Julie woke up when she heard her husband snoring. Medyo malakas kasi iyon tapos nakatapat pa sa tainga niya. Nakatalikod siya kay Elmo at nakayakap naman ito sa kaniya.
Sinubukan niyang alisin ang mga braso ni Elmo sa kaniyang tiyan ngunit awtomatiko namang humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng lalaki.
"Baby.." bulong niya. Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside table. Alas nueve na ng umaga.
"Hmm.."
"Babe, it's already nine. Tanghali na. Baka kanina pa naghihintay sina Mama sa atin."
Hindi naman umimik si Elmo. Lalo pa nitong isiniksik ang mukha sa leeg niya.
She let him sleep for another ten minutes. Gigisingin niya na sana ulit ito nang may kumatok sa pinto.
"Mommy.." tawag ni Maddie.
"Come in, Baby." Tugon niya.
Maddie came in. Halatang bagong gising ito at gulo pa ang buhok. Dala nito ang may kalakihang panda stuff toy na iniregalo ni Elmo two years ago.
"Good morning." Bati ni Julie nang humiga sa braso niya ang anak.
"Morning, Mom." Tipid na sagot ni Maddie saka pumikit at yumakap sa ina. "I'm still sleepy."
"Baby, diba kina Grandma kayo magsleepover tonight? You need to get up. Baka--" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya nang humikab si Maddie at sumiksik naman ito sa dibdib niya.
Hindi niya na tuloy alam kung paano gigisingin ang mag-ama. Saka niya lang naalala na halos alas-dose na ng gabi pala sila nakatulog kagabi dahil sa kakalaro at kakanood.
Hindi na rin siya makagalaw sa kinahihigaan niya. Ni hindi niya nga alam kung bakit nakakahinga pa siya ng maayos eh. Parehong nakayakap sa kaniya sina Elmo at Maddie tapos nakapatong pa ang tig-isang hita ng mga ito sa mga hita niya.
Maya-maya pa'y may kumatok ulit.
"Mommy.." mahinang tawag ni Onzo.
Hindi na siya sumagot dahil kusa na nitong binuksan ang pinto.
Nakapikit itong naglakad papalapit sa mga magulang na tila kabisado na ang bawat parte ng kwartong iyon.
"Mommy.. I want to sleep beside you." He said as he crawled up in bed.
Doon naman nagising si Elmo. Bumangon ito at pinagmasdan ang mag-iina. "Good morning." Bati niya saka nagkusot ng mata. "Come here, Butching." He tapped the space between him and Julie.
Agad na nagtungo doon ang bata.
"Baby, may usapan tayo--" Elmo interrupted her.
"Shh. Babe, go back to sleep." Sambit nito.
Napabuntong hininga na lamang si Julie lalo na nang sabay na yumakap sa kaniya sina Elmo at Onzo. Ano pa bang magagawa niya? Syempre wala kaya kagaya ng tatlo ay natulog nalang din siya. Hindi rin naman siya makatayo dahil parang magnet siya at bakal naman ang tatlo na ayaw na umalis sa tabi niya.
~~
"You behave while me and Daddy are away. Nagkakaintindihan ba tayo?" Julie asks their kids.
Eksaktong alas onse na ng umaga nang makarating sila sa bahay ng mga magulang ni Elmo. Sa bahay kung saan sila tumira ni Maddie noon.
"Yes, Mommy." Tumatangong tugon ng dalawang bata na parehong nakaupo sa counter top.
Kasalukuyan silang nasa kusina. Naroon din ang ina ni Elmo na naghahanda ng tanghalian.