Chapter 9

7 2 0
                                    

Eze's POV

Restaurant.

Pagdating namin sa resto ay dalawa kaming pumila. Nakangiti parin sya. Sobrang saya nya parin dahil kami ang nanalo at ilalaban sa susunod na buwan.

"Eze. Ano gusto mo. Treat ko" natinag na lang ako sa sinabi nyang yon. Nawili kasi akong tinititigan sya.

"Kahit ano. Ikaw na bahala."

"Okay."tanging sagot nya na lang. Hindi ko na sya pinakinggan umorder dahil napatitig na naman ako sa kanya.

Natinag na lang ako ng kalabitin nya ko para bitbitin yung mga inorder nya. Kinuha ko naman yon at sya ang humanap ng table. Nang makahanap sya ay agad syang umupo, inilapag ko yon sa mesa at umupo kaharap nya. Kinuha nya agad ang chicken at fries at inabot nya iyon sakin kinuha nya din yung kanya. Sobrang sweet nya talaga^_^. Ginagawa nya iyon ng seryoso ang mukha.

"Blare masaya ka ba?"tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Hmm."sabi nya na nag iisip pa."oo." Sagot nya na nakangiti pa at tumatango tango na parang bata.hehehe ang cute nya. Kung hindi lang kita best friend niligawan na kita.! Napa iling ako sa sarili kong naisip."anong iniisip mo't umiiling iling kapa?"may halong pagka sarkastika nyang tanong.

"Wala. May naisip lang."palusot ko. Tumango naman sya.

"Eze. Alam mo ba. Ngayon ko na lang uli naramdaman to" gulat ko syang nilingon. Natigil ang pagsubo ko ng kanin ng dahil sa sinabi nya.

"Ha? Ang alin?"nagtataka kong tanong.

"Yung maging ganito uli ka saya."seryoso nyang sagot. Naka move on na kaya sya? Tsk!

"Kelan ka ba huling sumaya ng ganyan ?"pang aasar ko sa kanya. Sumama naman ang mukha nya. Hahaha!.

"So ,let's not bring the past anymore." Pagkanta nya sa linya ng kanta bilang sagot.

"Okay" sarkastiko kong sagot. Natawa naman kaming dalawa.
Halos ilang minuto pa ang lumipas ay natapos namin ang pagkain namin.

"Eze. Punta tayo ng arcade."

"Ayoko!" Nagkunwari ako.

"Eeezzeee. Pleeeaassee.." Pagmamaka awa nya na nagpapa cute pa. Natawa na lang ako. Pero kinikilig ako.

"Oo na."pagpayag ko. Nagliwanag naman ang mukha nya.

"Okay! Tara na!" Tuwang tuwa nyang sabi habang hatak hatak ako. Ako naman si tanga nagpahatak. Hehehe ganon talaga pag mahal mo.

Pumunta kami sa isang mall. Pinasok namin ang isang arcade at dumeretso sa token store. Namili sya ang two hundred pesos na token. Aanin nya naman lahat yon? Sumunod na lang ako sa kanya dahil derederetso sya. Huminto sya sa harap ng poke-em. gusto nya ba ng bear?? Nagtataka kong tanong sa isip ko.

"Eze. Tara basketball tayo."yaya niya sakin na nakaturo sa basketball ring. "Padamihan tayo ng ticket" dagdag nya na tumatawa pa. Lumapit kami doon. Magkatabi kami ng ring. Binigyan nya ko kalahati ng token nya. Nang mag umpisa ang oras ay nagsimula narin kaming mag shoot.

Nagtuloy tuloy lang kami sa pag sho'shoot ng bola. Pero hindi ko napansin na dumadami na ang nanonood sa amin. Magaling kasi sa basketball si Blare pero mas magaling ako. Magaling din sya sa chess, domino, at badminton kahit may asthma sya. Doon ko lang din napansin na sobrang kapal na pala ng ticket namin pero hindi pa namin nauubos ang token. Kaya naman inihulog ko na lahat iyon. Tumingin naman sya sakin at inilagay din yon lahat. Nagtuloy tuloy pa ang paglalaro namin at tuloy tuloy din ang paglabas ng mga ticket hanggang sa matapos ang oras. Marami raming oras din naming ginagwa yon kaya pareho kaming naghahabol ng hininga ng matapos iyon.

Kinuha namin ang ticket namin at pumunta sa ticket changer para ipapalit iyon.

