Nagmamadaling binuksan ni Elmo ang gate ng kanilang bahay nang marinig niya ang busina ng isang sasakyan. Of course, it's Julie and her best friend, Maq. Ngunit nagtaka siya nang maaninagan ang mukha ng asawa na nagmamaneho at si Maqui naman ay halatang tulog na tulog sa tabi ni Julie. Nagtataka siya dahil kilala niya si Maqui, hindi ito pumapayag na may ibang magdrive ng sasakyan nito maliban syempre kay Frank.
Lumabas na sila ni Frank dahil hindi na ipinasok ni Julie ang sasakyan ng kaibigan niya.
"Bakit tulog na tulog 'yang asawa mo?" Takang tanong ni Elmo sa nakatatandang kapatid.
"I.. I don't know."
"Himala, Bro. Pinayagan niya si Julie na idrive 'tong pangalawang asawa niya." Tukoy ni Elmo sa sasakyan.
Pagkapatay ng makina ng sasakyan ay lumapit na si Elmo sa driver's seat at pinagbuksan ng pinto ang asawa. Si Frank naman ay nilapitan si Maqui.
"Where have you been? Pinag-alala mo ako, Babe. You should've told me na ganitong oras na kayo makakauwi." Pahayag ni Elmo saka niyakap si Julie pagkalabas nito.
"I'm sorry.." Ang tanging ganti lang ni Julie saka yumakap pabalik sa kaniya.
Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at napakunot-noo nang mapansin na kakaiba ang amoy ng misis. Para bang amoy alcohol ito at may halo pang amoy ng sigarilyo. Humiwalay siya agad at tinitigang mabuti sa mga mata si Julie. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko." Seryosong sambit niya. May kutob siya kung saan ba talaga napunta ang babaeng nasa harap niya at ang kaibigan nito.
Napakagat ng labi si Julie. "Uh.. A-ano ba 'yung tinatanong mo?"
"Where. Have. You. Been?" He asked firmly. Nag-iwas ng tingin sa kaniya si Julie.
"Uhm.. W-we went to the mall. Nagmovie date kami ni Maq then.. Dinner.."
"And then?" Dugtong niya.
"Then.."
Hindi niya na pinatapos pang magsalita ang asawa. Inamoy niya ulit ito sa leeg. "You smell like alcohol and.. Cigar." Saka niya ulit ito tinitigan. Kita niya ang paglunok ni Julie.
"R-really?"
"Yeah. May nagyosi ba sa sinehan? Or sa resto kung saan kayo nagdinner?" Hinihintay niyang magbanggit si Julie ng lugar kung saan ba talaga ito nagpunta ngunit hindi naman ito nagsasalita.
"Uh.. I'm sorry, B-baby.." Saka napakamot ng batok si Julie. "S-si Maqui kasi eh.. M-may problema sila ni K-kuya diba?" Nauutal na paliwanag nito. "Eh nagyaya kasi siya sa bar. Kapag hindi ko naman sinamahan, pupunta mag-isa eh. B-baka kasi mapano tapos--"
"Bes! Ang pogi ni Kurt 'no?"
Nagulat ang mag-asawa nang magsalita si Maqui. Akay ito ni Frank na nagtatangka na ipasok muna sa loob ng bahay ang asawa niya.
Si Julie naman ay nanlaki ang mga mata sa sinabi ng kaibigan.
"Sinong Kurt?" Pagtataka ng dalawang lalaki.
Bumaling si Julie kay Elmo. "Ah.. A-ano, Babe. 'Yung.."
"'Yung nameet namin ni Ja sa bar. Ang pogi nga eh. Haha. Tapos fan pa daw siya ni Jules. Grabe, Bes! Akalain mo 'yun? May fans ka pa rin--" Hindi na natapos pa ang sinasabi ni Maqui nang takpan ni Frank ang bibig nito.
"Hay! Frencheska!" Singhal ni Frank. "Let's go home!" Inakay muli nito ang asawa papasok sa kotse. "Bro, pasensya na ha? May misunderstanding lang kami ni Maq." He explained. "Nadamay pa si Julie." Iiling-iling na sambit nito. "We'll go ahead. Babalikan ko nalang 'yung kotse ko bukas."
