Blare's POV
Katatapos ko lang maligo ng may kumatok ng apat na beses sa pinto ng kwarto ko. "Sino yan?"pasigaw kong tanong pero walang sumagot pinihit nito ang door knob at binuksan ang pinto. Sumilip muna si Eze, kumulo naman bigla ang dugo ko at ibinato sa mukha nya ang unan bago pa man sya tuluyang makapasok sa kwarto ko.
"Blare---"nang aamo nyang sabi at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Naka upo naman ako sa kama ko. Umupo sya sa gilid ng kama ko. "Blare sorry na."
"Okay.. Okay" sabi ko na itinaas pa ang dalawang kamay. Nagliwanag naman ang mukha nya. Bigla nya kong niyakap ng mahigpit.
"Mm. Blare ang bait mo talag." Malambing nyang sabi. Tsk! OA. Kinalas ko naman ang pagkakayakap nya sakin.
"Lumayo ka nga.! Di pa ko naliligo!"
"Yuuckkk!" Nandidiri nyang sabi. Natawa naman ako ng todo.
"Syempre joke lang yun tanga!" Hahaha"
"Tsk!"
"Teka magbibihis na ko. Lumabas ka muna."
"Okay bilisan mo. Ipapalaundry pa natin ung damit." Pagmamadali nya sakin. Hindi ko na sya sinagot at itinulak na lang sya palabas ng kwarto ko.
Ilang minuto lang din ay bumaba na ko. Nakaupo sya sa sofa at kausap si mommy at daddy.
"Oh hija? Bakit ang tagal mo naman. Naiinip na si Eze." Nanlulumong ani ni mommy. Nagsalubong naman ang kilay ko.
"Matagal na ba yon?"
"Yes baby."
"Hayaan muna mom. Ganon talaga pag lalaki dapat naghihintay. Hehehe" sumulyap pa ko kay Eze na masama ang tingin sakin. Natawa naman ako. "Mom aalis na po kami." Paalam ko sa kanila na humalik pa sa pisngi nila ni daddy.
"Mag iingat kayo" pahabol ni daddy.
"Yes tito!" Sago ni Eze.
Inalalayan ako ni Eze na sumakay sa kotse bago sya sumakay. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami. Kaya na boring ako.. Binuksan ko ang radio sa kotse nya at pumili mg magandang fm.
"Because tonight will be night that I will fall for you over again dont make me change my mind, I wont sleep to see another day... I swear it's true.. Because the girl like you is impossible to find. Impossible to fine..."
Pagtatapos ng kanta.. Pero ang sumunod ay puro daldal na naman kaya inis ko itong pinatay. Tumawa naman bigla si Eze ng Malakas. Nagtataka ko syang nilingon na nakapaling pa ang ulo ko."Ayos ka lang?" Nagtataka ko talagang tanong.
"Ha? Oo.. Oo." Natataranta nyang tanong. Tsk! Baliw!!
Natatawa naman akong nag alis ng tingin sa kanya. At ilang saglit lang din ay narating namin ang mall. Inalalayan akong bumaba ni Eze. Nang makapasok kami sa mall ay hindi nya alam kung saan sya unang papasok sa mga botique doon.
"San tayo mag uumpisa?"nagtataka nyang tanong.
"Simple lang yan. Sa men's botique tayo pupunta." Nilingon nya naman ako na may halong pagtataka."wag kang tanga"pabulong kong sabi.
"Ang sama mo."nakanguso nyang sabi. Tinignan ko naman sya. Ung nandidiring tingin tsaka umiling ng umiling.
"Tara doon tayo."turo ko sa isang botique sa second floor.
"Sige. Tara."excited nyang sabi. Tsaka hintak ako. Nagmadali naman syang lumapit sa mga damit na parang bata. Kumuha sya ng white na americana. Baliw ba sya?"okay ba?"tanong nya.