"Wow. Ang dami naman nito pogi.. Ikaw ba lahat ang nakakuha nito?"patanong sakin ng babae sa changer na tinutukoy pareho ang ticket namin ni Blare. Umiling naman ako.

"Hindi. Kanya itong isa." Turo ko sa katabi ng ticket ko.
Hindi naman na sumagot ang babae at inunang bilangin ang kay Blare.

Natagalan sa pagbibilang ang babae dahil sa dami non. 4500 ang kay Blare 5800 naman ang sa akin. Tumingin naman ng masama si Blare sakin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Ang daya mo Eze!"

"Hahaha. That's life Blare." Mayabang kong tugon. Inismiran nya naman ako. Tsaka bumaking sa babae.

"Iyon na lang ang akin ate" turo ni Blare sa kulay green at black na skateboard. Ibinigay naman iyon ng babae.

"Iyon ang akin ate."turo ko sa malaking teddy bear na kulay white may ribbon din ito sa leeg na kulay green at may salamin. Para syang si blare.. Kasing laki lamang iyon ni Blare kung tutuusin. Mabalahibo din iyon at malambot. Kumuha naman ang babae ng stock nila sa loob. Nang makuha iyon ng babae ay kasin laki nga ni Blare. Niyaya ko muna si Blare na pumunta sa kotse para ilagay ang mga premyo namin.

Nang lumabas kami ng mall ay madilim na. "Blare gabi na umuwi na kaya tayo?" Tanong ko sa kanya. Nilingon nya naman ako.

" 7pm na pala. Kaya pala gutom na ko. Hahaha. Sige kain muna tayo tapos uuwi na tayo."

"Okay."

Pumunta na kami sa pinaka malapit na resto. Umorder naman ako ng dinner namin ni Blare. Tinapos namin ang dinner namin ng hindi nagkikibuan. Nilisan namin ang resto na iyon at pumunta sa kotse ko.

Tahimik kaming bumabyahe papauwi. Pero habang nasa byahe kami ay sya na ang bumasag sa katahimikan.

"Eze." Tawag nya sakin.

"Mm?"

"Kamusta kayo ni Trixie? Third monthsary nyo bukas. Nagkapag usap na ba kayo?".

Bwiset! Nawala sa isip ko! "Hindi pa. Pero tatawagan ko sya mamaya."

"I see." Tanging naging tugon nya na lang.

Hindi na uli kami nagkibuan hanggang maihatid ko sya. Tinulungan ko naman syang bumaba ng kotse. Kinuha ko yung gamit nya sa compartment ng kotse ko pati yung bear.

"Oh!" Abot ko sa kanya ng bear.

"Ano yan?"

"Bear."pilosopo kong sagot.

"Alam ko. Bakit mo binibigay sakin?"

"Wala gusto ko lang ibigay sayo kamukha mo kasi sya."

"Kasi naka salamin?" Sarkastika nyang tanong.

"Bukod don. Hahaha cute din.." Tumingin lang sya sakin." Blare congrats gift ko yan sayo.. Pag di mo kinuha magagalit ako.."matagal pa nya akong tinitigan. Pero kinuha nya din naman.

"Thanks best friend.!!"tuwang tuwa nyang sabi na niyakap pa ko. Mahilig talaga sya sa bear. "Thank you talaga dito."

"You're welcome." Sabi ko na nakangiti pa. " Its late. Uuwi na ko. " paalam ko pero nagulat sya.

"Hindi ka man lang ba magpapakita kayla mommy?"nagtataka nyang tanong.

"Hindi na siguro. Sa susunod na lang."

"Sige. Take care."

"Mm. Good night. Bye" paalam ko sa kanya.

"Bye."

Matapos myang sabihin iyon ay sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar iyon papalayo sa kanila. Sinilip ko naman sya sa side mirror ng kotse ko at nakita kong yakap yakap nya parin yung bear na ibinigay ko. Nagustuhan nya. Nagdulot naman iyon ng kakaibang saya sa aking pakiramdam.

Patuloy ko lang syang tinatanaw sa side mirror ng kotse ko habang papalayo. Hanggang sa hindi ko na sya matanaw. Nagtuloy tuloy na ako sa byahe papauwi sa bahay.

Thank you for reading.
Please vote!!
Lovelottss.:*

-ejeyoyi<3-

Fall for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon