ay kulay puti. Biglang nanumbalik ang aking lakas at gumaling ang aking mga sugat. Nakita ko ang dark dragon na papunta sa akin at tinira ako ng dark energy balls ngunit naiwasan ko lamang ito. Tiningnan ko ito ng mariin at bigla itong naglaho. Nadagdagan ang aking pendant at biglang nagbago ang paligid.
"Aaaaaahhhhh"
![](https://img.wattpad.com/cover/53259889-288-k700128.jpg)