Blare's POV
Nang makalayo si Eze ay pumasok na ko sa loob ng bahay. Sinalubong naman ako ni mommy.
"Oh baby? Kamusta ang competition?"
"Panalo kami mom" masaya kong sagot.
"Eh kanino naman galing yang nerd na bear na yan baby?" Nagtataka nyang tanong. Na nakapaling pa ang ulo.
"Ah ito? Regalo ni Eze."walang emosyon kong tugon.
"Yiiee talaga?" Kinikilig si mommy." Ang sweet talaga ni Eze... Alam mo baby parang may gusto sayo si Eze." Natigilan ako sa sinabi nya.
"Ha? Mom girlfriend na si Trixie."
"Oh?"nang aasar nyang tanong."baby, relationship always starts in friendship."
"Whatever" tanging naisagot ko.
Umakyat na ko sa kwarto ko dahil nag dinner naman na ko. Pagdating ko sa kwarto ay nagpahinga lang ako saglit at naligo na ko.
Habang naliligo ako hindi ko maiwasang maisip ang nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang naramdaman ko. Nakakainis! Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi parin pala iyon nakakalimutan ni Eze. Sobrang sakit sa pakiramdam niyon. Walang kasing sakit...
Isinantabi ko muna ang pag iisip ko at tinapos ko na gad ang pagligo ko. Paglabas ko sa banyo ay naagaw ng teddy bear ang paningin ko. Sobrang cute talaga niyon at gustong gusto ko talaga, pati ang kulay nito.
Umupo ako sa kama ko at tintigan ang bear na iyon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kakyutan nito.. Dahil sobrang tahimik ng kwarto ko ay nag sound trip ako hanggang sa makatulog na ako. d-_-bzZ
Eze's POV
Habang nagmamaneho ako papauwi ay hindi ko maiwasang mapangiti sa mga naiisip ko. Pero hindi rin mawala sa isip ko kung nakalimot na ba talaga sya at tuluyan ng syang nagpatawad. Ayoko naman sya tanungin dahil alam kong ayaw nya ng balikan pa ang masasakit na pangyayaring iyon. Napapabuntong hininga na lang ako sa mga naisip kong iyon. Ipinagpaliban ko muna ang pag iisip ko at nagmadali ng umuwi dahil baka hinihintay na nila ako.
Ilang minuto din ay nakarating ako ng bahay. Sinalubong naman ako nila mommy at daddy. Hamalik naman ako sa pisngi nila.
"Honey bakit ngayon ka lang?" Natatakang tanong ni mommy.
"Nag celebrate po kasi kami ni Blare sa labas mom."
"Celebrate?" Nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako."you mean honey.... Nanalo kayo ni Blare?" Gulat nyang tanong.
"Yes mom!" Masaya kong sabi at niyakap naman nya ko ng sobrang higpit.
"Congratulations honey." Tuwang tuwang bati sakin ni mom." Kumain kana ba?
"Yes mom. Nag dinner na kami ni Blare bago umuwi." Sagot ko. Aakyat na sana ko papunta ng kwarto ko ng bigla nya akong pigilan.
"Baby. Si Blare ba ang sumagot?"
"Nung lunch po mom sya. Pero po nung dinner ako po."
"Baby dapat hindi mo hinahayaang manlibre ang babae." Nanlulumong sabi ni mommy. Napa buntong hininga naman ako.
"Okay mom. Next time." Tanging isinagot ko na lang at ngumiti pa at umakyat na ko sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay inilagay ko ang gamit ko sofa ko. Nagpahinga lang ako saglit at pumasok na sa banyo para maligo. Nagtagal ako sa banyo bago natapos. Nakabihis na ako ng lumabas ng banyo. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag ko pero laking gulat ko na lang ng makita kong may missed calls. 30 missed calls?? Laking gulat ko ng makitang si trixie lahat iyon. Humiga naman ako sa kama ko at agad na idinial ang number ni Trixie. Isang ring pa lang ay sinagot nya na iyon.