Like her usual saturday morning, nakaupo pa rin si Julie sa kama at kaharap ang laptop niya para magcheck ng emails at magreply sa mga ito.
Si Elmo ay nasa kitchen para maghanda ng breakfast ng mga bata. Si Onzo naman ay nasa tabi niya at nakadapa. Pinagpapractice na ito ni Julie na magsulat dahil balak niya na itong ienroll next school year. Samantalang si Maddie naman ay tulog pa rin sa tabi ng bunso.
"Mommy, why do I have to write hmm.. Alonzo Luis Psalmuel San Jose Mag.. Magalona?" Tanong ni Onzo sa mommy niya. He still wearing his thomas and friends PJs.
Natawa naman si Julie dahil nagkamot pa ito ng ulo. Tiningnan niya muna si Onzo bago ipagpatuloy ang ginagawa.
"Can't I just write Onzo? How about Luis or Sammy?" Tanong ulit nito.
Inangat niya ang mukha ni Onzo para magkatitigan sila. "What is your name?"
"Uh.. Alonzo Luis Psalmuel San Jose Magalona.."
"Oh. You write it down." Utos niya.
"But that's too long.." Angal nito na nagpapadyak pa ng paa at natamaan ang ate niya.
"Shh.. Onzo, huwag malikot. Ate is still sleeping." Saway niya saka hinawakan ang mga paa ng anak. "Ayaw mo ng name mo?"
Ngumuso naman si Onzo. "I love my name but it's too long. My hand hurts." Paawang sambit nito.
"Okay. You wanna write a shorter one?" Natawa si Julie nang todo tango ang anak niya. "Write Butching San Jose Magalona."
Agad naman nagpalit ng face expression si Onzo. "No way." Iling nito. "I don't like Butching, Mommy.."
"But I love Butching, Sweetheart.." Ganti niya saka pinisil ang pisngi nito.
"I'll just write Onzo." Determinadong sambit ng bata saka ulit yumuko at nagsimulang magsulat.
"Okay. Sayang naman. I bought a prize for you last night. Eh hindi mo naman yata mapeperfect ang pagsulat sa name mo. I think I'll just have to give it to Ate Maddie. Very good naman siya this week." Saka ulit siya humarap sa laptop.
Ganito kasi sila since last month, mula nang turuan niyang magbasa at magsulat si Onzo. Kapag naperfect nito ang mga pinapagawa niya, may prize ito na matatanggap at the end of the week.
"But Mommy you said that's mine.." Giit ni Onzo. "Mommy, is it chocolates?"
Julie shook her head.
"Uhm.. An ice cream?"
Iling pa rin ang sagot ni Julie.
"A chocolate cake?!" Onzo asked in excitement. Oh, he loves chocolate cake.
"No."
"Then what is it?"
"You really wanna know?" Nilingon ni Julie ang bunso na ngayon ay nakaupo na sa gilid niya.
"Yes, Mommy.." He nodded.
"Talaga?"
"Yes, please.. Mommy.." He pleaded.
"If you want to know what's the prize, you have to write your name first." Utos niya.
"Is it in the fridge?"
"No, Honey." Sagot niya. "Sige na kasi. Three full names nalang naman 'yung kailangan mong isulat eh." Pinakita niya ang papel na sinusulatan ni Onzo. "Look."
"I think it's in the fridge."
Natawa siya sa sagot ng anak niya. Wala na talaga yata ang atensyon nito sa pagsusulat.