Blare's POV
First day ng klase ko bilang 3rd year highschool, habang nag lalakad ako sa pathway ay may gunggong na tumatakbo papasalubong sakin. Dahil nga malabo ang mga mata ko ay hindi ko alam kung sino iyon kaya hindi ko pinansin.
"Blare..!" Pasigaw niyang sabi lumingon ako. At inaninag kung sino iyon. Nagulat ako na si Eze pala iyon. Ang super gwapo kong bestfriend. Maputi, magaling kumanta, heartrob, sweet..
Ngumiti ako ng pilit. "Oh! Eze ikaw pala yan.?" sabay talikod at nagtuloy sa paglalakad.
"Blare hintayin mo naman ako.!" Pahabol nya sakin. "Anong section ka ?" Tanong niya sabay kuha ng sched ko. Private school kasi kami pareho. Ang school na to ay parang collage binibigay ung sched mo pag nag enroll ka."Grabe! Magkaklase tayo oh!" Sabi nya habang nakaturo sa sched ko."tabi tayo ng upuan ah"dagdag nya pa.
Hindi ko na sya pinansin dahil nakakarindi ung pagiging madaldal nya. Habang naglalakad kami ay hinahanap nya ang classroom namin dahil nga hindi ko iyon mabasa. Luma na kasi ang salamin na gamit ko. Hindi pa ko nagpapalit dahil alam kong kelangan ko na namang magpacgeck up dahil sigurado akong tumaas na naman ang grado ng mata ko.
Di nagtagal ay natunton namin ang classroom. Sobrang lamig dahil aircondition and classroom na iyon.
Sa pinakaharapan ako umupo dahil ayoko ng distraction kapag mayklase at gusto ko rin ng malapit sa pisara. At pag pasok naman ni Eze ay pinanindigan nya ang sinabi nya, tumabi nga siya sa akin.
Di rin nagtagal ay pumasok na ang unang lecturer at nasisiguro kong iyon ang adviser namin. Tumahimik na lang ako at hindi na pinansin ang sino man.
Ezekiel's POV (Eze)
Nang pumasok ang lecturer ay nagumpisa na ang klase.
"Good Morning.!" Ani nito at bumati rin ang mga kaklase ko maliban kay Blare." Okay class, today you're gonna intruduce yourselves here in the front of the class. Let's start with you Mr." Ani nito na nakaturo sakin. Tumayo ako at pumunta sa harapan. Hinawi muna ang buhok panpapogi.
"Hi ! I'm Ezekiel John Demonteverde. Fifteen."iyon lamng at umupo na ako. Napansin ko pa na kinikilig ang ilan sa mga babae. Marami rin kasing magaganda sa mga kalase ko. Pero ayoko sa maaarte. Sunod na tinawag ay si Blare. Tumayo sya at pumunta sa harapan.
"Hi ! I'm Blare Anne Mariano. Fourteen."iyon lamang ngunit tumawa ang ilan sa mga babae sa likuran. Nakasuot kasi sya ng nagkakapalang salamin at malaki pa ang mga glasses nito. Kaya halatang halata na nerd sya. Hindi nya na iyon pinansin at umupo nalang uli ng nakayuko.
Natapos iyon ng tumunog ang bell para sa susunod na klase. Umabot din iyon ng halos kalahating oras dahil ang iba ay kung ano anong kayabangan pa ang pinagsasasabi.
Di nga nagtagal ay pumasok na ang susunod na lecturer. Math class. Ohh! I relly hate math ! Math is my weakness.! At ayon nga nagpakilala lang ito at nagsimula nang magklase.
"Class we will tacle about x and y-axis."ani pa ng lecturer.wala kong maintindihan kahit ano sumasakit ang ulo ko. "Who can give me the other name of x-axis? Anyone ?"ani na naman nito. Walang ibang sumasagot kaya napilitan itong magtawag ng studyante."Agripina!"tawag nya sa isang lalaking medyo may kayabangan at may kagwapuhan naman pero mas gawapo parin ako hahaha. "What is the other name of x-axis?" salita pa lamang ay mahahalata ng isa siya sa mga terror teacher dito. Nabaling ang tingin ko kay Blare pero ganon na lang ang gulat ko ng makita siyang ngisi ng ngisi. Sigurado ko alam niya ang sagot, at sigurado din akong gusto niya lang makita ang mga kaklase namin na mapagalitan. Hayy ang sama talaga ng ugali.
"Ano sir." Umasta pa itong nag iisip habang kumakamot sa ulo."ano eh.... Hindi ko po alam sir. Hehe " pilit pang tawa ng kaklase ko.
"Ano !? Puro kasi pagpapagwapo yang nasa utak mo walang ibang laman kundi yung mga babae sa Men's Magazine! Sit down!"galit na ani ng lecturer na si Mr. Muñoz.
Ganon na lang ako katitig sa lecturer ng bigla kong narinig na ngumisi si Blare. Nilingon ko naman sya pero sa harapan na sya nakatingin. "Abcissa Sir"gulat syang nilingon nito at tinitigan.
"Anong sabi mo Ms. Mariano?"ani ng lecturer.
"The other term for x-axis is abcissa." Nanatiling nakatingin ang iba naming kaklase sa kanya at parang hindi sila makapaniwala na nasagot ito ni Blare.
"Very good Ms. Mariano."ani ng lecturer habang pumapalakpak pa. At bigla bigla ay sumeryoso uli ito at tinanong na naman si Blare."and for y-axis?"dagdag na tanong nito.
"Ordinate sir.!"taas noong sagot ni Blare.
"Okay very good! Sit down!" Ani nito kay Blare."And now, what do you call to the plane that is use to graph the x&y-axis ?"ani nito at iginala ang paningin ng parang pumipili ng tatawagin.
"Ako sir!"nag taas ng kamay ang isang babae na maarte pa ang pagkakasabi. Sa totoo lang ay maganda sya, sexy at mukang campus crush.
Nagliwanag ang muka ni sir. "Ah okay , what is the answer Ms. Castillio?" Ani ng lecturer.
Ngumiti naman ng malawak ang babae habang ang iba naming kaklase ay pumapalakpak pa."airplane po sir. Hihihi" ani nito at natawa naman si Blare ng palihim habang nakayuko. At nasisiguro kong konti na lang ay lalagapak na ang tawa nya .
"Why airplane?" Seryosong ani ng lecturer. At napaisip naman ang dalaga.
"Kasi po sir. Ang airplane po lumilipad. Kaya po pag lumilipad yon nag ga'graph sya .. At kaya rin po airplane kasi andun na po ung word na "plane"."ani nito na pilit pinapa ganda ang boses. Nagbaling ako ng tingin kay Blare at nakita ko syang bumubungisngis ng nakayuko. Hayy panigurado alam nya na naman ang sagot. Iyan si Blare eh, sobrang talino, kalog, masungit, at maaalahanin na best friend. Hindi nga halata na valedictorian namim sya noong elementary kasi wala pa syang salamin noon sobrang ganda nya pa.
"Why are you laughing Ms. Mariano !?" Galit na tanong ng lecturer kay Blare."okay Ms. Mariano, because you're laughing without any valid reason in my class what is the answer to my question.?"galit paring tanong ng lecturer kay Blare.
Tumayo si Blare ng nakayuko at nag sisimula ng magbulungan ang mga kaklase namin."Cartesian plane po sir. It is generated by the famous mathematician Mr. Rene de Carte."ani ni Blare at napamaang na naman ang mga kaklase namin syemre pati na rin ako. Sobrang advance nya naman kasi.
"Very Good again Ms. Mariano."papuri nito kay blare saka bumaling kay sa dalaga."Ikaw naman Ms. Castillio, sana kasing sipag mong mag- aral itong si Mariano ng may pakinabang naman yang ganda mo. Pati narin yang utak mong wala ibang laman kundi ang boyfriend mong nuknukan naman ng itim, kapal ng labi, damulag pa, in short pangit !."pagdidiinan ng lecturer sa sinasabing boyfriend ng babae."Sit down! Idiota!"malakas na sigaw nito sa babae. Napaupo na lang ng tahimik ang babae at hindi na umimik.
Thank you for reading :)
Please vote.!!
Lovelottss ! <3-ejeyoyi<3