Chapter 7

8 3 0
                                    

Kinabukasan.

Eze's POV

Nagising ako sa malakas na ring ng alarm clock ni Blare. Tinignan ko iyon at nakita kong 5:30 am pa lang. Hindi naman sobrang layo ng school pero ang aga nyang gumising. Nakita ko naman na pinatay iyon ni Blare na nakapikit pa at naka higa. Ilang saglit lang ay bumangon na sya sa kama nya nag panggap naman akong tulog...

Naramdaman ko pa ang paglapit nya sa sakin. Tsk! Bakit ba tinititigan nya ko.? Inis kong tanong sa isip ko. Nanatili ako sa ganong posisyon ng narinig ko syang bumuntong hininga. Ano kayang nasa isip nya? Tanong ko na naman sa isip ko. Didilat na sana ako ng magsalita sya. Inilapit nya pa ang mukha nya sakin dahilan para kiligin ako. Hehehe!

"Eze.?"patanong nyang sabi. Pero dahil nga tulog ako hindi ako sasagot. Hehe. "Tsk! Tumayo ka na nga dyan. Alam kong gising ka. Ngingiti ngiti ka pa dyan. Masyado kang halata!"pasigaw nya sa kin. Tsk! Ako ngumingiti? Grabe kailangan kong bawas bawasan ang pagiging makiligin ko!. Panenermon ko sa sarili ko. Wala na akong nagawa kundi mapakamot sa ulo ko at bumangon ng masama ang loob. Pero may kilig parin sa loob loob ko. Heheheh!

"Nakakaines ka naman Blare eh!"sabi ko sa kanya na naka nguso pa.

"Wow! Kasalanan ko pa!? Kanina ka pa gising at ramdam ko yon. Kaya umayos kana. Maliligo na ko." Sabi nya at padabog na pumasok sa banyo.

Habang naliligo sya ay inayos ko naman ang mga gamit ko pati narin ang pinag higaan ko. Paglakatapos nya ay bihis na sya. Ako naman ang sumunod na naligo.

"Hoy Eze!" Sigaw nya sa labas na kinakalabog pa ang pinto ng banyo. Bakit ba?. "Bilisan mo male'late na tayo.!" Pasigaw nyang dagdag. Narinig ko pa ang mga yabang nya papalabas ng kwartong yon. Binilisan ko na ang pag bibihis ko at bumaba na rin agad.

Nag agahan kami ng tahimik lang pero minsan ay nag kakatuwaan. Lalo na pag si Blare ang nagpagkakatuwaan.

Tinapos namin agad ang agahan namin. Nagpa alam narin kami ni Blare at pumasok na kami.

Habang nag lalakad kami sa pathway ay may sumasalubong na sa amin.

"Eze, Blare!" Sigaw nito samin. Si aj to class president namin."pinapatawag kayo ni miss sa office nya." Hingal na hingal nyang sabi.

"Sige! Salamat." Maikling tugon ni Blare dito na bahagya pang ngumiti.

Nag tuloy na kami sa paglalakd ni Blare ng marating namin ang office ni miss. Kumatok muna kami bago pumasok doon pinatuloy nya naman kami.

"Bakit nyo po kami pintawag miss?"tanong ko.

"Ah! Yes. This friday na pala gaganapin ang school competition natin. Gusto ko lang sanang itanong kung nakapag practice na kayo?"tanong nya sa amin ni Blare. Si Blare naman ay nagulat pero mabiliis din nyang naibalik ang emosyon nya.

"Kaya naman ho naming mag perform kahit walang practice." Mayabang na sagot ni Blare pero may pag galang parin. Mayabang talaga.!

"Pero gusto nyo bang ipa pull out ko kayo para mapanood ko ang gagawin nyong performance sa friday. Wednesday na ngayon pero hindi ko parin kayo napapanood ng maayos."mahabang sabi ni miss na animong nagmamaka awang magpractice kami dito sa school.

"Sige ho." Maikling Sagot ni Blare nagliwanag naman ang mukaha ni miss. "Pero, sa klase nyo lang ho."dagdag ni Blare.

"Hanggang break time?"paghirit ni miss. Napaisip naman si Blare.

"Sige ho. Pero wala ho kaming instrumento."maikling tugon ni Blare.

"Ah! Doon tayo sa gym mag pa'practice. Nandoon kasi lahat ng instrumento. Tara."maikli nyang paliwanag sa aamin at nagtungo na nga kami sa gym. Nagulat kaming pareho ni Blare ng makita namin ang sari saring instrumento doon."ano bang instrumento ang gagamitin ninyo?"nilingon naman namin sya.

"Yung piano ho ang gagamitin ko"sagot ko sa kanya. Saka sya tumingin kay Blare.

"Iyon na lang ho miss."sabi ni Blare na nakaturo sa electric guitar. Nagulat naman si miss ng lingunin nya ang itinuturo ni Blare.

"Kaya mo bang gamitin iyon Blare?"nagtatakang tanong ni miss. Umiling naman si Blare. Hindi na nkapag salita si miss ng lumapit si Blare sa electric guitar at i-set up iyon. Laking gulat na lang ni miss ng patugtugin na iyon ni Blare. "Wow!" Bulong ni miss." Pwede mo bang sabayan ang pagtugtog nya?"tanong niya sa akon at tumango naman ako.

Lumapit ako papunta sa grand piano na nandoon. Nag umpisa akong tipahin ang nota. Tumigil naman si Blare sa pagtugtog. Ipinagpatuloy ko ang pag titipa at sumabay sya ng makuha nya kung ano ang tinutog ko. Napalingon naman ako kay miss na manghang mangha sa pagtugtog namin ni Blare at animong nag eenjoy pa.

Ipinagpatuloy lang namin iyon hanggang sa makarating sa chorous ang notang tinitipa ko. Laking gulat ko ng sabayan niya ito.

"Forever is a long time, but I wouldn't mind spending it by your side" pagsabay nya chorous na iyon at nagtuloy lang sya sa pagkanta hanggang sa matapos na iyon.

Sabay kaming napa buntong hininga ng malalim ni Blare. Sabay din kaming napalingon kay miss dahil sa malakas nyang mga palakpak.

"Oh my god! Ang galing nyong dalawa."puri sa amin ni miss."pero ang gusto ko sana yung kanta ng paramore?"pag rerequest ni miss danque. Grabe! Fan pala sya non!?

"Sige ho." Tugon ni Blare. Tsk! Palibhasa fan ka rin non eh!!

"Ah! Maiwan ko muna kayo. Babalik ako for a few minutes. Magpractice lang kayo ng mag practice jan." Paalam sa amin ni miss. "Dont worry pwede nyong gamitin lahat ng instruments dyan" dagdag niya pa bago tuluyang umalis.

Sinundan naman namin sya ng tingin ni Blare. Nang paglingon ko sa kanya ay nagtama ang paningin namin. At dahil nga pilya sya sinamaan nya ko ng tingin habang nakataas pa ang isang kilay. Sabay naman kaming natawa.

Sa tatlong oras naming nandoon ay pinanindigan namin ang sinabi ni ms. Danque. Nag paikot ikot kami ni Blare sa buong instrument room at nag papalit palit ng instrumento. Sobrang galing nya talaga sa instrumento. Nag paiba iba din kami ng kanta. Lahat na yata ng kantang alam namin ay nakanta namin..... Maliban na lang sa paborito naming kanta.

"Blare" tawag ko sa kanya. Natinag naman sya sa paglalaro ng instrumento."gusto mo bang kantahin natin yung paborito nating kanta?"tanong ko sa kanya pero sya naman ay nakatitig parin sakin. Tumabingi ang ulo nya na para bang may pinag aaralan sa mukha ko.

"Pero iyon sana yung gusto kong kantahin natin sa friday" walang emosyon nyang sagot.

"Kahit yung chorous lang"pag mamaka awa ko sa kanya. Natagal kaming nagtitigan pero laking gulat ko na lang ng inumpisahan nya iyong tugtugin simula sa una.

Tinapos namin ang kantang iyon nang mabilisan lang. Pero si Blare naman ay ganadong ganadong tinutugtog iyon dahil nga paborito namin iyon.

Pero laking gulat na lang namin ng may sabay sabay na pumalakpak sa labas ng kwartong iyon. At nakita nga namin ang mga kaklase namin at pati na rin si ms.

"Paramore iyon hindi ba?"nakangiting tanong ni miss. Tumango naman kami ni Blare bilang sagot."kung ganon iyon ba ang ipeperform ninyo?"nagkatinginan pa muna kami ni Blare bago lumingon kay miss.

"Hindi po kami sigurado."tanging tugon ni Blare.

Nabakas naman ang lungkot sa mga mukha ni miss."oh sige you may take your break" sabi sa amin ni miss at umalis na sila. Inayos naman namin ni Blare ang mga instrumento na ginamit namin bago namin tuluyang nilisan ang instrument room na iyon.

Thank you for reading.
Please vote!!
Love lotss.

-ejeyoyi-

Fall for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon