12

792 35 8
                                    

Kanina pa pagulong gulong si Julie sa kama. Hindi kasi siya makatulog dahil nag-aalala siya kay Elmo. Alas diyes na ng gabi ngunit wala pa ang asawa niya. Masyado ata napasarap ang kwentuhan at pagbabar with Jay and Isabelle.

Bumaling siya sa may bintana saka ipinikit ang mga mata. Kanina pa siya inaantok eh, kaso nga ayaw makisama ng isip niya. Puro Asan na kaya si Elmo?, Anong oras kaya siya uuwi?, Nag-eenjoy ba siya kasama si Isabelle? ang nasa utak niya.

Ito na yun.. makakatulog na dapat talaga siya. Kaso may naramdaman siyang yumakap sa kaniya mula sa likuran. She knew that it was Elmo.

"Good night, Babe." Bulong ng lalaki saka isiniksik ang mukha sa leeg niya.

Bumuntong hininga siya saka inilayo ang sarili sa pagkakayakap ng kaniyang asawa dahilan para masubsob si Elmo sa kama.

"Ow! I thought you were sleeping already." Sambit ni Elmo habang nakahawak sa pisngi. Buti nalang at sobrang lambot ng kama nila. Napakunot noo ito nang makitang tumayo si Julie saka nagsuot ng tsinelas. "Hey! San ka pupunta?" Mahina niyang tanong. "Ayaw mo ba kong katabi?"

Hindi pinansin ni Julie ang mister. Nagdirediretso siya sa paglabas ng kwarto. Balak niya nalang matulog sa kwarto ni Onzo. Nung una, wala naman talaga siyang balak gawin ito pero nang malanghap niya ang amoy ng asawa niya, lalo siyang nainis. Mukhang naparami sa pag inom si Elmo eh.

"Babe, is there something wrong?"

Inis na hinarap ni Julie ang asawa. Nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto ni Onzo. "Wala! Wala, okay?!" She stared at her husband's face. Halatang lasing ito. Namumula na ang mukha at halatang inaantok pa.

"Wala naman pala eh. Tulog na tayo." Tuluyan itong lumapit kay Julie saka yumakap.

Julie sighed. Nakasubsob sa leeg niya ngayon ang mukha ni Elmo. "Nag-enjoy ka ba woth Isabelle?" Mahinahon na tanong niya.

"Isabelle?" Elmo asked sleepily. "She wasn't with me and Jay."

Nagpanting ang tainga ni Julie sa narinig. Wala sa sariling nahampas niya ng malakas ang likod ni Elmo. Talagang nagsinungaling pa ito sa kaniya ah.

"Ouch!" Gulat na sambit ng lalaki habang pilit inaabot ang parte ng likod niya na pinalo ni Julie. Tila nawala ang pagkalasing nito. "What was that for?!"

"Damn, Elmo!" Naiiyak na tugon ni Julie. Tumingala siya saka binaling ang tingin sa asawa. Bakit pa kailangan nitong magsinungaling sa kaniya? Samantalang huling huli na ito kanina pa.

"Why?!"

"You weren't with her?!" She asked furiously.

"I wasn't! Saan ba galing 'yang tanong mo?" Kunot noong tanong ng lalaki.

"Saan?! Halika! Papakita ko sayo!" Hinawakan ng mahigpit ni Julie ang laylayan ng puting tshirt na suot ni Elmo saka hinila ito papasok sa kwarto nila.

"Julie, stop!" Awat ni Elmo. Hawak niya ang kamay ni Julie para man lang huwag siyang makaladkad nito ng sobra.

"No! Gusto mong malaman diba?!" Binitawan ni Julie ang suot ng mister saka kinuha ang cellphone. "Oh ayan!" Malakas na ipinalo ni Julie ang cellphone niya sa dibdib ni Elmo at bago pa mahulog iyon ay nasalo na ng lalaki. "Yan ang sagot sa tanong mo!"

Kung si Elmo ay namumula ang mukha dahil sa pagkalasing, siya naman ay namumula ang mukha sa galit. Kaya tutol siya sa pagpupulis ni Elmo eh. Baka bumalik sila sa dati, yung may tinatago si Elmo sa kaniya. Tapos ito pang si Isabelle. Si Isabelle na naging dahilan kung bakit nagkandaletse letse ang buhay nila dati.

"What's this?"

"Cellphone yan, gago!" Galit na tugon ni Julie. Mabilis siyang lumabas ng kwarto nila at pumasok sa kwarto ni Onzo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon