Blare's POV
Natapos ang klase sa pantanghali na hindi na kami nagkikibuan ni Eze dahil sunod sunod din ang pasok ng mga lecturer. Sabay kaming umuwi ni Eze at inihatid nya muna ako. Hindi na sya nagtagal pa sa bahay namin at mapapansin talaga sa mukha na hindi nya parin matanggap na kasalan niya yung nangyari kanina kahit hindi naman talaga. Kahit naman kailan ay hindi ko sya sinisi!.
Umakyat na agad ako sa kwarto ko at tinapos ang mga assignments ko. Nagbasa rin ako ng kaunti sa mga libro ko dahil baka wala akong maisagot sa recitation namin bukas. Tumagal din ang pagbabasa ko ng halos dalawang oras. Hindi ko kasi hilig na magsaulo. Inulit ulit ko lang ang pagbabasa. Nakahiga na ako sa kama ko ng may kumatok ng tatlong bese sa pinto.
"Blare, labas na dyan. Dinner is ready."sigaw ni mommy. Naramdaman ko naman ang mga yabag nya pababa ng hagdan.
Inayos ko na ang sarili ko at nagpalit ng damit. Kinse minutos din ang itinagal ko sa kwarato bago ako bumaba para kumain. Nagulat na lang ako ng makita ko si daddy na nakikipagtawanan kay Eze. Hindi ko kasi inakala na babalik pa sya dto. Naramdaman ko naman ang pagkunot ng noo ko.
"Bat nandito ka?"tanong ko kay Eze.
"Ah honey, wala kasi ang parents nya. Ibinilin muna sya sakin ng mommy nya."paliwanag ni mommy."tsaka baby dito rin sya matutulog."dagdag pa nya.
"San naman sya matutulog dito.?"walang emosyon kong tugon.
"Ginagawa kasi ang guestroom natin pati ang kwarto ng kuya mo, kung pwede ay doon muna sya sa kwarto mo tutal dalawa naman yung kama mo doon."mahaba nyang paliwanag.
"Eh?"
"Sige na baby."pang aamo ni mommy.
"Ah sige tita dito na lang ako sa sala matutulog."ani ni Eze.
"Pero anak baka lamigin ka di-"pinutol ko ang sasabihin ni mommy.
"Sige mommy don na lang sya sa kwarto ko."pagtatapos ko sa usapan at nag tuloy na lang sa pagkain.
Hindi na kami nag kibuan pa at tahimik na tinapos ang dinner. Umakyat na agad ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko na si Eze na nakaupo at ginagamit ang gitara ko. Hindi parin sya natututo mag gitara. Nag lakad ako ng tahimik para makalapit sa kanya.
"Boo!" Ginulat ko sya. Nagulat naman sya. Tsk! Bading!"HAHAHA!" Malakas kong tawa sa kanya.
"Tsk"singhal nya at inis na ibinigay sakin yung gitara ko.
"Maligo kana ! Ang baho muna!"nang aasar kong sabi sa kanya habang nakatakip pa ang ilong ko gamit ang isang daliri.
"Ang sama mo!"naiinis nyang sabi at padabong na tumayo at naglakad papunta sa Cr. Hahahaha. Palihim naman akong natawa dahil sa inasta nya.
Kinuha ko ang gitara ko at umupo sa kama ko.. Tumugtog naman ako at kumanta. Sa pag gigitara ko lang kasi nailalabas ang mga emosyon ko at stress na nararamdaman ko. Natigilan ako sa malakas na ring ng cellphone. Alam kong hindi akin yon kaya malamang ay kay Eze iyon. Kinuha ko ang cellphone nya at tinignan kung sino ang tumatawag.
Trixie Calling...
"Eze! Si trixie tumatawag!"sigaw ko kay Eze pero hindi sya sumasagot."sasagutin ko na ah."paalam ko sa kanya at sumigaw naman sya.
"Sige" naikling tugon nya
Hello? Patanong kong sabi sa linya.
"Hello. Sino to?" Nagtataka nyang tanong.