3

1.5K 48 5
                                    

Busy sa pagmemake up si Julie para sa date nilang dalawa ng best friend niyang si Maqui. Alas-cuatro ng hapon ngayong araw ng Linggo ang usapan nila. Three thirty na kaya naman todo ang pagmamadali niya. Panigurado kasing bubungangaan siya ni Maqui kapag late siyang dumating sa meeting nilang dalawa.

"Mommy, where you going?" Onzo asked his mom. He is sitting at the floor while playing his toy cars and robots.

"Mommy is going to see Ninang Maqui tonight." Maddie answered. Siya naman ay nakadapa sa kama at may binabasang libro.

Napatigil naman ang bata sa paglalaro at agad tumakbo sa mommy niya.

"Mommy! Can Butching come with you?" Nakangiting tanong ni Onzo na sumampa pa sa lap ni Julie.

"Baby, bawal ang kids sa pupuntahan namin ni Ninang Maqui eh. Next time nalang. Okay?" Julie explained as she stopped doing her make up. She caressed Onzo's cheeks and kissed his lips. Agad naman na nangiwi ang bata. "Why?"

"You have lipstick!" Angal nito saka pinunasan agad ang mga labi gamit ang isang kamay.

Natawa naman si Julie. Pula pa naman ang gamit niyang lipstick ngayon. "Why? Baby kaya kita. Ayaw mo bang kinikiss ka ni Mommy?" Kunyari'y pagtatampo niya.

"I want, Mommy, but please.."

"Please what?" Natatawang tanong niya. Alam niya kasi na irerequest nito na huwag siyang maglipstick kapag ikikiss niya ito.

"Nothing.." He shook his head. Onzo suddenly kissed her mom saka bumaba sa pagkakaupo sa lap ni Julie.

Pinagmasdan ni Julie ang anak habang naglalakad papunta sa inuupuan nito kanina. Maya-maya naman ay nakita niyang nagpunas na naman ito ng labi upang tanggalin ang bakas ng lipstick niya kaya naman napahagikgik siya.

"What's funny, Mom?" Tanong ni Maddie.

"Nothing, Sweetie." Iling niya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Mommy, what time are you coming home?"

"I don't know, Baby eh. Baka late na kaya matulog ka na before nine. Okay? Si Daddy na ang bahala kay Butching." Bilin niya sa anak.

"Okay, Mom." Bumangon si Maddie at pumunta sa likod ng mommy niya na nakaupo pa rin sa harap ng make up table. "Take care, Mommy. I love you." Lambing niya saka yumakap kay Julie.

Julie smiled sweetly at her daughter. "Sweet naman ni Ate. I love you, Maddie." Hinaplos niya ang braso ni Maddie na nasa leeg niya.

"Mommy! Onzo loves you, too!" Singit naman ng bunso. Tumakbo ito papunta kay Julie at muling umupo sa lap nito. Pilit niyang tinatanggal ang braso ng ate niya na nakayakap kay Julie. "Get off, Ate! I am the only one who can hug Mommy!"

"No, I won't. I can hug Mommy too, Butching." Asar ni Maddie.

"Haha. Come on, Butching. Hug me nalang." Lambing ni Julie aaka pinanggigilan ang anak.

"Mommy, it's Onzo."

"Oo na, sige na. Onzo na po." Pagsuko niya.

Maya-maya pa ay nagring ang cellphone niya. Napakagat-labi siya nang makitang tumatawag si Maqui.

"Hey, Bes!"

"San ka na? Jules, nakikinita ko nanaman na late ka sa usapan na--"

"Uy chill ka lang, Maq. I'm on my--"

"Papunta ka na? Nandito kaya ako sa bahay niyo. Huwag mo na ko lokohin."

Nanlaki naman ang mga mata ni Julie. "W-what?! Akala ko ba sa mall nalang tayo--"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon